Samantha Tycho pangalawa sa anak nila Mr.James Tycho at Mrs.Lily Tycho.Lumaki siyang Di man lang nakakasama ang kanyang mga magulang sa kadahilan na palagi itong busy sa kanilang napakadaming business at malalaking kompanya sa Ibang bansa.
Meron naman siyang kuya ngunit busy din ito sa kanilang business dito sa pilipinas kung kaya't minsan niya lang din itong makasama.kahit na college pa lamang ang kanyang kuya ay ubod na ito ng talino kung kaya't hindi na nag dalawang isip ang kanyang ama na ipagkatiwala ang kanilang negosyo sa nakakatanda nitong kapatid.
Lumaki si samantha na tanging Personal maid,maids,bodyguard lang ang kanyang nakakasama sa buong araw.Kahit mismong kaarawan nito ay di man lang makapunta o makauwi man lang ang kanyang mga magulang.pero na kahit na ganun ay natutuwa pa din siya dahil nakakasama naman niya ang kanyang kuya.ngunit nangingibabaw pa din ang kalungkutan sa kanya.dahil pitong taong gulang lamang siya simula nung sumunod ang kanyang ina sa ibang bansa upang tulungan ang kanilang ama sa kanilang negosyo.limang taon naman siya nang umalis ang kanyang ama.nakakausap niya naman ang kanyang mga magulang ngunit tanging skype or videocall lamang.
Kung kaya't ganun na lamang ang pagkasabik niya sa isang pagmamahal.pero paano pag napunta siya ang isang tao na pinaglaruan lamang ang feelings niya?at paulit ulit lang siya nitong sinasaktan?itutuloy niya pa din ba ito?
YOU ARE READING
When I fall in love with you
Teen FictionSamantha Tycho isang anak mayaman,medyo maldita,matapang,may sariling kotse,bodyguards at may sariling condo. Pero kahit na ganun ay may busilak pa din itong kalooban.kahit na lumaki siya na minsan lang nakakasama ang kanyang mga magulang ay hindi n...