CHAPTER THREE

9 1 0
                                    




Cole POV



Sobrang tahimik namin. I think I'm feeling guilty. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa nangyari lalo na nung gabing yun




Flashback

"psh taray naman nung waitress na yun" napatingin ako kay Lance na nakanguso pa habang nakatingin dun sa schoolmate daw namin e ni hindi ko nga siya napapansin 

"cool kaya niya" inirapan ko naman si Earl anong cool dun? Porket alam niya yung mga alak dito at isa pa bakit nagttrabaho siya dito? Nag aaral siya sa isang elite school tapos nagttrabaho siya poor

Hindi ko na lang yun pinansin at naginom na lang badtrip kasi magpapasukan na naman kaya nandito kami para magchill. Madami kaming napagkwentuhan kaya naman hindi namin namalayan ang oras 

"Cole tara na" aya ni Lance na mukhang lasing na din. Si Drake ang magddrive kasi may mga tama na din kami. Siya lang kasi ang matino samin sa ngayon naglakad kami papunta sa kotse ni Drake nagulat na lang kami nang harangin kami ng mga lalaki na to. Nakipagusap pa kami kung ano bang kailangan nila holdap daw! Nakipagsuntukan sila samin matagal din bago kami mapagod at sinisiguro kong puro pasa at bali ang naabot naming apat 

"psh sayang yung gwapo kong mukha sesanghe!" naiinis kong sabi habang sinusuntok yung leader nila 

Pagod na pagod na ko pero hindi namin alam kung pano makakatakas sa mga to kasi si Lance at Earl ay pagod na at nakaupo na sila puro pasa na din ang nakuha nila. Lahat kami nagulat ng dumating yung waitress 

"ano ginagawa nyan dito?" naiinis na tanong ni Drake 

Hindi niya ba alam na away lalaki to at kung tumatawag na lang siya ng pulis makakatulong pa siya tsk yabang

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong nung leader nila at mukhang nagulat magkakilala ba sila? 

"napadaan lang hindi pa ba tapos yan?" wow! San niya nakukuha ang kayabangan na yan? 

"umalis ka dito Katana wag kang makialam" Katana? Psh sword ba siya?! haha siguro kung nasa katinuan lang ako ngayon inasar ko na to. Napahakbang kami ni Drake nung hinawakan niya sa buhok yung babae

"don't touch her!" nagulat ako sa sigaw ni Drake

"you're being protective, you don't even know her" bulong ko dito 

"don't touch you daw hahahahaha" tawa nang tawa tong gago na to

"wanna die" akmang hahawakan nung lalaki yung si Katana na yun sa may dibdib parehas na kaming napalapit pero nanlaki ang mata namin nang pinaikot niya ang kamay nung lalaking ewan at halos mapatumba yung kasama


Kitang kita ko ang pagiiba ng aura nito kung kanina ay parang wala siyang pakialam ngayon naman ay parang nageenjoy siya at ang creepy nun! Oh shit 


Pagkaalis nila dun ko lang naramdaman ang pagod, kalasingan at kung ano ano pa


Nakatitig lang ako sa kanya buong byahe kasi ang lakas niya nakuha pa niyang magdrive hanggang sa bahay nina Drake. Nagulat na lang kami kasi ang bilis ni ate Sabrina tumawag ng pulis. Nakipagsagutan kami sa kanya makaalis ni Katana at pinipilit na hindi niya kasalanan. Nakarating din to kina mom kaya naman napauwi agad sila. Tumistigo kami sa nangyari at sinabi lahat kaya naman sina mom ay panay ang pagsisisi pati si ate Sabrina psh huli na ang lahat. 



RUNAWAYWhere stories live. Discover now