The Veracity behind of that Man's Face
"Uy tignan mo yung mangkukulam oh."
"Dude, ang panget niya."
"Paano nakapasok 'yan dito sa university, eh ang panget niya."
"Kaya walang nagkakagusto d'yan e. Ang panget ng hitsura."
"Ang kapal-kapal ng labi at kilay, tapos tignan mo oh, parang luluwa na 'yung mata sa laki. HAHAHA."
"HOY PANGET! UMALIS KA NA NGA RITO, HINDI BAGAY 'YUNG MGA PANGET NA TULAD MO! HAHAHA"
"Hoy, ikaw na pimple na tinubuan ng mukha, umalis ka nga. Nakakasira ka nang araw."
"Ang ganda-ganda ng araw ko, nasira lang no'ng makita ko 'yang mukha mo!"
"Hoy tarsier! Bumalik ka nga doon sa bundok!"
Ilan lang 'yan sa mga pangungutya na naririnig ko mula sa mga schoolmates at classmates ko. Araw-araw na panlalait ang inaabot ko sa kanila. Walang araw na hindi nila ako aasarin. Walang gustong makipag-kaibigan sa akin dahil sa hitsura ko.
Makapal ang kilay at labi ko. Medyo malaki rin ang mga bilugan kong mata. Marami akong tigyawat sa mukha, at medyo oily rin ito. Lagi rin akong nakasalamin ng makapal dahil sa malabo ang aking mata.
Masasabi kong panget talaga ako. Pero kahit na ganoon, may mabuti naman akong kalooban. Hindi nga lang nila nakikita, dahil puro panlabas lamang na anyo ang nakikita nila.
Narito ako ngayon sa aming classroom at inaantay ang guro namin para sa susunod na subject.
"Hoy Tristan, bakit ka pa pumapasok? Hindi ka ba nahihiya sa hitsura mo? Talagang pinapakita mo pa 'yan sa amin?" tanong ni Krystel, ang tinaguriang Queen Bee sa school namin.
"Alam mo Tristan, kung ako sa'yo hindi na ako lalabas ng bahay namin 'pag ganyan ang hitsura ko. Nakakapagtaka nga at kapatid mo sina Athena at Eros," saad naman Aris, ang Campus Heartrob.
"Hindi ka ba nagtataka Tristan? Baka ampon ka. Isipin mo, yung ate mo na si Athena sikat na modelo at sa ibang bansa pa. 'Yung kuya mo naman na si Hades, sikat na artista. Tapos ikaw? Hahaha," saad naman ni Zeus, ang Campus Prince.
Silang tatlo ay sobrang sikat sa school namin. Maraming nagkakagusto sa kanila dahil sa angkin nilang kagandahan. Magaganda't gwapo nga sila ngunit basura naman ang mga ugali nila.
"Wala kayong pake pwede ba. Saka sino ba kayo para husguhan ako? Maganda nga kayo at gwapo, pero ang sasama naman ng mga ugali niyo." saad ko sa kanila.
"At talaga sumasagot ka pa talaga!" sagot ni Zeus at hinawakan ang kwelyo ko at akmang susuntukin ako ng biglang dumating si Aphrodite.
"Hoy, kayong tatlo. Tigilan niyo na nga si Tristan. Puro na lang kayong pambubully. Warning na kayo. 'Pag hindi kayo tumigil ipapadala ko na kayo sa detention office," saad naman ni Aphrodite.
Ang Campus Crush at SSG Officer ng school namin. Maraming nagkakagusto sa kaniya, dahil bukod sa maganda siya ay sobrang bait niya. Kaya nga nagkagusto rin ako sa kaniya, dahil hindi siya tulad ng iba na nanghuhusga. Hindi ko lang masabi ang totoong nararamdaman ko sa kaniya, dahil nahihiya ako sa kaniya.
"Pasalamat ka Tristan at dumating si Aphrodite, dahil kung hindi, tatamaan ka talaga sa akin," turan ni Zeus, at binitawan na ang kwelyo ko at umalis.
"Salamat Aphrodite," mahinang saad ko kay Aphrodite.
"Ginagawa ko lang ang trabaho." maikling tugon niya.
Kahit na maikli ang sagot niya sa akin, atleast napansin niya ako.
BINABASA MO ANG
The Veracity of that Man's Face
Short StorySa mundo na puno nang panghuhusga. Sa mundo kung saan, puro panlabas na anyo ang tinitingnan. Makahanap kaya si Tristan ng mga taong tatanggap sa kaniya?