I was fuming mad when the bell rang.
Oh no! malelate na ako. Kinuha ko ang mga kahon at dali daling pumunta sa storage room.
"Ano ba naman yan. First day na first day late ako. Kasalanan talaga to sa babaeng tumulak sa akin. At sa hinayupak na gwapong lalaki na yun! Makakatikim talaga sila ng sapak!" Sabi ko sa sarili habang inilagay ang mga kahon sa isang empty desk. Pagkatapos, lumabas ako at nilock ang pintuan (utos ni ma'am Rose) at tumakbo papuntang room.
First day na first day ang malas ko na, wala pa ngang isang oras na official student ako sa paaralang 'to, dami nang nangyari.
I'm a transferee at this school pero familiar na ako sa school nato. Why? My family owns the school. But no one knows I'm the heir. Why again? Because I don't like it when people get close to me just because I have connections. Noon pa lang yan na talaga gusto ko dahil hindi ko gusto yung mga fake na tao. Nirequest ko na rin to ni Papa na huwag ipakalat na anak niya ko, not to disown him (char), but I also said that it's for my own safety and I also like to go to school like any normal person would do. Ang alam ng mga staffs ay galing akong America, which is true, I lived there with my granny for the past five years, pero pinili kong bumalik dito sa Pinas dahil I promised Mama and Papa to study here in my highschool years.
Kaya heto ako ngayon, tumatakbo papuntang room kasi late nako. 'Ito gusto mo diba? Maging normal? Ginusto mo to'
"Oo na nga sabi eh! Tama ka!" Sigaw ko habang tumatakbo. People gave me weird looks which I don't care. Bahala na sila diyan basta late na ako. Napakalayo naman ng room namin!
At last nandito na ako. Humihingal pa ako nang buksan ko ang pintuan. Everyone stopped and looked at me.
"Why are you late?" The prof asks while holding a book and a pointer.
"Hindi kasi ako kabisado sa mga rooms Sir. Transferee po ako." Sana hindi ako mabuking dito, totoo naman ah, transferee ako dito. Then the prof walked towards me. Pinahid ko yung pawis sa noo ko. Anobayan haggard na agad first subject pa naman.
"Come inside and introduce yourself" Ang strict naman ni Sir, poker face palagi. Fan siguro niya si Lady Gaga. Pumasok na ako at pumunta sa gitna. Ito namang mga kaklase ko poker face din. Ano to, fanbase ni Lady Gaga?
"Hi, I'm Violet Rodriguez, nice to meet you" and bowed slightly. Nang tumingin ako ulit, poker face pa din. Wala man lang nabighani sa kagandahan ko? Sabi pa naman nila Mama kamukha ko daw si Angelina Jolie nung dalaga pa siya.
"Okay Ms. Rodriguez you may take your seat. You can sit beside Mr. Hermosa near the windows" I walk towards my chair and saw the guy next to my chair sleeping. Umupo ako at tumingin sa labas.
"Now that's settled, let's continue our lecture. Open your books to page 21" Napatameme ako sa narinig ko. Diba first day ay chill lang? Ba't may lecture agad? Tumingin ako sa paligid at ayun nga, kumpleto sila ng mga gamit! Ano ba naman to, hindi man lang nila akong sinabihan na dalhin yung mga books ko. Didn't Mama and Papa noticed that I didn't bring anything to school except for my phone? Is this one of their pranks? Tawagan ko nga sila mamaya pag break na.
Tumingin na naman ako sa tabi kong classmate na natutulog. Nakayuko siya at takip ang buong mukha niya. Ano ba naman to, first subject natutulog na, nag effort pa siyang pumunta at mag-aral ah? Ewan ko sa kanya basta kailangan kong humiram ng aklat at pagkatapos pwede na siyang matulog ulit.
I leaned close to him.
"Psst"
"Psst" sabay pindot sa braso niya.
"Huy, may aklat ka?" tanong ko. Walang sagot.
"Huuuuy"
"Maawa ka naman oh"
"Pansinin mo naman ako oh"
"Huuuuy. Hindi talaga ako titigil"
"Helloooooo, anybody there? Yohoooo" Napuno na yata siya dahil tumayo siya.
"ANO BA?!" napatingin sila lahat sa direksyon namin. May nagbulongan pang mga babae sa harap.
"Oh no he's angry"
"Ang hot niya magalit!"
"Sino ba yang babae na yan? Papansin naman ata"
"Diba siya yung transferee?"
Napayuko nalang ako sa hiya. Ang highblood naman tong katabi ko! Hindi ba pwedeng maging kalmado? Baka hindi to nakapag yoga in his lifetime. Turuan ko kaya siya.
"Sorry, gusto ko lang namang humiram ng libro" bulong ko na alam ko namang maririnig niya.
"Why would you even go to a fucking school if you don't even bring your fucking books? Are you stupid?"
Aba't!! Walang modo tong lalaking to ah! Tiningnan ko siya ng masama pero nang mapatingin ako sakanya parang nag slow mo ang lahat at nagfocus lang lahat ng atensyon ko sa lalaki kong kaharap sabay sabing,
"IKAW?!"
BINABASA MO ANG
How To Make A Badboy Fall For You
Teen FictionViolet Rodriguez fell for Blue Hermosa at first sight. The problem is, he is a BADBOY! Nevertheless, she will do her best to make him fall in love with her. But how?