Chapter 1

20 2 0
                                    


["Girl kailan ba kayo pupunta dito sa manila? I already miss you! Si chloe puro inom na lang dito."] Sabi ni eli.

"Eli i miss you too. Sorry kung hindi ako makabisita d'yan. Papalapit na kasi ang finals, kailangan kong mag-aral ng mabuti." Paliwanag ko.

[Basta pagkatapos niyan, uwi ka kaagad dito. Madami akong boys na ipapakilala sayo!"] Pasigaw nito sabi.

"Hay nako eli. Why don't you just finish your studies and make tita proud naman. You always spend your time para sa mga lalaki! Tapos kapag iniwan ka? You're going to cry like it's the end of your world!" Pangaral ko sa kanya.

["Grabe ka naman thea! Parang hindi ka lumalandi diyan ah? Balita ko kay john may tatlo ka raw na manliligaw!"] Sabi nito.

"It's not true okay? Sige na elise may pasok pa ako." pagpapaalam ko.

["Okay bye! I love you! Don't forget to find the one and stop being a book addict baka pumangit ka sa kakabasa at layuan ka ng mga boys."] pangugulit nito.

"Whatever. Bye i love you too." Sagot ko at binaba na ang tawag.

Im on my biology class at daldalan ng daldalan ang mga kaibigan ko. They are talking about their crushes on our school.

"Ikaw ba thea, napopogi-an ka ba kay blad?" Tanong sa'kin ng kaibigan kong si candice.

"Hmmm may itsura siya" maikling sagot ko.

"Girl bat mo pa tinanong iyang si thea, e puro si stanley lang naman ang nasa isip niya! Yieee harot baka maaga akong mag ninang ha? Lagot ka sa mama mo!" Pang-aasar nito.

"Baliw! E wala na sila ni stan, kasi ayaw na ni thea doon. Diba bebe?" Sabat ni shai at binebaby pa ang mukha ko.

"Ay oo nga pala nakalimutan ko. May something ata sa kanila nong ex niyang si giselle. Feeling ko ginawa ka lang no'n na rebound." Sabi ni candice.

"Hindi naman siguro? Napaka possesive kaya ni stan kay thea! Kaya malabo na may gusto pa siya kay giselle. Besides maganda naman ang ate mong ito! Oh ha pak na pak!" Proud na sabi ni belle at pinaypayan pa ako.

"Hahahahahaha baka mapikon satin yan! Di na tayo papakopyahin niyan kapag may quiz!" Pang-aasar ni candice.

"Ay huhu sorry na boss basta pakopyahin niyo lang ako. Di na po mauulit boss." Pagmamakaawa ni belle habang napout ang labi at may paiyak iyak effect.

Natigil na lamang ang pang-aasar nila sa'kin dahil dumating na ang prof. And guess what nagpasurprise quiz ang lolo mo.
Good thing nagbasa ako kanina sa library. Todo tanong tuloy itong mga kaibigan ko.

Nang matapos ang Biology class ay kumain muna kami sa Chowking.

"Huy girl may ichichika ako sainyo! Si sky yong kaklase natin nung highschool, dice! Sabi niya crush na crush niya daw itong si thea!" Kinikilig na sabi ni belle.

"Omg si sky?! Travis Sky?! Omg! Omg! Sobrang pogi yon nakilala ko yon sa birthday ng pinsan ko. Grabe sabi sakin ng pinsan ko buong batch daw nila ng senior high nagkagusto sa kanya." Sabat ni shai.

"Oo gagi tinatanong niya nga sakin kanina si thea e. Sabi ko tigilan niya na 'to dahil may stanley na 'to pero ayaw makinig. Sabi pa niya aantayin na lang daw niya si thea." Sabi ni candice.

"Wala naman kami ni stan. Nakakasakal kasi 'yong loko na 'yon. Hindi naman naging kami pero kung makakontrol sa buhay ko, parang feeling niya manlalaki ako. Duh e wala nga kaming label! Kahit nga pagsama ko sa inyo pinag aawayan pa namin e." Sabi ko at uminom ng tubig.

"Nag i love you-han pa kayo e wala naman palang kayo!" Candice chuckled.

"Hmm so ano? may pag asa ba sayo?" Pang aasar ni belle habang kinikiliti ako.

When the Sun goes downWhere stories live. Discover now