7: CROSS

110 72 15
                                    

KIAN POV (Bago sya mawala)
Papasok na ako ng school ng maaalala kong nasa mini table ko yung notebook ni Hella. Naiwan nya yung notebook nya nung nakaraang araw pa at ngayon ko lang naaalala. Ayaw ko kasi gambalain ang pagluluksa nya sa pagkamatay ni Honeylyn pero ngayon mukhang okay nang ibalik itong notebook nya. Bumalik ako sa loob ng bahay at kinuha ang notebook na nasa mini table ko. Napatitig pa ako ng ilang segundo sa notebook ni Hella na never ko pang tinitignan kung anong laman. Kasalanan kasi ang pagbabasa ng isang pribadong bagay lalo na kung walang pahintulot ng may-ari.

Habang nag-lalakad papasok ng school ay malawak ang ngiti ko habang hawak ang notebook ni Hella. May ipapabor kasi ako kay Hella ngayon... na kung pwede ba ay samahan nya akong mangaral sa mga kabataan sa simbahan. Taong simbahan kasi sya kahit ganon ang kinikilos nya... mabait naman sya wag mo nga lang guluhin ang tulog nya. Alam kong dinadaan nya sa tulog ang lahat para hindi nya maramdaman yung gutom nya tuwing brake time.

Napatingin pa ako sa malaking gate ng school habang pumapasok sa utak ko na pagtapos ng school year na ito ay papasok na ako sa kumbento. Nabitawan ko yung bibliya kong hawak at yung notebook ni Hella ng nabangga ako ng mga isyudyanteng palabas na ng gate ng school.

Dinampot ko ang bibliya at dadamputin ko sana yung notebook ni Hella ng may tumapak na sapatos doon na syang ikinatigil ko. Napatingala ako sa tumapak ng notebook ni Hella at nginitian ako nito... kaklase namin sya. Ngumiti ako pabalik sa kanya pero ang totoo gusto kong awayin ito sa ginawa nya sa notebook ni Hella. Hindi ko talaga gusto ang isang ito dahil sa mga ginagawa nya na kabalastugan at dinampot ang notebook ni Hella sabay inakbayan ako. Gusto ko mang alisin ang kamay nya ngunit ayaw ko ng gulo.

"Nakita ko si Hella doon sa iskinita nakikipag-basag ulo nanaman." Sabi ng kaklase kong naka akbay sa akin na may halong tawa dahil sa alam nyang mananalo si Hella. Napailing ako ng wala sa oras at nag-sign of the cross sa sinabi ng kaklase ko. Kahit kailan talag takaw gulo ang babaeng iyon.

Kahit gusto ko mag-pare ay hindi ako papayag na apihin ng ibang tao ang mga kaklase ko dahil kaibigan ko sila even na hindi ko gusto ang ugali ng karamihan sa kanila. Kaya pumunta kami ng kaklase kong nakaakbay sa akin sa may iskinita na tinutukoy nya para kaladkarin si Hella at para mabalik ko na ang notebook nya na hawak ng kasama ko ngayon.

Napakunot noo lang ako ng walang madatnang Hellang makikipag basag ulo dito sa may iskinita. Parang may mali...

"Wala----". Naputol ang sasabihin ko ng sinikmuraan ako nito na syang ikinahawak ko ng mahigpit sa bibliya na hawak ko. Hindi alam kung bakit nya ako sinikmuraan.

Inalalayan ako nito bago inilapit ang bibig nya sa tenga ko at bumulong. "Pinahirapan mo lang kaming mag-hanap. Nasa sayo lang pala itong notebook na mag-papahamak sa amin." Nag-iba ang tono nito na para bang isa syang demonyo na ipinadala dito sa lupa upang maghasik ng lagim. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang hawak nyang isang injection na dinukot nya sa bulsa nya. "Pangalan lang pala ni Hella ang paraan para mahatak kita dito sa iskinita ng walang pagaalinlangan pinahirapan mo pa ako. Nagkabisado pa ako bible verse... buti hindi ako nasunog." Bulong nya bago may inenjection sa akin na humalo na sa buong katawan ko matapos ang ilang minuto.

'Tulungan nyo ako panginoon ko.'

Saad ko sa utak ko habang pinipilit na hawakan ang bibliya na unti-unting nabibitawan ng mga kamay ko. Unti-unti ring nanghihina ang katawan ko hanggang sa nawalan ako ng malay.

*3 hours later*

Nagising ako ng may malamig na tubig ang bumuhos sa akin... Yung literal na may yelo na nakahalo sa tubig. Naghabol ako ng hininga bago inilibot ang tingin ko sa paligid.

'Nasaan ako?.'

Ng maramdaman kong namamanhid ang mga paa ko ay napatingin ako sa katawan ko bago napagtantong... naka-kadena ang mga paa ko sa may pader at ganon din ang mga kamay ko. Para akong alipin nung sinaunang panahon kung ikadena.

ROOM 411Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon