CR Break

6.8K 525 669
                                    

Meron akong irrational fear sa pagpunta sa CR mag-isa.

Nagsimula 'yon nang napanood ko sa TV 'yong "Nanay" sa Shake, Rattle, and Roll III noong bata ako tapos may lumabas na Undin sa inodoro. I repeat: sa inodoro. Kung saan umiihi at naglalabas ng sama ng loob ang tao. Bakit naman gano'n 'yong scriptwriter at direktor? Hindi ba maganda toilet nila sa bahay?

After that, nakabukas lagi ang banyo namin kapag ako ang gumagamit. Mommy and Daddy understands, kaya super thankful ako that I'm blessed with such parents.

Isa pa 'yang Anaconda. Pakiramdam ko kasi, may lalabas na anaconda sa bintana ng banyo namin. Oo na, it sounds stupid, pero kanya-kanyang takot lang 'yan.

Sinundan pa 'yon ng Shutter. Naaalala ko na nagkayayaan kaming magkakapitbahay na panuorin 'yon galing pa sa isang DVD. Anak ng dolphin naman kasi 'yang mga horror stories na 'yan. Puwede bang 'wag nilang idamay ang CR? Gusto ko lang naman umihi at jumebs in peace.

Sa elementary public school, walang problema. Kasi papipilahin lang kami ng teacher. Nagpapakabait ako lagi para hindi ako mapunta sa dulo. 'Yong mga maiingay kasi ang huling nagsi-CR. Buti nga at maliit din ako. Pero when my parents decided na ilipat ako sa isang sectarian all-girls school kung kailan grade 8 na ako—dahil na-promote silang pareho—halos araw-araw akong takot.

At dahil do'n, bilang ko na kung ilang minuto ako iihi matapos kong uminom. Example, sa isang 300 mL ng tubig, every 30 minutes ako umiihi. Sa 500 mL naman, every 20 minutes. Kaya ang ginagawa ko, ten minutes bago mag-recess at tuwing nagbe-bell ng lunch, doon lang ako umiinom ng tubig para "free time" pa rin ang pag-ihi. Tapos tuwing uwian, naghihintay ako ng mga papasok sa banyo tapos saka ako papasok.

Pero siyempre, hindi perfect ang calculations ko lagi.

Tulad ngayong araw na 'to. Dahil sa init ng March, napainom ako nang dalawang beses. Nag-"Bahala na si Batman" na lang ako kung naiihi ako. I now regret it.

Huling dalawang araw na nga lang ng school year, nagkaganito pa. Sakto pa na 'yong teacher-proctor namin 'yong ayaw magpalabas ng dalawang tao kapag magbabanyo. Ang standard kasi talaga, one or two at a time. Pero dahil exam, one at a time lang ang puwede.

Kaya ngayon, nasa tapat ako ng CR, nagsisisi na uminom nang dalawang beses. Dapat talaga nagsusuot na ako ng diaper, e, isip-isip ko. Kaunting tulak na lang sa pantog ko, maiihi na ako nang tuluyan.

"Matakot, o maihi sa palda? Choose one!" sigaw ko habang sinasampal ang sarili ko. "Let's do this!"

Huminga ako nang malalim, tumakbo sa unang cubicle, at umihi. Nakataas ang mga paa ko dahil natatakot ako na baka mamaya e may manghila sa baba. Hindi ko ni-lock ang pinto para makaalis ako agad. Isa pa 'yon—natatakot ako na baka ma-lock ako at may lalabas na halimaw o multo kapag naka-lock na.

Sabi ko nga, ang rule ko kapag mag-isa lang ako sa banyo, isang tapak sa flush—okey na 'yon. Hindi ko naman na kailangan tingnan pang bumaba ang tubig.

Pero biglang may nakita akong anino . . . papalapit nang papalapit sa cubicle ko.

Nagdasal ako dahil baka katapusan na ng buhay ko at mahimatay na lang ako sa takot.

Ang di ko inaasahan ay ang pagbukas ng cubicle ko at . . . si Ryoko—isa sa mga "untouchables" ng batch. Pareho kaming sumigaw nang pagkalakas-lakas. At wala na akong paki kung nakita ako ng babeng 'to na naluluha habang umiihi. Takot talaga ako.

"Couldn't you close the fucking door?!" sigaw niya tapos padabog niyang isinara ang pinto. Pumasok yata siya ro'n sa katabing cubicle.

Akala ko talaga tapos na akong umihi kanina, pero dahil sa takot ko, may lumabas pa.

CR BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon