Prologue

1 0 0
                                    

"Girl crush ano na? Kanina ka pa diyan sa loob di ka pa ba tapos?"

"Ito na lalabas na"

Nagulat si Lester nang makita ang mugto kong mata at gulo-gulo kong buhok.

"Jusko naman girl crush! Sinong gumahasa sayo?!" Tinabig niya ko at diretsong pumasok sa loob ng banyo.

"Nasaan na 'yon at nang mabugbog ko?!"

Seryoso ko naman itong tinignan. Kung wala lang akong pinagdaraanan ngayon, natawa na ako sa kabaliwan niya.

"Joke! Pinapatawa lang kita girl crush, ang lungkot mo masyado" sabi nito sabay hila sa palapulsuhan ko at niyakap ako, ang mukha ko ay nakabaon sa dibdib nito.

"Bakit? Dapat ba kong maging masaya boy crush?" Tanong ko rito habang pinipigilan nanaman na maluha.

"Hindi naman sa ganon pero ilang araw ka nang ganyan" malungkot nitong sabi habang hinahagod ang buhok ko pababa sa likod ko.

Oo nga naman. Sa totoo lang mas naaawa ako kay Lester kesa sa sarili ko. Kasi naman, halos di na siya makakain at makatulog nang maayos kakabantay sa'kin.

Humiwalay ako sa kanya para matignan siya ng maayos.

"Last na 'to promise" sabi ko nang may ngiti sa mga labi. Isang totoong ngiti.

"Bigay mo na sa'kin 'tong araw na 'to" di na siya nagsalita at niyakap na lang ako nang mahigpit.

Watching You From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon