"Gusto mo na bang umuwi?"I watched him as he lifted his shirt to wipe his face, revealing his body drenched in sweat.
Umiling ako. Sanay naman akong mag-antay tuwing naglalaro sila ng basketball. I've been doing this for years, anong pinagbago?
Lumapit siya at ginulo ang buhok ko. He grinned like a kid before running back to his friends, preparing for the next round.
Hindi naman ako nabagot nang nagtagal pa uli ng isang oras ang laro. They're all good. Nakakaaliw tuwing nag-aagawan sila ng bola, mapapasigaw ka talaga sa kaba at tuwa. Hindi na ako nagulat nang dumami ang nanood sa court.
Nang matapos sila, pawisan na lumapit sa akin si Ero. Mabilis niyang hinubad ang suot niyang sando kaya nakarinig ako ng tili mula sa babaeng nanonood. Napailang na lang ako bago inabot sakanya ang pang palit niya.
He really wants those girls to drool over him, huh?
"Ano 'yan?" pinisil niya ang pisngi ko kaya mabilis ko siyang tinulak. "Bakit nakasimangot? Ikaw talaga," tumawa siya bago uminom sa bote ng tubig na dala ko.
Our semester finally ended yesterday. Mas nauna naman siyang nakapag bakasyon sa akin ng ilang araw dahil magkaiba kami ng pinapasukang University. Summer is coming,pinag-iisipan ko pa kung saan maganda gamitin ang dalawang buwan na bakasyon ko.
"Dinner mamaya sa bahay? Mom's inviting you," he said, eyes on me. Tumigil kami sa waiting shed dahil dito mag-aantay ng masasakyan pauwi. He didn't bring his car. Dumayo lang naman kami sa subdivision nila Kyle.
Tumango ako bago kumapit sa braso braso niya. Nang maipasok na niya ang payong sa bag, agad siyang umakbay sa akin. Normal na 'to sa amin, kaya naman napapailing na lang ako tuwing may nanunukso sa amin.
"Seven? tanong ko.
He smiled and pinched my cheeks saying," Sure. Sunduin kita. "
Nang makapara kami ng jeep, halos wala iyong sakay na pasahero. Tatlo lang kami, pero biglang may sumakay na mag-ina, nanghihingi ng abuloy.
They were barely dressed. Butas-butas ang suot nilang bestida na halos nababalutan na ng dumi. Umiling iyong isang babae na pasahero nang abutan siya ng envelope kaya naman nang sa amin na bumaling ang ina, nilabas ko agad ang wallet ko.
"Maraming salamat, iha. Salamat talaga!" She kept on thanking me when I gave her a two hundred peso bill. Bumaba na silang dalawa nang may ngiti sa labi. Their reaction was priceless. Napangiti rin ako.
Pumara na ako nang makitang malapit na ang jeep sa tapat ng subdivision namin pero nagulat ako nang sumunod rin si Ero. He should be staying inside dahil medyo malayo pa ang village nila dito. Balak niya bang maglakad?
Nasa guard house na ako pero nakasunod pa rin siya. Mabilis ko siyang nilingon pero nagtaas lang siya ng kilay.
"Bakit ka nandito? Umuwi ka na," pagtataboy ko. Madalang na ang jeep ngayon dahil tanghali na. Syempre kakain na ang mga jeepney driver, hindi naman 'to syudad na laging may tao.
Siniko ko siya dahil nakatitig lang siya sa akin na para bang may malalim na iniisip habang naglalakad. Kalaunan, bumalik naman ang ngiti sa labi niya.
"Kain ako sainyo, pwede? Gutom na 'ko," sagot niya habang hawak pa ang tyan at umaktong gutom na gutom.
Pabiro na lang akong umirap at hinayaan siyang sumabay sa pag lalakad ko. Hindi na siya hinarang ng guard dahil kilalang-kilala na siya dito.
Umakyat ako sa kwarto para magpalit habang siya naman ay naiwan sa baba kasama si papa. Maglalaro ata sila ng chess, mabilisan lang.
Nauwi sa pagligo ang dapat pagbibihis ko lang ng damit. Hindi pa naman kasi tapos magluto si mama kanina nang dumating kami. I also gave them time to finish their game. Ganoon silang dalawa palagi, tuwing may pagkakataon, kung hindi maglalaro ng chess, magkekwentuhan.
BINABASA MO ANG
Each Time You Fall Inlove
RomanceJanella Rienne Luarca has always been supportive to Claero in everything he does. Whether it would be about girls, ambition or whatever makes him happy. But with her growing devotion for him,changes started to set foot in. From the hidden truth to...