Karupukan II

0 0 0
                                    

"Ang ganda ng ngiti natin ngayon ah? May maganda bang nangyari?" Nakangiting bati ni Elise

"Baka binigyan ng pera ng kuya niya hahaha ehem, bekenemen Mika? Ehem libreee" Si Hannah habang pinupulupot ang braso niya sa braso ko.

"Hahaha baleeew hindi. Hindi ako ni binigyan ni kuya, eh alam niyo namang kuripot yun kahit kapatid ayaw bigyan" nagpout naman ako. Ang kuripot kasi talaga ni kuya ehh, parang di naman kami magkapatid sa lagay nayan.

"Eh ano?" sabay nilang sabi.

Huminto ako sa paglalakad at hinarap sila tsaka ngumisi ng sooobbraaaaaanggg lapad.

"Okay na kami ni Erik" masayang sabi ko.

Yung kaninang ngiti nila ay napalitan. Si Elise ngumiwi habang si Hannah naman ay pokerface.

"Uuyyy di ba kayo masaya para sakin?" tampu-tampohan ang drama ko.

"You know what Mika? Di ko alam kung tanga ka ba o sadyang anrupok mo? Haaay ewan ko sayo. Kakaiyak mo lang nung isang gabi dahil sa kanya tapos ngayon ngingiti-ngiti ka sa harap namin na para bang walang nangyaring iyakan" Inismiran naman ako ni Hannah pagkatapos niyang sabihin to.

"Ewan ko Mika ha. Basta ang alam ko lagot si Erik sa'min kapag umiyak ka na naman dahil sa kanya" nagcross arms naman si Elise at halata ng naiinis na sila.

Nilapitan ko sila at pumagitna sa dalawa sabay akbay.

"Sorry na mga Bes, Mahal ko ehhh. Tsaka, di na ako iiyak hihihihi. Iloveyou both"

"Haaaaaaaay" sabay naman silang nagbuntong-hininga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 09, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Oo na. Marupok akoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon