Part 1

101 0 0
                                    

"5 minutes more... one-fourthy-three" sabi ng lalaking nakatalikod na nakasuot ng pormal na pang-americanang damit sa babaeng nasa harapan niya na kalahati lang ng mukha ang kita, mula sa nakangiting labi nito hanggang sa kanyang bewang suot ang isang maganda at puting damit.

---------------------------------------------

"Makakaabot pa ako..."

Nagmamadaling nag-lalakad ang isang babae sa may bangketa papasok ng isang napakalaking establisyimento, suot nito ang kanyang makaluma nang relo at ang kanyang maganda pero makaluma din na salaming galing pa sa lola niya, bagay na bagay naman ito sa suot niyang pang opisinang damit.

"Gud murning mam!" bati ng ni manong guard na agad nagbukas ng pinto sa babae.

"Good morning din kuya.." masiglang bati ng babae habang patingin sa relo nito.

"Hab a nays di po!"

"salamat, ganun din sayo" at mabilis na naglakad papuntang elevator.

Matiyaga niyang hinintay na makababa ang elevator, hindi niya magawang maghagdan dahil nga rinsa suot niyang sapatos.

Habang nasa elevator...

Tahimik ang lahat, seryoso, at ang tanging maririnig mo lang ay ang elevator version ng kantang "Boom Panes". Puno ang loob ng elevator, 20th floor pa ang opisina ng dalaga pero agad itong bunuksan sa 10th floor, hindi alam ng dalaga ang nangyayari, dahil nasa unahan siya at agad siyang naitulak ng mga nagkakagulong tao. Akmang babalik na sana siya sa loob ng may humila sa braso niya.

"Ma'am Karryle wag na ho kayong bumalik sa loob.." sabi ng isang maliit at medyo may edad nang babae, nakatakip pa ang kamay sa ilong.

"Ho? bakit naman po?" nagtatakang tanong ng nagmamadaling dalaga.

"Kailangan ko pong makarating agad sa 20th floor, malelate na po kasi ako, at mabaho po ba yung hininga ko at nakatakip po kayo ng ilong?" dagdag pa niya.

"Nako maghagdan ka na lang ma'am, at hindi po mabaho hininga niyo, may baboy po kasing umutot sa loob, hayop na yun magshishare na lang utot pa, kaya wag na ho kayong bumalik sa loob. Sige po, ma'am mauna na po ako, binalalan ko lang kayo"

"Ganun ho ba, sige po marami pong salamat Mrs. Miriam" at nangingiti na lang si Karylle na nag-paalam sa matanda.

--------------------------------

"Good morning Ms. Tatlonghari, akal ko malelate ka nanaman" sabi ng isang matandang lalaki.

"Kala ko nga rin! buti na lang at nag-alarm ako kuya Kim, at buti na lang kahit nag-kaaberya sa elevator ay nakahabol pa rin ako!"

"Aberya? ano nanamang nangyari sa elevator na yan?"

"May umutot po kasi sa loob" natatawang sambit ng dalaga, natawa lang din naman si kuya Kim sa sinabi ng dalaga.

"Hay nako naman talaga, mga kabataan talaga ngayon, minsan wala nang modo, kung saan-saan na lang nagpapasabog" naiiling sa sambit ni Kuya Kim sa kaopisina, pigil tawa namang sumangayon ang dalaga at tumango.

"Oh siya tama na muna ang chikahan, puntahan mo na yung boss mo doon at baka kanina ka pa hinahanap nun!"

"Sige po! salamat." at isang matamis na ngiti lang naman ang ibinigay ni Karryle sa kaopisina niya, at agad inilapag ng dalaga ang mga hawak na papeles at gamit sa table niya, agad din niyang inayos ang mga dokumentong ipaparima niya sa boss niyang si Anne.

Agad pumasok sa opisina ni Anne si Karylle.

"Good morning boss..." masiglang bati ni Karylle na nakangiti pa.

"Naku teh kala ko malelate ka nanaman, nakakaloka ka" mapagbirong sagot naman si Anne.

"So? nasaan na yung mga documents na kailangan ko?" dagdag panito habang paikot-ikot at naka-upo sa kanyang swivel chair, na parang batang naglalaro lang.

"Kaya ka hindi kinatatakutan ng mga empleyado mo eh! para kang bata." paninita ni Karylle sa kaibang si Anne.

"Mas okay na yun, kesa naman lahat sila ilag sa akin, malungkot kaya ang ganun, ayaw kong matakot sila sa akin, ayaw kong matulad sa daddy ko na kinatatakutan at kina-iilagan ng lahat"

"Okay...." taas balikat na pag-suko ni Karylle sa kaibigan.

"By the way, eto na pala yung mga dokumentong hinahanap mo." agad na inilapag ni Karylle ang mga dokumento sa harpan ni Anne.

"Thank you my dear sexy-tary!"

"You are always welcome boss." natawa na lang si Karylle sa turan ng kaibigan.

Lalabas na sana siya ng opisina ng tawagin siyang muli ng matalik na kaibigan.

"K Wait!" pahabol na tawag ni Anne na may mapang-asar na ngiti, habang si Karylle naman ay nagugugluhan.

"Nako Anning! sinusumpong ka nanaman ng kabaliwan mo, alam ko yang mga ganyang ngiti mo"

"Oh talaga? anong ibig sabihin nito?" pang-aasar parin nito.

"It's either my ipapablind-date ka nanaman, o may pabor kang hihingin!"

"EXACTLY! Oh My Gosh! kilala mo na talaga ako!... Since... Nararamdaman mo na pala.. Sasabihin ko na sayo. May importanteng client na dapat puntahan, kaso.. may date kami ni Vhongski ko, hindi ko pwedeng ipostpone and date na 'yun, matagal na namin pinagplanuhan ni Vhong 'yun, so hindi ako pwede, kaya ikaw na lang." agad na ngiti ni Anne kay Karylle.

"Pero--"

"Wala nang pero-pero pa kurba, alam kong wala kang lakad today, hawak ko kaya ang schedules mo, tapos mext week pa naman ang reunion party natin with our other besties di ba? kaya wag ka nang magtangkang magpalusot pa, and... ikaw naman ang naka-isip ng proposal na iprepresent natin, kaya mas okay kung ikaw ang pupunta doon at magspeech ng presentation" pagputol ni Anne sa kaibigan.

"Also uuwi pala si Iza sa Saturday, dapat daw nandoon tayo sa Airport sa pagsundo sa kanya." dagdag pa ng kaibigan.

"HAY NAKO!! Sige na nga, may magagawa pa ba ako? ikaw yan eh. Malakas ka sakin eh, malakas kayo sakin! wala naman akong choice..." pagsuko ni Karylle na may pigil na pagngiti.

"Good!" nakangiting bulalas ng kaibigan.

"Here's the schedule, para sa meeting" agad na dinikta ni Anne ang mga information sa pupuntahan ng kaibigan.

"Tuesday, 11:00 am at the Viceral Towers, 6th floor the first room at the left"

agad namang isinulat ito ni Karylle.

"Tuesday?" kunot noong bulalas ng dalaga.

"EH! NGAYON 'YUN AH?!"

"Yah! kaya be ready, meron ka pang...." sabay tingin sa orasang nasa lamesa niya.

"3 hours para mag-prepare, and.. don't worry, i'm sure naman na magugustuhan nila ang proposal mo para sa comercial na gagawin.. and remember, nakasalalay sa mga kamay mo ang sweldo ng mga taong nandito, kung masasara mo ang deal sa kompanyang yun, marami kang mabubuhay na tao" dagdag na sabi pa ng kaibigan na may mapang-asar paring ngiti.

Kamot ulo na lang tinignan ni Karylle ang kaibigan.

"Talagang kinunsensiya mo pa ako no? Oo na, sige na alam ko na.." ngiting litanya niya sa kaibigan at lumabas na ng opisina nito, nagsimula na din siyang mag-ayos ng gamit para sa meeting at kliyenteng pupuntahan niya mamaya.

"Good luck girl.." pahabol pa nito na may ngiti parin sa mukha, kahit nakalabas na ng tuluyan ang kaibigan.

To be continued.....

--------------------------

A/N:
Sorry guys aa medyo sabaw, wala kasi sa mood eh yung utak ko ee, pero gusto talaga ng puso kong magsulat, btw wag kayong mag-alala, sa mga susunod na chapters mababasa niyo na si Viceral. tututok lang ukkie? salamuch!

P.S: Comment naman kayo ng magandang title para sa chapter na 'to, PLITH???- Auring Maliit <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

5 minutes more..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon