"ringggg....ringgg...."
"ringgg..ringggg.."Natuliro ako sa pagkakatayo ng marining ko ang lakas ng tunog na yun. Hudyat na mag uumpisa na ang unang klase sa araw na ito.Agad akong nabalik sa realidad matapos pagmasdan ang malawak na quadrangle ng Unibersidad.Grabe..ang laki ng School nato at halatang mayayaman mga studyante.tsk..Kanina pa kasi ako nakatayo dito sa harapan ng paaralan na ito.Unang pasukan kasi at unang araw ko bilang kolehiyo dito sa Manila at last year ko na to kasi graduating nako dito lang ako nagpatuloy.At dahil bago ako dito wala pa akong kakilala at higit sa lahat kaya ako nandito sa harap ng quadrangle ay diko alam saan ang room ko.
"HAYSSS!! San ba kasi yun? Di man lang kasi nasabi kung saan banda.Kanina pako hanap ng hanap kung saa---shittt!"
Agad agad kong nilabas ang Registration Form ko. Binibigay sa bawat studyante ito,patunay na ikaw ay enrolled na. Dito nakasulat ang lahat ng impormasyon tungkol sa kung ano ang section,subject,sino ang adviser,classroom at higit sa lahat oras ng schedule ng bawat subject ko!!!at bakit kasi ngyon ko lang naalala to, nandito nga pala lahat.bobo ko!! At 7:30 ang start ng unang klase at alas otso na nandito parin ako!
"LATE NAKOOO!!"
Dali dali akong tumakbo patungo sa FD building kung saan nandun ang classroom ko. Nasa 3rd floor ito kaya kakailanganin ko gumamit ng elevator. At kung minamalas ka nga naman. Bat ang haba haba namn agad ng pila eh..ang aga aga pa haysss!badtrip! Dalawa lang kasi ang elevator sa building na yun kaya ganun nalang siguro ang pila dun.Dumeretcho ako sa hagdan at patakbo kong tinaas ito.Hingal na hingal akong makarating sa pasilyo ng floor na iyon.At nag umpisa nako maglakad sa koridor upang tignan ang bawat numero na kalagay sa pintuan ng bawat silid, upang tignan ang dapat kong pasukan.at sa wakas.Muli kong tinignan kung pareho ba ang numero ng silid na nakasulat sa papel, at sa numero na ng pinto sa harap ko.
"Room 306..?" Yeah igottttchaaa!!"
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan.At halos lahat ng tao sa silid na yun ay natuon ang atensyon sa akin.Unti unti kong naramdaman ang hiya,ng halos lahat sila ay hindi nagsasalita at tutok na tutok ang paningin sa akin na kala mo ngyon lang sila nakakita ng taong late.hays.
Sabagay parang ako nalang yata ang late, kasi halos lahat ng upuan may nakaupo na..at hindi lang ako basta late kundi late na late!
Unti unti kong ginala ang mata ko upang maghanap ng bakanteng upuan, at di ako nabigo may bakante pa sa gitnang hilera sa dulo katabi ng bintana. Tutok parin ang lahat sa akin. Dahan dahan nako naglakad patungo sa upuan at saka umupo.Doon lang humupa ang kaba at kahihiyan ko. Nag simula na ulit magsalita ang prof namin dahil naudlot ito kanina lang.
"Okay class, since this is our first meeting, i would like to introduce myself and after me, isa isa kayo mag papakilala, name,age and hobby kayo bahala ano pa gusto nyo sabihin tungkol sainyo,?" -aniya.
"Yes sir!" -klase.
"Okay I'm Sir Kazer Santos,5 yrs nako nag tuturo dito sa Cooper International School at kayo palang ang pangalawang batch na nahawakan ko sa kolehiya, at ako ang magiging adviser nyo hanggang matapos ang taon na ito hahhaha inaasahan ko na maging maganda ang pagsasama natin dahil graduating na kayo at, isa lang ang lagi kong sinasabi sa mga studyante ko"Remember that you're studying for God and with God all the way."-ngiting aniya.
Nakangiti naman na nakikinig ang mga kklase ko, Gwapo si Sir at mahahalata mo na strikto sya sa unang tingin pero mabait naman pag nakausap mo na. At pagkatapos nga magsalita at magpakilala ni sir, isa isa na kaming nagpakilala.