CHAPTER 1

12 0 0
                                    

2002

Louise POV

"Goodmorning Anak.. gising kana, maaga pa ang pasok mo ngayon diba?" si daddy habang kinukusot ko ang mata ko at nasilaw sa bahagyang tumama ng sikat ng araw.

"Dad, what is the date today?" I ask habang dahan-dahang kinokondisyon ang sarili ko. Nakaupo habang nakatulala. Ewan ko ba, matic ka ganun ako pagkakagising. Weird hahaha.

"August 07 na anak ngayon, get up na and prepared" Sagot niya habang nakatayo sa pintuan ng room ko at may hawak ng kape sa left hand niya at dyaryo naman sa kabila. "Bilis, I cook breakfast."

Napabalikwas ako ng maalalang unang araw nga pasukan ngayon, gosh. I check the time and its already 7:15, nahaligap ko ang schedule ng pasok ko sa may table ko at the F!! 1st period ko, 8:00.

"Omo! I don't think I can eat breakfast pa Dad, may pasok na nga pala ako ngayon fuck!" Sabi ko, nagmadali na talaga ako. Hinigit ko na ang tuwalya at diretso na sa bathroom.

"Hindi maari, kumain ka! Hindi pwedeng Hindi, okay?" Pahabol niya ng makapasok na ako sa bathroom. Hindi ko na pinansin, at nagtuloy na lang..

After 10 minutes, I'm done, since bago pa lang ako, naka civilian muna ako. Hindi pa tapos tahiin ang uniforms ko e, yung pam-P.E lang yung nasa akin, at knowing na first day ngayon, mukha akong ugok dun kung yon ang susuutin ko di deva? Haha.

Nagsuot na lang ako ng color black na medyo oversize t-shirt na minimal lang yung tatak, at nag-pantalon, I tucked in my shirt then wore my black Gucci belt to add style then wore my plain white Skechers para minimal lang ang lahat ng bagay. Wushuu! Lumabas na ako ng room dala ang kulay itim na Winmax Leather Bag sa likod ko. I get one piece of towel na bench and bath, color black at ang rolex ko.

At hinagilap ang Id sa may gilid ng pintuan ko, color maroon na may touch ng black at white then logo ng Vanguard National Highschool, yep. Public, yep.

"Dad, I'm getting late na so kailangan ko na umalis, bye Dad" Tatakbo kay Daddy para yumakap at magpaalam.

"Paano breakfast mo 'nak?" habang inaasikaso na yung hinanda niya, "Sumubo ka man lang sana, masamang nagugutom anak! Oh, ingat sa pagmamaneho anak!" inaabot niya sa akin yung binalot niya sa tissue na sandwich, dagli kong tinaggap para makaalis na.

"Okay Dad, I love you!!" pahabol ko habang nginunguya sa bibig ko ang sandwich na bigay no Daddy at diretso na akong umalis, pinanood niya pa ako makalabas ng bahay. Feeling ko tuloy kindergarten pa lang ako. Hahah, anyway I love my Dad, sobra sobra. He is my all in all.

I grab my key at pumunta na sa sasakyan, mabuti pala at nilinis ko ito kahapon. I need to go!

Late na ako pusta.

Kaya madali kong pinaharurot ang sasakyan ko. I know how to drive safely, nag-aral ako sa Italy hihihi. Kaya come on, come ride with me. Charot HAHAHA

Bale, smooth lang ang byahe after 8 or 10 minutes, nakadating na ako sa school.

Maganda ang school, wala na akong time idescribe, I need to go find my room, huhu.

"The sched, the sched, where are you!?" bulong ko sa sarili ko. Habang lakad takbo na.

Gotcha! Okay, let's go find the Room 10, building 2- HUMSS

"Room 8... 9... 10, Gotcha!!!" Nakatayo ako ngayon sa tapat ng room 10. Nakakahiya napalakas ata ang pagka -'gotchaa' ko, heheh. Natigil sila at napatingin sa akin, haha peace.

Probably my room. Tiningnan ko ang oras sa relo at, fotaness, Im almost 10 minutes late.

Now I am wasted. Sige, magdadahilan na lang. Hehehe.

"Goodmorning Miss, dito ka?" Maamong tanong sa akin ng kung di ako nagkakamali, prof namin to. Medyo may edad na, pero naghuhumiyaw sa itsura ang kagandahan noong kabataan.

Inikot ko ng tingin ang buong room para maghanap ng bakanteng upuan sana, at nagkita naman ako.

"Yes Miss." Hahakbang na ako papasok ng umimik muli ang professor.

"Goodmorning din!" Aruy, di pala ako nakabati pabalik, tampo agad. Nagtawanan ang mga estudyante sa harap ko na bagya kong ikinahiya. Ano ba naman yan. "Late na nga e.." at inismiran ako.

Akala ko maamo. Pinuri pa naman kita, yawa ka. Chos.

"Goodmorning Miss." Harap ko sa guro at tiningnan ako mula ulo hanggang paa habang nakacross arms at bahagya akong tumungo at nagpunta sa bakanteng upuan.

Nakaupo ako ngayon sa may malapit sa bintana, nilingon ko ang lalaking katabi ko na bahagya akong nilingon. "Wala bang nakaupo dito?" tanong ko sa kanya.

"Meron." sagot niya na hindi na sa akin nakatingin, sa unahan na, may sinasabi ang prof, mukhang mag-iintroduce your self ata.

"Ow, sorry? So I need to find another one..." habang sumusulyap sa paligid, kaso bigo. Wala na e. Napatawa siya, nagtaka ako.

"Meron ng nakaupo diyan... Ikaw.. Nakaupo ka hello! Hahaha." Napatanga ako, okay, putek. Oo nga noh! Di ko na pinansin. Humahagikhik siya habang nakatingin na sa isang katabi, lalaki din.

"Goodmorning Classmates, I am Mac Nathaniel Sebastian, call me Mac. That's all." Natapos na ang katabi ko, hudyat na ako na ang susunod.

Tumayo ako ng maayos at nagsimula ng magpakilala.

"Goodmorning, I am Louise Caleigh Fryxwell, that is all. Teach me well." Naupo na ako. Nakatingin lang ako sa may unahan habang nakikinig sa professor dahil mukhang hindi sayang sa oras ng prof ang magtaray, hahah.

Nagrefresh lang ng mga natutunan last year. We are in Grade 11, bale hindi ako dito nag Junior high school, sa Italy ako pumasok noon. Then napagdesisyunan ni Papa na umuwi kaming Pinas and here I am.

"Miss, kanina ka pa tinatawag ni prof, paktay ka. Lipad pa hahaha." Patay. Napamaang akong tumayo.

"Again Miss, sorry." pagpapaumanhin ko.

"Sa susunod, wag kung ano anong iniintindi, focus focus din, di na kayo mga junior high school!!" Napatungo ako, sorry na nga e.

"Give me an idea about the HUMSS strand."

Uupo na sana ako, tinanong pa. Umayos ako ng tayo at pinagbigyan ang gusto ng guro.

"HUMSS stands for Humanities and Social Sciences. This strand focuses on the study of human behavior and societal changes, and analysis of arts, culture, literature, and politics. It involves political science, anthropology, linguistics, psychology, and communication, Miss." At sumalampak na sa upuan ko, masyado na akong madaming sinasabi.

"Very good. Mahalagang alam niyo yan, hindi yung pumasok lang kayo dahil maunti ang math." Nagtuloy tuloy ang klase, hanggang magrecess na.

Nakaupo lang ako, di pa naman ako nagugutom. Pero kamaya-maya, bumaba na din ako.

Ang ingay naman. Peace of mind sana. Tsk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AlwaysWhere stories live. Discover now