PAMALO

2 0 0
                                    

"PAMALO"

Maikling kwento:

Namulat ako sa mundong ibabaw na puno ng takot at pangamba ang kahigpitan ng aking mga magulang. Bata pa lamang ako hindi ko naramdaman ang tunay na kalayaan bilang bata na dapat nakikihalubilo sa kapwa ko mga bata. Sa tuwing nakikita ko silang naglalaro umaga at hapon minsa'y hanggang sa gabi makikita ang saya at kaligayang nararanasan nila di ko mapigilang umiyak habang sinisilayan sila sa maliit lamang na mga butas ng aming tahanan.
Kung hindi ko susundin ang mga tagubilin na bigay ng aking ama't- ina nakakatiyak na isang palo ang aking matatamo sa kanila at depende pa sa kasalanang nagawa ko. Nag-iisa lamang akong anak na lalaki sa apat na magkakapatid at hindi ko masasabing napakahirap ang buhay namin kaya lahat ay nakukuha ko anumang materyal na bagay pero kailangan kong paghirapan ang mga ito. Ang gradong nakukuha ko sa eskwelahan kapalit ang ninanais ko sa aking mga magulang. Umuuwi ako ng tahanan dala-dala ang mga nabaong magagandang balita para sa aking mga magulang dahil kung wala hindi sermon o anupaman ang aking makakamtam kundi ang mga palong dulot ng galit at pagkabigo nila sa akin. Halos di ko na nagagawang makipag-usap sa mga kapatid ko dahil may kanya -kanya silang ginagawa gaya ng ginagawa ko na walang ibang alam kundi ang mag-aral ng mag-aral. At gawin ang nakaatang na mga gawaing bahay.

Anak ! Nakapagluto ka na ba? tanong ng aking ina galing trabaho

"Opo nay"- agad kong tugon

Anak! kamusta ang mga grado mo nananatili bang mataas ?- tanong ng aking ama
"Opo tay "- tugon ko sa ama ko
Mabuti naman panatilihin lang ha? -dagdag pa ng aking ama

Ganito ang karaniwang mga itinatanong ng aking mga magulang sa mahigit na sa ilang taon. Ako ngayon ay sa ika-6 na baitang na kaya tudo sikap ako para makapasok sa honors at sa darating na pagtatapos ay di ko madismaya ang mga magulang ko.Kaya lahat-lahat ng mga patimpalak sa labas o loob man eskwelahan ay sumasali ako para sa karagdagang karangalang maibabaon ko sa aking tahanan lalong-lalo na para aking mga magulang.

Araayyy araaayyy mama tama na po!
Papa nasasaktan na po ako!
Araayyy araaayyyy!

Ilang hakbang nalang mararating ko na ang aming tahanan at dinig na dinig ko ang mga boses ng mga ate ko na sinasaktan at pinagtutulungan ng nanay at tatay ko.

"Hindi na namin kaya! ,kung ganito nalang araw-araw mas nanaisin naming lumayo sa inyo para maging malaya na kami"

"Alam nyo naman kung bakit ginagawa namin ng papa nyo ang mga bagay na ito ay dahil para sa inyo para sa kinabukasan nyo!"

"Dahil ayaw naming maranasan nyo ang narararanasan namin ngayon para maitaguyod at mabigay ang pangangailangan nyo sa pang-araw-araw"

At ayaw ko na darating ang panahon na kami ang sisisihin nyo kung bakit hindi kayo nagtagumpay sa hinaharap"

Nag-aaral kayo para sa kinabukasan nyo!
Gumagawa kayo ng mga gawaing bahay para matuto kayong kumilos pagdating ng panahon para sa sarili nyo."
Istrikto kami senyo dahil gusto namin may mararating kayo balang araw!

- paliwanag ng aking ina habang tumatangis siya

Nagulat nalang ako na ang mga kapatid ko ay kanya-kanyang nag-impake sabay alis ng bahay. Ngunit kitang-kita ko kung gaano kasakit ito para kay nanay at tatay sa ginagawa ng mga kapatid ko. Umalis sila na hindi man lang nagpaalam .

Saan ba tayo nagkulang ?
Masama ba tayong mga magulang ?

Mga tanong na sinasambit ng aking ina habang umiiyak. Kaya niyakap ko ang aking ina't ama para mapawi ko ang kalungkutan na kanilang dinadama sa pag-alis ng mga kapatid ko

Nay,Tay hindi po kayo nagkulang at higit sa lahat hindi kayo masasamang mga magulang. Sa totoo lang napakabuti nyo po at wala kayong katulad. -

Napaiyak nalang ako habang sinasabi ko ang mga ito sa kanila.Kaya niyakap nila ako ng mahigpit .

Sa araw ng aking pagtatapos habang nagsasalita ako sa gitna ng emtamblado habang sinisilayan ang aking mga magulang na may ngiti sa kanilang mga labi at umaapaw sa saya sa aking tinatamasa ay lubos akong natutuwa. Dahil sa bawat palo ay natumbasan ng napakagandang resulta..

Ipinagmamalaki ka namin ng Ina mo Anak! -

Binabati kita anak ,napakagaling mo!
Kaya niyakap ako ng aking ina at ama at sama-sama ipinagdiwang ang aking natamo.

Tumuntong ako ng kolehiyo na patuloy na nagsisikap na makapagtapos ng pag-aaral. Kailangan kong makatapos dahil hindi napapagod ang nagpapaaral sakin.

Natapos ko ang kursong tinatahak ko ng apat na taon . At kasalukuyang nagtatatrabaho bilang tagapamahala ng isang kompanya .Kaya ang buhay namin ngayon ay hindi na maikukumpara noon.

.Dahil ang lahat ng mga ito ay gawa ng mga magulang ko . Sa kabila ng kalupitan ay naging daan upang tamuin ang mga inasam-asam ko Bagama't may konting gusot sa pagkawasak ng pamilya umaasa pa rin ako na maayos rin ang lahat .

Sinubukan kong kausapin ang mga kapatid ko na bumalik na sa amin ngunit nahiihiya silang umuwi at magpakita sa aming mga magulang dahil may kanya-kanya na itong mga pamilya Nagulat ako sa mga nalaman ko kaya agad ko itong ibinahagi kay nanay at tatay. Ngunit nadatnan kong nakahiga nalang ang ina habang binabantayan ng ama. At ang sambit lang nito .

Sana bago pa man ako mawala sa mundo marinig ko man lang ang mg boses ng mga anak ko at makitang kompleto masaya na ako - sabi ng mama ko na tila'y nagpapaalam na ito.

Nay, wag kang magsalita ng ganyan !!

Mahal wag mo silang pababayanan ha? Ipinapangako mo ba yan? - hiling nito sa aking ama

Sinubukan kong kontakin ang mga kapatid ko para umuwe ng bahay dahil sa nangyayari sa ina namin. Ngunit huli na ang lahat ng makarating ang mga ito .

Nay! ! Nay bakit mo kami iniwan!
Nay
Nay!

"Pumanaw na ang ina pero bago ito namaalam ay nag-iwan ito ng isang liham para sa inyo mga ate"

Mahal kong mga anak nais ko lang malaman nyo na walang araw na hindi ko kayo iniisip hinihintay ko ang pagbalik nyo na muli kayong makayakap at makausap. Sana ngayong wala na ako nawa'y mahalin nyo inyong ama kahit wala na ako. Patawarin nyo ako sa mga nagawa kong kasalanan bilang magulang nyo Lagi nyong tatandaan mahal na mahal ko kayo.
Nagmamahal ;
Ina

Humingi ng kapatawaran ang aking mga kapatid sa pumanaw naming ina ngunit huli na ang lahat. Umiiyak sila na halos hindi tumitigil kaya bakas sa kanilang mga mata na totoo silang nagsisisi sa mga nagawa nilang kamalian bilang mga anak. Niyakap namin ang aming ama sa pagkalumugnok nito sa pagkawala ng ina.

Lessons Learned:
1. Walang magulang na nais ipahamak ang sariling mga anak
2. May mga dahilan ang ginagawa ng mga magulang para sa mga anak
3 .Patawarin mo ang mga magulang mo ngayong nabubuhay pa huwag hahayaang ito ay huli na.
4. Mahalin mo sila gaya ng ginagawa nila sayo

To all mother out there Happy mother's Day ! YOU DESERVES TO BE LOVED & RESPECTED,

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PAMALOWhere stories live. Discover now