SUGAR, DADDY

37 4 0
                                    

Sumabay sa pagkalam ng tiyan ko ang iyak ng aking nakababatang kapatid, si Joy. Marahil ay kagaya ko, gutom na rin siya. Malapit ng mag-alas otso pero 'di pa kami naghahapunan. Maging ang agahan at tanghalian ay wala rin. O kahit meryenda man lang. Hindi ko alam kung paano nakakayanan ng tiyan namin ang ilang araw na gutom. Kung ako lang sana ang nagugutom ay ayos lang pero hindi ganoon ang sitwasyon. Mula sa pagkakahiga sa lapag ay binuhat ko si Joy patungo sa kusina. Sapat na sigurong matawag na kusina ito. May mesa, may mga plato, may mga baso, may mga kutsara, may lababo, may lutuan, at may kaldero. Nitong mga nakaraang araw,  'di ko alam kung ano na'ng silbi ng mga ito ngayon. Walang sinaing at walang ulam. Ibinaba ko siya. Tubig muna ang ibinigay ko, bakasaling tumahan  pero bigo ako.

"Hoy! Anak ng- patigilin mo nga 'yan!"

Muli kong kinarga si Joy at naglakad papunta sa pinto. Hindi ganoon kadaling mapatahan ang kapatid ko lalo na kapag gutom. Natatakot ako sa maaari na namang mangyari kapag hindi nasunod ang gusto niya.

"Aba't- sa'n kayo pupunta?"

"S-sa labas po."

"Iba ka rin, ano? Kunyari papatahanin tapos ano? Magsusumbong kayo? Hah?!Magsusumbong kayo?!"

Lumapit ang ina at hinigit sila pabalik.

"Hindi kayo lalabas! Hindi! Hindi!"

Wala akong nagawa sa kakaibang galit ni nanay. Mas lalong lumakas ang iyak ni Joy. Buong higpit kong isinalag ang sarili sa aking kapatid mula sa mga palo niya. Kung nakakabusog lang siguro ang mga p*chang mura na 'yan. Kalaunan ay napagod ito at sumilip sa bintana. Balisa. Maya-maya ay nabuhayan ang mukha nito at dali-daling binuksan ang pinto.

"Ano? Meron?"

"Nakatsamba."

May iniabot ang tatay at masyadong madilim sa parteng iyon para makita ko kung ano ito.

"T-tay... Gutom na po k-kami."

Tiningnan nila kami ng may pagtataka. Bakit umabot kami sa ganito? Bakit parang hangin lang kami rito?

"Gutom? Oy Nestor, meron ka ba riyan?"

"Ibibili ko ng pagkain 'yang mga 'yan tapos ano? Magkukulang ibibili natin nito? Hah! Wag na lang."

"Tsk. Sabagay."

Sandali silang natahimik. May kinuha ang tatay mula sa bulsa niya. Inihagis niya ito sa amin.

"Oh, ba't mo binigyan? Kala ko ba magkukulang?"

"Nasalisi ko lang 'yan."

"Sila pa nakinabang. Hah!"

Binalingan kami ng tingin ni Tatay. May panghihinayang. 'Di para samin. Para sa ibinigay niya.

"Yan na lang ulit. Masarap naman diba?"

"Tsk nakulungan pa rin."

"Tumigil ka na riyan! Tara na tirahin na natin 'to."

Ngumisi si tatay at masama ang tingin ni nanay bago pumunta sa loob ng kwarto. Puting asukal. 'Yon ang sabi sa amin noong una nila kami nitong bigyan. Kinuha ko ito at sa isang iglap ay dinala kami nito sa ibang mundo kasabay ng pagpasok ng pulis at pagposas sa mga magulang namin.

"Ano kuya Tope? Meron?"

Tiningnan ko ang kapatid ko. Napangisi ako. Sampung taon na pero ganito pa rin.

---
03232020

FLASH FICTIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon