Paglisan

22 0 0
                                    


"PAGLISAN"

Hindi ko alam na ikaw ay lilisan na.
Nakampanti akong na sa tabi lang kita.
Kaya nung nawala ka halos hindi ko kinaya.
Sobra akong nasaktan dahil hindi ko matanggap na wala ka na.

Sa bawat gabing nagdaan.
Ngiti mo'y laging napapanaginipan.
Hindi ko maiwasan na lalong masaktan.
Sa tuwing maaalala kong hindi mo na ako babalikan kailanman.

Walang araw na hindi ako lumuluha.
Sobra akong nangulila sa iyong pagkawala.
Bakit kailangan ngayon pa?
Kung kailan masaya na tayong dalawa.

Hindi ko maintidihan ang aking nararamdaman.
Bakit ganito ang aking kaparusahan?
Ito na ba ang aking kabayaran,
sa aking mga kasalanan sa nakaraan?
Kapalit ay ang iyong paglisan.

A/N:

Ito po ang kauna-unahang tula na nagawa ko.Sana po magustuhan nyo.Thank you and enjoy reading!!

PAGLISANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon