I.
Awitan Ka, ang pinakananais ko
Sambahin Ka ay kaluguran ng puso ko
Hangga't ako'y mayroong tinig
Hangga't ang puso'y pumipintig
Ako'y aawit sa'yo nang papuri
Ako'y aawit sa'yo nang pasasalamatChorus:
Dahil minamahal
Pinakamamahal Kita
Pinakamamahal Kita
Sa buhay ko'y walang iba
Sa puso ko'y nag-iisa,
Aking Hesus, maghari Ka
Pinakamamahal
Ika'y minamahal
Pinakamamahal Kita, Panginoon