Chapter 2

2.4K 46 5
                                    

Chapter 2

-JASMINE-

Agad ay nagbook ako ng flight kasama ang pamilya ni Joseph. This decision might be impulsive, but I can't stand my life anymore. I need a break.

"Sure ka na ba dito Ja? Kinakabahan naman ako sayo e!" marahang sabi ni Joseph. Napangiti ako. At least I have him. At least I have a friend.

"Jo! Para namang ikaw yung tumakas eh! Chill ka lang jan!" utos ko sakanya.

Tumakas nga ako diba? Nakokonsensya naman ako pero.. dapat siguro unahin ko naman ang kaligayahan ko. Buong buhay ko sila na lang lagi ang iniisip ko. Sila na lang ang sinusunod ko. Ngayon, susundin ko muna ang sarili ko. Kailangan din muna hanapin ang sarili ko at ang kaligayahan ko.

"Iniisip lang naman kita. Bestfriend kita, ayokong mapahamak ka." sincere na sabi niya.

"So sweet!" pang asar kong sabi. Umiling lang naman siya.

If you may ask, nandito na kami sa airplane. Waiting para lumipad. At ang praning lang ng bestfriend ko.

"Seryoso Ja. Sure ka na sa desisyon mo?"

"I've never been so sure Jo."

"Fine."

"Sige na mingy. Matulog ka na. Ako na bahala sayo dun." narinig kong bulong ng bespren ko kaya napangiti ako. [mingy (pronounced as MINJI) it means matakaw]


Thank God, I have a friend like him.

-ANGELO-

"Angelo my loves!" sigaw sakin ng mga babaeng 'to. [Angelo pronounced as AN-GE-LO not ANGHELO]

Ano ba. Hindi naman ako artista para pagkaguluhan ng ganito.

Nakakairita na. Nakakabanas. Nakakabwisit.

"Angelo! Hey! Pansinin mo naman ako!" direcho lang ako lumakad dahil ayokong pansinin ang mga.. uhh. fangirls na 'to. Tama diba? Fangirls?

Hay. Nakakalokong buhay.

I'm Angelo Fernandez. Expected to be always right and be a good role model. Assumed to be a good boy but apparently not. Demanded to follow my parent's footstep.

For short at para maintindihan ng lahat.

MAGPAKAPLASTIC.

Alam ko, madalas sa babae lang yun ginagamit. Pero in my case, yun ang dapat kong gawin.

Bakit?

Dahil anak ako ng isa sa pinakamayayaman, pinakakilala at pinakaginagalang na pamilya dito sa Pilipinas.

Nakukuha ko lahat ng gusto ko. Nabibili ko lahat ng kailangan ko. Naibibigay nila lahat lahat ng kailangan ko.

Pero kulang naman ako sa atensyon nila.

Hindi ko magawang magpakatotoo dahil sa pamilya ko. Ayaw nila na mabahiran ng dumi ang pangalan na inalagaan nila for years. Kaya pati ako, tinatali nila sa nakagawian nila. Kahit ibang-iba naman talaga ako sakanila.

And by the way, I have a sister. Alison Fernandez. Mabait yan pero spoiled kung minsan. At.. kami lang ang nagkakaintindihan.

Ayaw din niya sa pamilya namin dahil ginagawa kaming puppet o laruan na lahat ng gusto nila ay sinusunod namin.

Pero wag ka, rebelde din kami. Patago nga lang.

Kung bakit ba kasi ganito ang pamilya ko? Tsk.

Disguised Princess~ (probably won't update ever)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon