Unang Paksa

30 5 2
                                    

Unang Paksa

"1950 tayong nagkakilala, Norma, naalala mo ba?"

"Tandang-tanda ko iyon, Fernan. Pero sa tingin ko ikaw iyong hindi nakaalala. Taong 1955 tayo nagkakilala. Ilang beses ko na 'yan sinabi, ah! Baka naman iba 'yang nakilala mo taong 1950?" May kahulugan na tanong ko.

Humalakhak lang ito.

"Ang tanda na natin, selosa ka parin, Norma."

"Hindi naman ganoon, Fernan. Lagi mo kasing ginigiit na taong 1950 tayo nagkakilala kahit hindi naman!"

Sa tanda kong ito, iniirapan ko parin ang lalaking ito.

"Oo na, hindi ko na 'yan makakalimutan sa susunod. Hayaan mo na, Norma. Eighty-two na itong asawa mo. Ulyanin at ang bilis ng makalimot."

"Inaamin mo nga na matanda ka na?" Mapang-asar na tanong ko rito.

"Anim na taon lang naman ang agwat natin, Norma. Kahit matanda na ako, kaya parin naman kitang pa ungolin at umibabaw sa'y-"

"Fernan!" Putol at mabilis na hinampas ito. Hindi ako makapaniwala sa kapilyuhan ng matandang 'to!

Humalakhak ito.

"Alam mo ba..Hindi ko malimot-limot ang araw na iyon. Ikaw ang pinakamagandang babae na nakilala ko noo-"

"Sinungaling ka talaga, Fernan! Alam ko ang reputasyon mo sa mga babae, noon."

"Hindi ko iyon mga babae, Norma. Alam mo 'yon.. Noon, hindi ako kailanman nagmahal ng tunay sa isang babae. Pero dahil sa'yo minulat mo ang mga mata ko kung anong kahulugan ng pag-ibig. Naging determinado ako sa lahat ng bagay dahil sa'yo. Kung pwede nga lang abutin ko ang bituin, makuha lang kita."

Ngumuso ako.

"Sinungaling.."

"Hindi ako nagsisibak ng kahoy kahit kailan, saiyo lang, Norma. Pinatunayan ko iyon sa'yo noon na tunay nga kitang inibig."

Hindi ko na napigilang matawa habang naalala ang taon na iyon kung saan kami nagkakilala taong 1955. Ang tagal na, pero nanatili parin ang ala-ala na iyon saamin. Sobrang bilis ng panahon at ito kami ngayon, nakaupo sa harap ng veranda habang nakatingin sa malawak na kabukiran sa harap. Kung noon, kaya namin libutin at takbuhin ang buong bayan na ito, pero ngayon..isang wheel chair lang ang nagsisilbi at nagtutulak para makapunta kami kung saan-saan.

Siguro nga, hindi lahat ng bagay mananatiling ganito, lahat mapapanaw, lahat nagbabago. Pero ang pagmamahalan namin ni Fernan ay hindi na iyon magbabago. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sa ulyaning matanda na ito. Tignan mo nga at saan kami umabot.

"Ni hindi ako maka iskor saiyo noon, Norma. Ang higpit ng Tatay mo."

Mahinang sinapak ko ito pero sa huli ay natawa nalang.

"Kung buhay pa si Tatay baka kanina ka pa natumba riyan!"

Natawa ito sa sinabi ko. Kahit nahihirapan ay sinubukan niya parin halikan ako sa pisngi. Ngumiti ako. Araw-araw niyang pinaparamdam saakin kung gaano niya ako kamahal. Kaya tama lang ang naging desisyon ko na piliin at mahalin siya habang buhay.

Palihim na ngumiti ako nang maalala ang araw na iyon. Kung paano ako niligawan ni Fernan para lang makuha niya ang matamis kong Oo.

Kahit matanda na si Fernan, hindi parin maiwasang purihin ko siya. Tumanda lang naman ito, pero kapansin-pansin parin ang kagandahan niya sa mukha. Ang katikasan ng katawan kahit nasa layo na ang idad.

"Naalala mo ba, Norma, noong nahuli ako ni Tatay na hinalikan kita kaya ako nasuntok. Sobrang lakas nun kaya ako natumba!"

Natawa kami pareho nang maalala iyon. Kahit sa pagtawa namin ay nakakapagod na. Nga naman, matanda na nga kami.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Naalala Mo Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon