Chapter 1

8 0 0
                                    

Note: This will be my first story, I dunno if I could finish this though. Please bear with me. Hehe.


Chapter 1

*thunder & lightning*

-boom-

ahhh ayoko sa kulog, ayoko sa kidlat, ang ingay ng ulan - maingay.. grabe ka ingay..

Inilapit ko pa lalo ang aking katawan sa pinaka sulok ng kwarto at doon umupo. Tinakpan ko ang aking tainga at pinikit ng mariin ang aking mga mata.

Pero kahit anong gawin ko ang ingay pa rin, di ko kaya - ayoko nito.. ayoko na..

Nag-angat ako ng tingin at sinuri ang kwarto. Nang makita ko iyon ay napangiti agad ako, agad-agad ko itong kinuha at ginamit. Niyakap ko ang sakit kasabay ng pagtahimik ng paligid.

Tama... ganito nga.. kung saan ako masaya.. kung saan payapa ang lahat..

Nararamdaman ko ang pagbigat ng aking talukap, pinikit ko ang ang aking mga mata at inantay ang kadiliman na kainin ako ng buo.

-----

3rd Person's POV


Umuulan ng napakalakas na may kasamang kulog at kidlat, pilit na pinapakalma ng mga madre ang mga bata. Oras na ng hapunan kaya't mabuti naman at tumahimik rin agad ang huli. Naaayos na ang hapagkainan at naroon na ang lahat liban sa isa.

Nagbulungan ang mga madre.

"Sister, natawag niyo na ba siya?"

"Oho, kanina pa ho mother kaso ayaw niya pong lumabas sa kwarto."

"Anong gagawin natin?"

Sa huli ay napagpasiyahan ng mga madre na hatiran nalamang ng pagkain sa silid ang huling bata.

*knock* *knock*

"Love? Nandito na ang pagkain mo. Love? Papasok na lamang ako ha."

Pagbukas ng pinto ay kasabay ng malakas na kulog at maliwanag na kidlat na nagpakita sa hulma ng batang nakasiksik sa sulok ng silid at tila natutulog. Humakbang papasok ang madre ng kanyang masilayan ang tila maitim na tubig sa paanan ng bata.

"ahhhhhhhhh!!!!"

Isang malakas na hiyaw at pagkabasag ng mga pinggan ang narinig sa buong kabahayan na bumulabog sa lahat na tao sa loob.

---

*siren sounds*

-wiii wooo- -wii wooo- -wang wang- -wang wang-

---

"Magiging okay lang ba siya?"

"Sa ngayon ay wala na siya sa panganib pero kailangan pa rin siyang bantayan bawat oras para masigurado ang kanyang kaligtasan."

Unti-unti kong naramdaman ang paggising ng aking diwa kasabay ng pagmulat ng aking mata.

H-ha.? Gising ako? Nasan ako? Ospital? Anong-? Paano ako nakarating dito?

"Love! Okay ka lang ba? May masakit ba sayo? Anong nararamdaman mo?"

Narinig kong tanong ni Sister ngunit tinitigan ko lamang siya.

Bakit.? Bakit -- bakit niyo yun ginawa? Bakit di niyo nalang ako pinabayaan? Bakit kailangan niyo pa akong pahirapan.? Hanggang kailan ako dapat magdusa.?

Ipinikit ko na lamang muli ang aking mga mata kasabay ng pagpatak ng aking luha. Unti-unti na namang bumabalik ang ala-ala ng aking nakaraan, ala-alang pilit kong kinakalimutan subalit di ako tinatantanan. Ang nakaraan kung saan ako minsan akong nangarap ng payapa at masayang pamilya.

----

-Flashback-

*shouting voices*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BlankWhere stories live. Discover now