Lumipas yung buong linggo, gigising, papasok sa school, bubwisetin ni Theo, uuwi, matutulog. Oo, kasama na sa routine ko yung pambubwiset nya kaya medyo sanay nako. Eto sabado na naman yes! Weaalang pasok pahinga na din. Ayaw ko pa sanang bumangon kaso si Eron gusto maglaro sa baba kaya bumangon narin ako. Dumaan ako sa kwarto ni Miya, tulog mantika pa mukang nagpuyat na naman. Pag daan ko sa Kwarto ni Kuya wala na sya.. baka pumasok na. Ayos marunong gumising mag isa, Hindi nako ginagawang human alarm clock. Yipi! Pag baba ko, hinayaan ko na mag laro si Eron sa sala tapos nagluto nko almusal naming tatlo.
Enjoy ako sa pagluluto… Nang biglang sinabi ni Eron, “ate may tao..” sabay turo sa may pinto. Hala may bisita? Wala naman ako inaasahan bisita ngayon. Lumapit ako sa pinto para pagbuksan kung sino man yon. Pagbukas ko… ay! Si papa pala.
“pa, napabisitan ka?” bungad ko sakanya.
“wala masyadong trabaho e, kaya naisipan ko dumaan dito.” Sabi ni papa. Umupo sya sa sofa.
“Gusto nyo pong kape? O juice?” pag aalok ko. Kahit ganto kalagayan naming, wala kong galit kay papa, thankful pa nga ako kasi hindi nya kami pinapabayaan, hindi kagaya ng iba iniiwan lang.
“Hindi na, nag breakfast na ko sa bahay. Kuya mo?” sagot ni papa sakin.
“ay! Pumasok po e, nagtatrabaho”
“bakit? Kulang ba pinapadala ko? Dadagdagan ko..” sabi ni papa
“Hindi naman pa, Okey nap o yung pinapadala nyo, e si kuya ko gusto nya po ng may gingawa syempre ayaw ng matengga dito.” Pagpapaliwanag ko.
“e panong tong si Eron?” sabi ni papa sabay buhat kay Eron.
“Kay ninang po. Wala naman pong gingawa si ninang.”
Tapos ayon nag harutan si papa at Eron nagbonding. Pinakita ni Eron lahat ng laruan nyang tren. Pangarap nya raw mag drive ng tren e. HAHAHA bata nga naman. Tapos umalis na si papa, nun ko lang napansin na may bodyguards pala si papa. Bago makaalis si papa sabi nya itetext daw nya ako paglibre sya at ipapasyal nya kaming magkakapatid. Sobrang excited naman si Eron nun nalaman yon. Normal lang nangyari buong week end nabigyan ako ng sapat na pahinga sa pambuburyo ni Theo.
------
“Andyan na si Mam!” ayan na naman pero ngayon panatag nko kasi maayos naman yung classroom. Umupo kaming lahat at parang anghel na hindi makabasasg pinggan.
“okey, class. Hindi tayo mag lelesson ngayon.” Sabi ni mam kausapin. At lahat kami ay ngumiti na parang demonyo. Hahahaha
“Alam nyo naman na malapit na yung festival ng school diba? At alam nyo nadin na kailangan nyong gumawa ng booth per section. Now, mag uusap usap kayo kung anong Klaseng booth gagawin nyo. Then make a proposal tapos ipasa nyo sakin, clear?” pagpapaliwanag ni Mam Kausapin. “Now, President and Vice President take charge for this meeting..” dagdagni Mam. Urrgggghhh! Makakasama ko na naman yung halimaw na yon.
”Yes mam!” sagot ng halimaw. Tumayo kami dalawa at pumuntang unahan.
“okey, classmate any sugguestion?” pag iinsist ko. Nagtaas ng kamay yung halimaw kong katabi. Urggghh pustahan kalokohan suggestion nyan.
“yes?” walang gana kong sabi?
“Marriage booth” sabay ngiting wagas.
“What’s new? e may gumwa na nyan last year!” sabi ko ng may halong pang aasar.
“with a twist!” biglang sabak ni Luke. Ok sila na bestfriend mag tulungan. Hay nako pag bigyan na.