Prologue

25 0 0
                                    

Sa mga nararamdaman ko, sure akong walang nagbago, noon at ngayon.

Nag-latag sila ng choices pero hindi ako binigyan ng pagkakataon na pumili. Damn those choices.

It's been 10 years.  Everything change. I am to blame. Relationship dies. I am the reason.

Laging ako.

I was walking, pinuntahan ang mga lugar na pinupuntahan ko noon, madalas at kasama siya. Tunay nga, madaming nagbago, literal na madaming nagbago. Nasa may Parke ako. Napa-isod ako ng maramdaman ang gumugulong na bola sa may bandang paanan ko. Nilingon ko yun.

"Louise..? Is that you?" Mataman kong tiningnan ang nasa harap ko, he is wearing jersey may band sa noo, habang hawak niya na ang bola ng pang basket na kaninang tumama sa paanan ko.

Natigil ako, hindi ako magtataka sa kung sinong kasama nito, parang napako ako sa kinatatayuan ko.

"Hmm." Tango ko. "M-mac?" Napalunok ako, at nanlamig ng mamataan ko sa kung sinong kasama niya. Hindi ako nagkamali. She's with Monique, mukhang masaya. Oo, masaya. Tunay nga ang balitang dumating sa akin. Pinupunasan ni Monique ang pawisang noo ni Vien, my man.

"Louise, kumusta ka? Lalo kang gumanda ah. Kailan ka pa nakauwi?" Tanong ni Mac, iniwas ko ang tingin ko sa di kaaya-ayang view na yun.

"Noong nakaraang linggo lang Mac." Magkaharap kami ngayon ni Mac, alam kong nararamdaman niyang naiilang ako dahil ng kaibigan niya. Alam niya ang nangyari noon.

"Ah ganon ba." si Mac habang nakangiti.

Nakita niyang nakatingin ako sa likod niya habang ang mataman kong tinitingnan ay may pinagkakaabalahan. Nangingilid na ang mga luha ko, kapag umimik ako, lalaglag sila lahat

"Want to talk... with him?" aniya habang nakatingin sa mata ko, batid kong alam niya ang nararamdaman ko, pero alam ko din na maiisip niyang deserve ko yun dahil ng ginawa kong pang-iiwan without telling the true reason why I left.

Yes. Palagi kong gustong kausapin siya. Hawakan ang kamay niya at makulong sa mga yakap niya.

Bumaling siya sa likod niya, hindi ako makikita ni Vien dahil sa posisyon namin.

"Vien, ako na ang maghahatid kay Monique, tutal may dadaanan ka pa sa mall diba?" presinta niya.

"Sure ka ba diyan? Baka chansingan mo lang si Monique e hahaha." Sagot ni Vien, Ang sakit. Sobra. Bahagyang hinampas ni Monique ang balikat ni Vien dahil doon.
At kinuha na niya ang bag, at nagpaalam kay Vien at marahang hinalikan sa labi. Aray. Napatingin ng bahagya si Mac sa akin dahil noon. Ngunit ngumiti lang ako ng tipid.

"Ano ka baaaa! Ugok. Monique punta ka na sa kotse ko, susunod na ako." Utas ni Mac na sumunod na si Monique habang kumakaway kay Vien ng may matatamis na ngiti sa labi.

Inaayos na ni Vien ang gamit niya, mas lalo siyang gumawapo, tumangkad pa siya lalo, mas lalong gumanda ang katawan niya, yung buhok niyang medyo wavy na bagay na bagay sa mukha niya. Yung mata niyang sobrang ganda at kilay na may kakapalan subalit bumagay, at Ang pilik niyang mas lalong naging dahilan ng pagkakadepina ng maganda niyang mata. Ang ngipin niyang walang kapintas pintas gaya ng kanyang balat na morenong moreno, at ang labi niyang sobrang ganda at mapula-pula. Sobrang gwapo.

Lumapit na sa kinauupuan ni Vien si Mac. At rinig na rinig ko ang sinabi niya.

"Vien, someone wants to talk with you." Sabi ni Mac na bahagya, at bago pa man niya maitanong ay nakita niya na ako dahil nilingon ako ni Mac.

AlwaysWhere stories live. Discover now