KABANATA UNA (Kwento ni Tatay)

5 0 0
                                    

Kwento kay Tatay
Sa mga nababasa niyo ba na libro bakit laging may kabanata ganun ba yun kahalaga, mali na ba ang isang libro kung wala itong kabanata? Marami na akong sinasabi pero ok lang wala namang may pake. Nata ang pangalan ko bakit ganun? Hindi ko rin alam at anong apelyido ko? Mahalaga pa ba yun. Eto lang ang masasabi ko hindi ko alam bakit yan ang pangalan ko anong malay ko sa mga magulang ko. Basta kilalanin niyo na lang ako sa pangalang nabanggit ko. Pero sa dami ng sinasabi ko para saan ba itong kwento ko. Ano bang dahilan bakit may ganto ako.
Ang tingin ng karamihan sakin noon e. Mabait, masunirin, lahat na ng positibong salita na maiisip mo ganun nila ako ituring. Pero dati yun, napaisip ka diba ganun talaga babaguhin ka ng mga taong nakapaligid at nakakasalamuha mo pero depende pa rin sa iyo yun kung papadala ka sa mga ugaling ewan. Minsan makakabuo ka ng isa pang matibay at hindi matitinag na personalidad na wawasak sa mga taong dunurog at sinaktan ka.
Maikwento ko lang ang karanasan ko sa tatay ko. Ang tatay ko hindi malaman kung mabait ba o masama may mga oras na lamang yung masama siya para sakin ah hindi naman sa sinisiraan ko siya pero parang ganun na nga lumaki ako na may hinanakit sa kanya, kung nakakamatay lang ang tingin matagal na siyang patay. Sa sobrang galit ko sa kanya na nabuo dito sa puso ko madalas napagiisipan ko siyang ng masama literal na masama pinagdadasal ko din na sana mamatay na siya, Ang sama ko ba? Oo aminado ako alam mo kung bakit kasi nung bata ako meron akong isa pang personalidad na kinakausap ko madalas sa c.r ko siya kinakausap, isipin mo para akong siraulo na kinakausap ang sarili. Pero totoo minsan parang sumasanib sakin yun kaya nakakagawa ako ng mga bagay na hindi maganda mahirap ipaliwanag kasi sobrang sama ng isa ko pang pagkatao kung gaano ako kabait at mala anghel na mukha kabaliktaran naman siya malala siya kaya simula noon hindi ko na siya kinausap at hindi ko hinayaan na mangibabaw siya kasi hindi pwede.
Balik tayo sa tatay ko, hindi ako lumaki sa kanya sa mga kamag anak ng nanay ko ako lumaki pero minsan pag may budget umuuwi kami sa lugar ni papa. Strict si papa mataas din ang pride. Pero ang malala ang mga ginagawa niya samin. Kapag tinutopak hindi kami pinapakain, pinapatayan kami ng electric fan at t.v magpapatugtog pa yan ng malakas para magising ka. Hindi ko rin makakalimutan na minura niya ako sa harap ng mga kaklase ko, teacher at sa maraming tao. Elementary ako noon nasa ikalawang baitang ako at panghapon ang uwian ko. Malakas ang ulan ng mga panahon na yun may bagyo ata siyempre bata pa ko noon. Nakikita ko mga kaklase ko isa isa silang sinusundo ng mga magulang nila nakakainggit, Wala naman ako magagawa kasi si mama nasa trabaho sino naman susundo samin ng ate ko sa school si papa hindi ko na inasahan kasi galing trabaho pagod yun, Nasa isip ko na lang maglalakad na lang ako susugod na lang ako sa baha at malakas na ulan, Yun ang nasa isip ko nung mga panahonn yun. Ilang oras na din nakakalipas wala pa ring sumusundo samin. Naiiyak na nga ako baka hindi ako sunduin at sa school na lang ako matulog. E ang sabi pa naman ng guro namin hindi papayagan umuwi hanggat walang kasamang magulang na magsusundo. Lingon ako ng lingon sa pintuan ng silid aralan namin tuwing may daan na magulang, umaasa na baka lang naman may makita ako na pamilyar na mukha. Nasa isip ko din na sumabay sa kaklase ko nun sasabihin na lang magkapit bahay kami para lang makauwi na ko. Yung mga kaibigan ko inaaya na ko sabi sabay na daw ako, E mahiyain ako nun tsaka kaya ko naman mag-antay ng matagal baka kasi may ginagawa lang sila sa bahay. Kahit maluha luha na ko nun sabi ko na lang sa kaklase at kaibign ko hindi wag na ok lang ako aantay lang ako dito baka dumating na yun tapos ngiti. Kahit gustong-gusto ko na rin talaga umuwi nun. Hindi lang yan yung unang beses na walang sumusundo sakin kapag nagsususpende ng klase. Marami beses na wala talagang sumod sakin kaya napapamukmok na lang ako tas maluhaluha sa gilid habang nakaupo. Nakakasama ng loob yung ganun, pero nasanay na lang ako. Minsan nga ako na lang dumidiskarte para lang makauwi e. Noong nasa ika-limang baitang nga ako nun nagsuspende ng klase, Natuwa naman ako kasi nakaligtas sa mga gawain. Ang ginawa ko na lang nun syempre elementary, may nakaassign na tagalinis yan pag uwian. Maghuhugas tas walis walis. Yun na lang ginawa ko tumulong na lang ako sa mga taga-linis nun sanay na ko eh. Hanggang tumila ang ulan at yun dun lang ako makakauwi. Pero kahit nakasanay mo na nakakalungkot pa rin pala isip. Minsan nagiimagine ako na may susundo sakin. Yung tipong may sisilip sa bintana ng klase namin o kaya aantayin ako sa labas ng pintuan. Nakakatuwang isipin yung ganun, isang beses lang ata nila ako sinundo tapos nun ako na lang talaga na uwi. Baka kasi makaistorbo ako sa mga ginagawa nila. Tsaka sinanay ko rin sarili ko habang bata ako na maging responsable at independent para wala akong iisipin kundi sarili ko.
Dami ko na naman nasabi diba, pero yun nga natuwa ako nun nung nakita ko si papa na may dalang payong tapos basa pa siya. Ang laki nga ng payong na dala niya e, Tapos pinahanap niya sakin ate ko. Takbo takbo ako nun kahit basa yung sahig. Tuwang-tuwa eh. Dahil sobrang baha na yung gate ng school naglagay sila ng kahoy para doon dadaan mga bata at magulang. Eh hindi ko yun napansin, Ang nangyare napalusong ako sa baha nakita ni papa sabi sakin gago dito ka dumaan. Napahiya ako sa takot ko kahit basa na sapatos ko dumaan pa rin ako dun sa kahoy na daanan. Yung sapatos ko pala nun sira na tapos hiningi ko lang sa pinsan ko. May tahi pa nga yun ng yarn e ako nagtahi. Para lang makatipid si mama at hindi na bumuli. Isang beses nakita yun ng mga kaklase ko inasar nila ako. Pero hindi ko sila pinansin kunware wala akong narinig pero naiiyak na ko nun, mababaw kasi luha ko kaya iyakin ako. Yun lang nasaktan lang ako sa sinabi ni Papa. Natuwa pa naman ako makita siya, kasalanan ko din naman hindi ako natingin sa daan. Tapos nun yun na din yung huling sundo ni papa sakin hindi na nasundan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ANONG KWENTO MOWhere stories live. Discover now