Panaginip

1 0 0
                                    

Panaginip (TS)

---
Written by: milagro⚠️
mswinterlayp
---

Skl,

Nanaginip akong nasa school ako, nasa principal office ako non tapos may lalaking matanda. Nakatali ako sa upuan at iyak ako ng iyak. Biglang nagsalita yung matanda.

"Hindi kita papakawalan" tapos ngumisi sya saken. Takot na takot ako non.

"Ano bang gusto mo?" hindi ko alam pero bigla ku na lang nasabi yon. Umiiyak na ko ng sobra kase di ko alam yung gagawin.

"Ikaw.." uminom sya ng kaunti sa wine nya at tumingin ulit sakin. May nakapa akong parang blade sa pantalon ko.

May okasyon kase non, lahat ng mga estudyante nasa baba at nagsasaya. At ako? nandito sa loob ng principal office at nakatali sa upuan.

Kinuha ko ng dahan-dahan yung blade sa bulsa ko sa likuran dahil nakatali ang kamay ko sa likod kaya madali ko lang ding naputol ang tali sa kamay ko. Wala namang tali yung sa paa ko kaya makakatakas ako dito ng madali.

"Gagawin ko ang lahat.."humikbi ako "pakawalan mo lang ako." tsaka ako umiyak ng umiyak.

Lumapit yung matanda sa harap ko.
"Sigurado ka?" sabi nya at hinalikan ako sa labi, ramdam ko rin yung bigote nya. Mabilis ko syang sinipa sa maselang bahagi ng katawan nya at tumakbo palabas. Kaya lang nahawakan nya ang paa ko kaya bumagsak ako sa semento, ramdam ko rin na pumutok yung labi ko.

Sumipa ako ng sumipa. Hindi ko alam kung saan sya natamaan ng mga sipa ko, basta ang alam ko natanggal na lang ang kamay nya sa paa ko.

Tumayo ako at kahit masakit ang katawan, pinilit kong maglakad. Nasa tapat na 'ko ng pinto ng pihitin ko ang doorknob. Shit! ayaw mabuksan! halos na nginginig na 'ko at pinagpapawisan kahit naka-air con. Nilingon ko yung matandang lalaki. Pumutok yung labi nya at may pasa sya sa mata, pakiramdam ko naman wala na syang malay. Pumunta ako sa tabi nya at kinaba ang mga bulsa ng pants nya. May nakapa akong metal kuno sa bulsa at kinuha ito. Susi.

Mabilis akong pumunta sa pinto kahit paika-ika. Nagtataka rin ako kung bakit nasa loob ang susian.

Tinanggal ko na lang ang isiping 'yon at nag focus sa doorknob. Ang dami rin nitong susing 'to, kung sa palagay ko nasa mga walo ito.

Lumingon ako sa lalaki dahil may narinig akong kaluskos. Iniling-iling nya ang ulo nya habang mariing naka pikit ang mga mata.

Tumingin ako sa kaliwa't kanan. Takot,kaba,inis,galit at pandidiri ang nadama ko. pandidiri...

Nakakita ako ng malaking vase. Mabilis ko 'yong binuhat at tumakbo papalapit sa matanda. "MAMATAY KANAAAA!" hindi ko alam kung bat ko ito nasabi at nagawa. Nanginginig akong tumingin sa naliligo na dugong matandang lalaki. Nakakakilabot. Nakahandusay sya sa sahig at wala ng buhay.  Pakiramdam ko, hindi ko na kilala ang sarili ko.

"Nakapatay ako. Nakapatay ako. Nakapatay ako."

Yan ang paulit-ulit kong sinasabi habang binubuksan ang pinto. Pakiramdam ko hindi ko na maipikit ang mata ko at hindi ko namalayan na tutulo na ang luha ko. Dali-dali ko itong pinunasan habang binubuksan ang pinto.

Nang mabuksan ko na ang pinto sinarado ko agad ito at tumingin sa kaliwa't kanan. Mga nasa limang tao lang ang nasa palapag na ito. Sigurado akong hindi nila ako mahahalata. May dugo rin ako sa kamay dahil sa kaninang nakatali  dito at dahil rin sa vase.

Mabilis akong bumaba ng hagdan at hindi ininda ang sakit. Natigilan ako at napatingin sa nilakaran ko. "HABULIN SYA!" dinig kong utos ng kung sino. Halos mag halu-halo ang nararamdaman ko, hindi ko alam ang i re-react ko.

Namalaya ko na lang na tumatakbo na pala ako at hanggang makapunta ako sa mismong venue ng okasyon. Hindi ko din alam kung anong okasyon. Luminga-linga ako sa paligid hanggang mahagip ng mata ko ang pinsan kong na no-nood lang sa gilid.

Mabilis kong hinablot ang braso nya at tumakbo. "Anong nangyari sayo?" lumingon ako at---

Kisami na ang bumungad sakin. Umiiyak akong nakatulala at nahihirapang huminga. Pakiramdam ko totoo ang lahat. Ramdam ko rin ang bigote sa labi ko. Kinakabahan ako at natatakot in the same time. Ang bilis ng tibok ng puso ko na akala mo tumakbo ako ng malayo at mabilis.

-End.

---
totoo yang nangyari sakin. Ano bang tawag sa panaginip na yan? Hanggang ngayon natatakot parin ako.

TTT_TTT

Oneshot ni MilagroWhere stories live. Discover now