KABANATA II

3 0 0
                                    

KABANATA II
Don't be fooled

"Ano ruby nakuha mo na yung pinadala ko pambayad sa kuryente?"

Tumango ako kahit hindi naman nakikita ni Auntie Rich. "Yes Auntie, thank you po."

"Hindi ko pa alam kung kailan ako makakapagpadala ulit dahil nasa ospital ang Uncle niyo."

Pinandilatan ko si Rose na kanina pa sumesenyas sakin na aalis siya. Nakasuot siya ng oversized shirt at halos hindi na kita ang short. Saan nanaman pupunta ang babaitang 'to? Lagi nalang may lakad.

"I understand Auntie. May trabaho naman po ako sa coffee shop nila Mandy." nilipat ko sa kabilang tenga ang phone na uminit na sa tagal ng pag uusap namin. "Ahh mauna na po ako at magluluto pa ako ng lunch namin. Ingat po kayo lagi diyan. Godbless."

Sa America nakatira si Auntie Rich kasama ang napangasawa na foreigner. Wala silang anak kaya simula nang wala na kaming kasama na magulang ni Rose, siya na ang tumulong sa amin.

"Sige anak, mag iingat din kayo." aniya at pinatay ang tawag.

"Sawakas! Aalis na ako Ate, birthday ng kaklase ko." napapalakpak pa siya at malaki ang ngiti sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Talaga lang? Araw araw may birthday kang pinupuntahan. Ano ka ba Ms. friendship?"

Ngumuso siya. "Sige naman na Ate. Ako lang wala do'n.."

"At bakit ganyan ang suot mo?" tinuro ko ang kabuuan niya. "Wala ka ba pambili ng salawal?"

"Ate naman..."

I rolled my eyes. "Yung next appointment mo sa Psychiatrist wag mo kalimutan. Bukas na 'yon."

"Oo Ate. Pwede na ba ako umalis?"

"Bahala ka, ibudget mo yung baon mo at hindi ko 'yon dadagdagan." sagot ko at nagsimula nang magsulat sa notebook.

"Lagi naman akong libre do'n" ngisi niya sakin at hinalikan ako sa pisnge bago lumabas ng bahay.

Napailing nalang ako. Hindi naman ako makatanggi kapag gusto niyang gumala kasama ang mga kaibigan niya dahil tiwala naman ako. Isang dahilan na din ay nalilibang siya at hindi na nagmumukmok dito sa bahay. Kinakain siya masyado ng lungkot kapag ganon.

Sinulat ko sa notebook ang budget namin for this month. Nakasulat kung anong mga kailangang bayaran at bilhin na sasakto sa pera namin. Para na akong nanay talaga.


Nagluto lang ako ng buttered shrimp for my lunch. Mag isa akong kumain habang nanonood ng Kdrama sa cellphone. Pagkayari ay nag urong na ako ng pinagkainan at humilata sa kama para umidlip.

Paggising ko wala padin si Rose. I was scrolling on my phone when I suddenly received a message from Mandy.

Mandy :
I just dumped Chris. See you later!

Napangisi ako. Mandy has her own tradition that everytime she dumps her flings, may party na nagaganap sa bahay niya. It's a way to meet other guys and find a better replacement. I don't really approve the set up of being with someone with no label but who am I to judge?

Looks like I'm going home late tonight. The guardian in charge will take a night off. I quickly composed a text for Rose before taking a shower.

"Where are you Mavs?"

"I'm on my way." sagot ko kay Melanie, naka loud speaker siya sa phone habang tinatapos ko ang make up ko.

"I don't believe you, baka nag aayos ka palang!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rescue MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon