Malakas ang sigaw ng bawat isa habang masasayang nagtatalunan matapos ang seremonyang nagdeklara na sila'y nagtapos na ng highschool. Kanya-kanyang nagtatawanan at nagbibitiw ng kani-kanilang mga paalam, samantalang ang iba naman ay nagkukuhaan ng litrato.
Isa-isang nagsilapitan ang lahat papunta sa kanilang mga pamilyang nagagalak din.
"Ate Yna! Ate Cheeel! Congrats!" bati ng isang batang lalaki sa dalawang dalaga, yumakap pa ito sa mga iyon.
"Thank you, Allyx! Hello po, Tita, Tito." bati ng isa bago nagpaalam at saka nagtungo sa kaniyang pamilya sa di kalayuan. Bakas ang tuwa sa kanilang mukha.
"Ma! Tita!"
"I'm so proud of you, anak." maluha-luha nitong bati sa anak.
"Ma naman, highschool graduate palang ako pero parang gumraduate na ko ng college sa bati niyo." pang-aasar nito sa kaniyang ina, tumawa naman ang isa pa nitong kasama na tita naman nito.
"Tita!" niyakap niya rin ito at hinalikan naman siya nito sa kanyang pisngi.
Masayang nakatitig sa kaniya ang dalawa nang lumapit ang kaibigan nitong si Yna.
"Hello po, Tita." bati nito.
"Congrats din, Yna. Saan ka pala papasok ng college?" tanong ng ina ni Chel.
"Ah, baka po sa Manila." sagot naman nito agad. "Si Chel po ba?" dugtong nito. Nakangiti namang tumingin si Chel sa kaniya, na nagpangiti rin dito.
"Doon din?" halos pasigaw na tanong nito. Tango naman ang isinagot ng isa, at masayang nagtalunan ang dalawa. Maya-maya rin ay nagpaalam na ang dalawa sa isa't isa para umuwi.
Nang makarating sila sa bahay ay agad itong tumungo sa kanyang kwarto para magbihis, at nang matapos ay umupo ito saglit sa kanyang kama at kinuha ang isang frame na nasa bed table.
"Pa, graduate na ko ng highschool, pwede na kitang makita." nakangiti ngunit may bahid ng lungkot nitong sambit. Nang ipatong muli nito ang frame ay siyang pagpasok naman ng kanyang ina sa kanyang kwarto.
"Huwag kang mag-alala, anak. Nakausap ko ang lola mo at pwede na raw tayong pumunta roon."
"Talaga ma? Bukas?" sabik nitong tanong sa ina na ikinatuwa naman nito.
"Oo sige, magbu-book na ko ng flight natin mamaya." sagot naman nito. Masayang niyakap ni Chel ang kanyang ina dahil doon.
"Oh siya, magsimula ka nang mag-impake para bukas ay maayos na." utos nito sa kanya bago lumabas ng silid.
Wala namang anu-ano'y sinunod nito ang utos ng ina. Kinuha nito ang mga damit na dadalhin niya at ilang libro.
Mabilis na lumipas ang oras, nakahiga siya sa kanyang kama habang nakatitig sa kisame niyang puno ng mga bituin. She adores the beauty of the stars, the moon, the whole sky at night to be particular. Ito ang nagbibigay ng peace of mind sa kanya. Ito rin ang nagpapasaya sa kanya.
Tahimik lang siyang nakatitig sa mga bituin nang kumatok ang kanyang ina. Nang pumasok ito'y agad na nakuha ng isang kahon ang kanyang atensyon. Napabangon naman siya dahil sa galak.
"Nak." iyon lamang ang sinabi ng kanyang ina ngunit halos maiyak na siya sa tuwa nang iabot sa kanya ang kahon na iyon. Noong ika-17 na kaarawan niya ng taong iyon ay nangako ang kanyang inang bibilhan siya ng matagal na niyang hinihiling na camera.
Agad niyang binuksan iyon, at walang dudang camera nga ang laman niyon. Halos mapatalon siya sa tuwa, muli niyang niyakap ang ina sa pasasalamat.
"Take care of it, okay?" bilin nito.
"Of course, Ma."
"Now you can capture the night sky." sa sinabing iyon ng kanyang ina ay agad itong tumayo at sumilip sa kanyang bintana ngunit agad ding bumalik sa kinauupuan kanina.
"Bakit ka malungkot?"
"Maulap ma." mahina namang napatawa ang kanyang ina sa sinabi nito.
"Don't worry, there are still more nights for you, my dear."
Ngumiti ito sa ina bago niyakap itong muli. Hinalikan siya nito sa noo at nagpaalam na para matulog. Nang lisanin nito ang silid ay niligpit na niya ang camera at muling nahiga.
~
Kinaumagahan nang siya'y magising, abala na ang kanyang ina sa paggayak. Bumangon na rin ito agad upang tumulong at ilabas ang kanyang mga bagahe. Ilang oras na lang mula ngayon ang flight nila ng kanyang ina. Halatang hindi na nito maitago ang galak.
"Chel, maligo ka na. Pagkakain natin aalis na tayo." utos sa kanya ng ina na agad naman niyang sinunod.
Matapos nilang kumain ay nilisan na nila ang kanilang bahay at dumiretso na sa airport. Dahil nakabook na ang flight nila, pagdating doon ay inintay na lamang nilang mag-boarding.
Minutes have passed, her first step to another journey began.
Moon
A/N: Paumanhin, medyo korni 'tong prologue hehe next po simula chapter 1, Ixchel's POV na :>

BINABASA MO ANG
Moon (ムーン)
Teen FictionGraduating from High School, an unexpected journey awaits for a young woman during her summer break at her father's hometown.