HUSTISYA
by: Concienzudo
Genre: Mystery--Devine's PoV--
Sa kalagitnaan ng breaktime ay biglang bumukas ang pinto ng classroom namin at bumungad ang kaklase kong chismoso. Sa tingin ko'y may nasagap nanaman syang kung ano sa itsura palang nyang nanlalaki ang mata.
"Guys guys guuuuys alam nyo ba?"
Tama nga ako. Hays HAHAHAHA natawa nalang ako sa isip ko at lumapit sa kanya. Chismosa ako e bat ba.
"Oh ano nanaman yon Mr. Chis?" sabat ng kaklase ko ng hindi inaalis ang paningin nya sa nilalaro. Breaktime kaya nakakagamit sila ng phone.
"Anong Mr. Chis?" takang tanong ng kaklase kong si Luis.
"Mr. Chismosooo! HAHAHA" tapos nagtawanan ang lahat.
"Eto nga kaseee seryoso na nga, may natagpuan nanamang bangkay doon sa gubat sa likod ng school. Grabe ang ginawa pinutol etits tapos tinuhog na parang barbeque." kwento nya with action at umastang kinikilabutan.
Kinabukasan..
"Guys may namatay na naman sa likod ng paaralan."
"Sino ba yang killer?"
"Walang awa!"
"May nakita bang evidence sa crime scene?"Natigil ang daldalan nang dumating ang teacher nila sa susunod na subject. Kasama nya ang dean at iba pang teacher at isang pulis.
"Siguro nabalitaan niyo na ang mga nangyayari, ayaw namin takutin kayo pero dapat kayong mag ingat kasi base sa imbestigasyon ng nga pulis ay isang estudyante ang pumapatay, una ay ballpen ang nakita sa crime scene, ngayon ay porselas na halatang bata pa ang nag mamay-ari base sa disenyo. Baka nakita nyo na ito" pinakita ni sir ang picture ng porselas sa amin.
Nagulat ako nung napatayo ang katabi ko nung pinakita ni sir ang picture.
"Kay Nelsa yan! Lagi niya yang suot. Siya ang killer!" sigaw ni Angel.
"Oo nga kay Nelsa yan!"
"Hala ayoko pa mamatay!"
"Mamatay tao!"Nanginginig na sa kaba si Nelsa nang tanungin siya ni sir. Nakakaawa sya.
"Sayo ba itong porselas, Nelsa?" tanong ni sir
"O-o-opo pero hindi po ako ang pumatay sa kanila" kabadong saad ni Nelsa.
"Sinungaling! Ikaw ang killer dapat sayo napaparusahan!" wika ni Angel
"Guys, wag kayong ganyan. Hindi pa naman napapatunayan kaya wag nyo sya'ng pagsalitaan ng ganyan." sabat ko naman. Naaawa ako kay Nelsa.
"Nelsa, follow me to the Guidance Office."
"P-pero hindi po a-ako" saad ni Nelsa.
"Follow me." madiing saad ni sir kaya parang medyo nagulat pa si Nelsa, pero wala na ding nagawa kundi sumunod nalang.
--Third Person's PoV--
Habang naglalakad sila sa corridor nakita niya si Loise na nakangisi sa kanya.
Si Loise ay dati niyang matalik na kaibigan.
Si Loise ang nagiisa niyang kaibigan noon ngunit dumating ang isang araw na nagkagalit sila dahil parehas sila ng nagustuhan at nilihim nito ni Nelsa kay Loise. Kinabukasan ay natagpuang patay ang lalake at inakusahan ni Loise na si Nelsa ang pumatay dito dahil siya ang laging kasama nito. Kaya ganun na lamang ang galit ni Loise Kay Nelsa.
"Look who's here, ang killer." saad ni Loise.
"Hala siya ba?"
"Akala ko mahinhin yan"
"Nakakatakot naman pala yan"
BINABASA MO ANG
Hustisya
Mystery / ThrillerHustisya Isang salita ang daming nilalaman Isang salita pero ang hirap makamit Sino ba ang makapagsasabing hustisya ay nakakamit ng tama Ito ba'y isang tao o yung mismong salitang 'hustisya'? Matutulungan kaya ni Michael si Nelsa makamit ang hustisy...