1

5 0 0
                                    

Pagod na ako sa buhay ko sa Manila.

Una, ang grabe ng traffic everyday. Pangalawa, ang layo sa pamilya ko sa Santa Elena Pangatlo, na hindi naman related sa paghihirap ko sa lecheng city na ito, ay ang impaktang Tita Chef, na nag-PM sa akin na bibisita raw siya sa Casa Eleguia sa Linggo.

Sis, you could've just PM my Papa. Epal talaga forever. Alam mo namang wala ako sa Santa Elena.

Casa Eleguia is our rest house, malapit sa bundok, walang signal pero mas gugustuhin ko pa doon, kesa sa magulong buhay sa Maynila.

Pero, hindi kami rich ah? Ito lang rin talaga yung pinag-ipunan ni Mama at Papa, para may gawin daw sila kapag mag-retired na. Tanim-tanim, ganon.

Anyway, nagsimula ang pagkainis ko sa impaktang 'to nung pumunta kami sa Boracay nung isang taon. Si Tita Jae, isang retired na cruise ship stewardess, na nag-fefeeling fresh pa rin hanggang ngayon, kahit medyo losyang na ay ginisa-gisa ako habang nasa loob ng Van na maraming sakay, saying na irresponsable teenager ako and all that shit. Palibhasa, medyo sipsip sa current tinitirhan ko ngayon dito sa QC, ang mama ni Papa na si Lola Isay.

And yes, ginisa. That's why Tita Chef ang naging nickname niya, matapos kong i-kwento kay Leila, my best friend from UPLB, ang pagsira niya sa bakasyong iyon.

"Best Friend, matandang dalaga kasi si Tita mong chef kaya nagsusungit. Syempre, walang family na mababadtrip si Madame! Though, I am not against sa choices niya, for being childless and man-less 'coz honestly, gusto ko yung ganoon.Tamang travel and all! Pero hindi magbabago ang opinion ko na, ang sarap tirisin niyan!" Leila said. She doesn't like men that much, maybe because of some past issues she have, na hindi ko story to tell.

Nasira ang pag-wawander ko about sa manlalait na Titang kababata lang naman nila Papa, pero di ko kamag-anak nang dumating na si Dr. Alejo. It's Intro to Guidance Counselling Time.

"Okay, Class. Di'ba, I asked you to write down 3 persons who you looked up to, 3 persons who gave you pain and 3 persons you can't forgive, para sa ating Adlerian Therapy Lesson? Mag-volunteer ang isa sa unahan para mag-share ng experiences and stories nila. " Magiliw na sambit ni Dr. Alejo.

Bukod sa gusto namin ang Prof, ang ganda-ganda rin ng mga topics sa course subject na 'to. All the while, we were learning, but also, we became knowledgeable about the lives of the people around us.

May tatlong nag-volunteer, at talagang mixed emotion ang nangyari para sa 1 and half hour na subject na 'to. Wala naman masyadong thrill sa buhay ko, at masasabi kong wala namang kahanga-hanga o nakaiiyak, kaya't di na rin ako nagvolunteer.

Pero, in my mind, nag-rerecite ako kung sino ang mga taong isi-nulat ko, habang nakasakay ako sa UV Express pa-Cubao, traffic at nag-iisip. Usually kasi, ganito ako kapag masyado akong na-aantig sa Lessons, hindi ako nag-LRT, at nag-FX ako para mahaba yung time ko mag-munimuni. I read the paper while sitting next to the window side na hindi masyadong dinadaanan ng mga taong sasakay dahil nakatapat sa highway yung door sa may upuan ko. 

3 Persons I look up to:

My Papa - No big words. He's really hardworking and I wouldn't be who I am without him (and Mama, as well. But, I want to make room for others who aren't my parents. Love u, Mom!)

Uwing-uwi ako sa bahay namin after reading this part. I miss my parents, including Harriet, the bubwit. Buti, at February na. Malapit na mag-bakasyon. Our family owns a grocery store and a gasoline station in our town, tapos, Teacher rin si Papa ng College Students sa amin. Ewan ko nga, bakit pa ako pinag-aral at pina-tira kay Lola Isay, pwede namang kasama na lang nila ako?

My Grade 11 Filipino Teacher, Ms. Maika - she inspired me to write and to create art. Even though I only become her student for a sem, I am happy that she's a part of my life.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

sunshine after the rain;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon