Napabalikwas si Monica sa kaniyang hinihigaan. Malamig ang simoy ng hangin na nanggagaling sa kaniyang aircon ngunit pawis na pawis ang kaniyang katawan.
"Panaginip, panaginip na naman" ang sambit nito. Marahan niyang hinawakan ang dibdib nito sa may bandang puso. Ramdam nito ang mabilis na pagkabog kung kaya't huminga ito ng malalim para mapanatag.
"Panaginip lang iyon Monica, hindi sya totoo, panaginip lang iyon" pagkumbinsi niya sa kaniyang sarili.
Makalipas ang ilang minutong pag tulala ay bumalik na ulit ito sa kaniyang pagtulog. Hindi alintana ang isang pares ng mga matang matiim na nakatitig sa dalaga habang natutulog. Nakatago ito sa dilim at pinag mamasadan ang dalaga mula sa maliit na siwang ng bintana sa kaniyang kwarto.
"Malapit na mahal ko. Malapit na ulit kitang makasama. Hintayin mo lang ako at sana sa muli nating pagkikita, hindi man ako makilala ng iyong isipan, sana'y makilala naman ako ng iyong puso." ngiti nito.
BINABASA MO ANG
Buwan
FantasyIsang panaginip ang paulit ulit na gumugulo sa dalagang si Monica. Akala nito ay hindi na ulit mangyayari ito sa kaniya sapagkat matagal na ng huminto iyon. Kaya naman ng makabangga niya ang binatang si Clyde ay labis ang kaba nito. Ito ang lalaking...