"Waaaaah!! Bes ayoko na talaga! Ayoko na talaga sa kanya! Ang sakit-sakit sobra! May pagkukulang ba ako? Ha? Wala naman eh pero bakit iniwan niya pa rin ako? Bessss!huhuhuhu" nilaklak ko ng straight ang chuckie'ng hawak-hawak ko.
"Naman kasi Bes, sabi namin sayo wag mo na siyang balikan. Maganda ka naman, mabait, matalino, di siya kawalan. Kaya wag mo na yung babalikan pa ha? Nandito lang naman kami para sayo eh" Sabi ni Elise habang hinahaplos ang likod ko.
"Yaan mo na ang gagong yun Mika, marami namang iba jan sa paligid. Wag kang magstick sa lalaking yun" Si Hannah sabay bigay sa akin ng tissue.
"Marami ngang iba pero bakit sa kanya tumitibok itong puso ko? Bakit pangalan niya ang isinisigaw nito? Bakit kahit masakit ay siya parin ang pinipilit ng puso ko? Bakit? BAKIIIITT??!" ngumangawa na ako. Wala na akong pakialam kahit tumutulo na ang sipon ko.
"Alam mo Mika, masakit talaga ang mag move on. Syempre, nakasanayan mo na yung tao tsaka mahal mo, pero may mga bagay na kailangan mong i-let go para maging malaya ka. Malaya ang sarili mo. Kung love naman ang kailangan mo, nandito naman ang family mo, kaming mga kaibigan mo at syempre si God. Kaya wag mo ng ipilit yung sarili mo sa taong yun" napatigil naman ako sa pagngawa dahil sa sinabi ni Hannah. Tumango tango naman si Elise bilang pagsang-ayon kay Hannah.
Bumuntong-hininga ako. Malalim. Yun bang parang mailalabas ko na pati ang lungs ko sa pagbuntong-hininga ko."Tama nga kayo. Siguro nabubulag na ako sa love ko kay Erik. Na minsan nakakalimutan ko na ang sarili ko" pag give up ko. Tama naman kasi talaga sila. Sumusobra na ata talaga ako sa kakahabol kay Erik.
"Ah-Ah ... Hindi minsan Mika. Always" Si Elise.
"Haaaaayysssstt Oo na, Palagi nga. Inom na nga lang tayo ng chuckie Hahahahaha"