Chapter 1

13 2 0
                                    

Hi ako nga pala si Brianne Jazzalea Fatima. 

Isang babaeng mahilig sa mga aklat.

Bookworm ako kung tawagin pero Hindi ako kagaya ng iniisip niyo na Nerd.

Oo bookworm ako and Yes obviously matalino rin ako.

Mahilig akong magbasa ng mga libro.

Lalo na ung mga love story, Fantasy, At syempre ung MYSTERY.

Tuwing bakasyon wala akong ibang ginagawa kundi magbasa ng mga libro.

O kaya naman ay sa BooksSite na app.

Ang daming magagandang basahin dun sa app na iyon.

So ayun nga sa ngayon nagsusulat ako ng mga linya sa nabasa Kong libro.

Yung mga linyang tumatak sakin.

"Jazz, kakain na tayo. Bumaba ka na riyan!" tawag sa akin ng aking Ina.

"Opo sandali lang po tatapusin ko lang po ito!" sagot ko sa kanya pabalik.

Btw gabi na nga pala ngayon.

So siyempre tatapusin ko lang at bababa na ko.

Hindi ko pa rin maiwasan na hindi kiligin sa mga sinabi ni Samuel kay Hsanna.

Natapos na ko sa pagsusulat at ngayon ako'y pababa na.

Iniisip ko pa rin ung nangyari sa kanila.

At kung ano pa ung mangyayari sa love story nila.

Haysss sana ako din.

Kumakain na ako ngayon.

Pero si Samuel pa rin ung nasa isip ko.

Samuel mylabs, my honey, my darling and my Husband.

Hays in love na talaga ako sa kanya.

"Pwede ba kumain ka nga!" Bulyaw sakin ni Mama.

Na nagpabalik sakin sa Realidad.

"Puro ka nalang BooksSite tapos habang kumakain ung utak mo andun Pa rin. Anak, gumising ka nga! Hindi sila totoo. Samuel? Puro ka nalang Samuel! Bibilhan nalang kita ng ibang libro pero anak naman!  Matulog ka din!  Magkakasakit ka sa ginagawa mong iyan!" Sermon ni Mama sa Akin.

"Opo Mama" nakayukong tugon ko.

"Sige na kumain ka na para mahugasan mo na yung mga pinagkainan" Utos niya sakin.

Tumango tango nalang ako sa kanya.

Hayss, bakit naman kasi lahat ng lalaking seryoso at matino ay sa mga aklat at libro mo Lang makikita?

Bigla akong nagpangalumbaba at nilaro ang pagkain ko gamit ang ating ikaliwang kamay habang nakatingin sa kawalan.

"Kailan kaya ako makakahanap ng lalaking magmamahal sakin ng totoo?" Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.

Bigla ko namang narinig ang aking ina na nagsalita "Anak, Ang tunay na pagmamahal, hindi hinahanap yan kusang dumarating yan sa tamang panahon at oras. Darating yan kasama ang lalaking nakatadhana talaga para sayo." Iniharap niya ako sa kanya "Kaya anak, Wag mong hanapin ang pag-ibig pero hintayin mo na ang pag-ibig ang mismong humanap sayo" Tinitigan ko siya at bakas sa mata ng aking ina ang pagkasinseridad sa kanyang sinasabi.

Ibinalik ko nalang ang aking atensyon sa aking kinakain. Nakita Kong tumayo ang aking ina at nagligpit na ng kaniyang pinagkainan. Bago siya umalis ay bigla siyang humarap ulit sakin at nagsalita "Anak, pagkatapos mong kumain dyan ay hugasan mo na ang mga pinagkainan. Isipin mo nalang na yayakapin ka sa likod ni Samuel habang naghuhugas ka." Sabay ngiti nya sakin at bahagyang natawa "I love you, anak. Bilisan mo na dyan para magawa mo na ang mga gagawin mo." At tuluyan na siyang umalis sa hapagkainan. Napailing na lang ako sa pang-uuto ng aking ina.

Tinapos ko na ang aking pagkain at ginawa ko ang sinasabi ng aking ina.

Tinapos ko na ang paghuhugas ng pinggan habang iniisip na yakap ako mula sa likod ni Samuel.

"Hays, self! Don't worry, soon, matutupad din yun. Soon, self! Magtiwala tayo sa ating ina sapagkat sabi nga sa Rapunzel 'MOTHER KNOWS BEST'. " Pagpapalakas ko ng aking loob.

Umakyat na ako sa aking silid upang ituloy ang aking ginagawa. Walang pasok ngayon kasi linggo, pero imbis na gumala ako at magparty kagaya ng sa ibang kabataan ay mas gugustuhin Kong magbasa nalang at magsulat.

Gabi na ngayon, pero kagaya ng nakakasanayan ko, si Samuel pa rin ang nasa isip ko. What if magkatotoo siya? Ayan ang tanong sa isipan ko. What if nga kaya? Habang nag-iisip ako ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*KINABUKASAN*

Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm na kanta ni Conan Gray na Heather.

*Heather in the background*

But I watch your eyes as she walks by~~
What a sight for a sore eyes~~
Brighter than the blue sky~~
She got you mesmerized, while I die~~

Pagkagising ko ay pinatay ko ang aking alarm sa aking telepono at inunat ko ang aking katawan at humikab. "Panibagong araw nanaman ng pasukan" Nagtunugan ang aking mga buto sa katawan.

Nung alam Kong ayos na ako ay umupo ako sa aking kama at hinanap si Samuel. Si Samuel nanaman, na isa lamang katang-isip na kailanman ay hindi magiging totoo.

Ang sakit umasa sa isang tao na hindi ka naman magugustuhan.

Ang sakit umasa sa isang kathang-isip na maging totoo at normal.

Ang sakit umasa na mabubuhay ang lalaking masaya na ang buhay sa isang libro.

At ang pinakamasakit sa lahat ay kathang-isip lang siya at ako'y totoo.

Kung ang ibang tao ay nasasaktan sapagkat hindi sila gusto ng mga taong gusto nila, o kaya naman ay walang label silang dalawa, pero wala ng sasakit pa ang mahulog sa isang lalaking hindi magiging totoo at hinding-hindi magiging iyo.

Hayss. Bumangon na ako at naghilamos pagkatapos ay bumaba na at kumain. Ganon pa rin kagaya ng nangyari kagabi.

Nung matapos na ako kumain ay naligo na ako at hinanda ang sarili ko para sa pasukan nanaman.

Isang bagay ang hindi ko maiwan-iwan at iyon ay ang aking libro na kung saan si Samuel ang bida.

Nung tapos na ako sa lahat lahat ay bumaba na ako para makapagpaalam na sa aking ina. Ginawaran ko siya ng halik sa pisngi at niyakap. "Mama, papasok na po ako. Mamimiss po kita" sabi ko sabay hiwalay sa kanya. Tinitigan niya ako at sinabing "Mag-iingat ka anak ko ha, mahal na mahal kita! Galingan mo sa iyong pag-aaral at 'wag kakalimutan ang aking payo, okay?" Sabi niya at tumungo na lang ako bilang sagot.

"Mahal na mahal din po kita, mama. Aalis na po ako, mag-iingat din po kayo! Babyee!" Sabay alis ko na sa aking bahay.

Papunta na ako sa may sakayan nung bigla akong may nabangga na naging sanhi ng pagkahulog ng aking mga libro.

Hindi manlang ako tinulungan nung lalaking nakabangga ko, kung kaya't ako nalang ang pumulot ng mga libro ko.

Hayss, mga lalaki nga naman. Sumakay na ako sa sakayan at payapang nagbasa habang hinihintay na makarating sa aking paaralan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The World Between UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon