ATTACKS during the night...
Memory loss...
Bite marks...
Blood loss...
Death...
'Di ba ilan lang 'yan sa mga signs na there was a vampire on the loose? Pero posible bang magkaroon ng vampire sa Pilipinas sa panahon na 'to? I didn't think so. Bakit 'kamo?
Una, mainit sa Pilipinas. Hindi compatible ang vampire skin type sa ating weather. Uubos sila ng galon-galon na super high SPF sunscreen.
Pangalawa, maraming tsismosa sa Pilipinas. Kung mag neighbor kang vampire malalaman at malalaman 'yan ng mga tsismosa mong kapitbahay.
Pangatlo, kung nag-e-exist ang mga vampires, eh, di sana nahuli na sila sa CCTV at nagig viral video na iyon. Pero wala naman , 'di ba?
Pang-apat, sabi nila, madalas daw na sa gabi umaatake ang mga vampire. Kaso, maraming cell center agents na graveyard shift sa Pilipinas. May nakita na ba silang vampire recently?
Panlima, dahil ayokong maniwala kahit lahat ng indicatins ng vampire existence ay nasa harap ko na. . .
"UNA"
VIRAL ngayon ang balita about sa vampires.
Mayroong ilang insidente kung saan ang mga kababaihan ay inaatake sa gabi at wala silang maalala sa mga nangyari. Ang tanging naiiwan na traces ay ang bite marks sa kanilang leeg.
May ilang cases din kung saan namatay ang mga biktima. Same bite marks and same massive blood loss. Maramimg haka-haka at tsismis vampire talaga ang umatake sa kanila, pero wala pa rin silang makuha na kahit anong proof.
As I had mentioned on the first part, hindi ako naniniwala sa vampire, so dedma lang ako sa mga ganitong supernatural na balita.
My name's Reichel Amber Manahan or Rei for short.
Isang simpleng college student na ang tanging hangad ay maka-graduate, makapagtrabaho, mag-asawa, magkaanak, at magkaroon ng happy ending.
Ipinanganak akong mahirap kaya ang hobby ko, mangarap. Mangarap na magkaroon ng poging boyfriend. Mangarap na manalo sa Lotto. Mangarap na magkaroon ng house and lot. Mangarap na magkaroon ng sports car, 'yong red.
"Libre namang mangarap, so why not?"
Wala na ang mga magulang ko. Nasawi sila sa isang boat disaster bago ako gumraduate ng high school. Isang barongbarong sa mala-squatter's area na baranggay ang tangi nilang naiwang pamana sa akin. Pero sa isang iglap, naging isang rich girl ako dahil sa aking Uncle Syl.
Si Uncle Syl ang younger half brother ng mama ko. Nang malaman niya na nasawi sina mama at papa sa isang aksidente, umuwi siya from Europe para kupkupin ako at pag-aralin.
At ngayon, buhay-prinsesa na ako sa isang malaking mansiyon sa isang executive subdivision. Boring as fuck ang buhay ko. School-bahay, bahay-school lang ang routine ko. Madalas, laptop at phone lang ang kaharap ko. Salamat na lang sa dalawang German Shepherd dogs na kasama namin ni Uncle Syl na nagsisilbing friends at mga bantay ko.
Si Uncle Syl lang ang kasama ko sa bahay. Kaso, madalas naman siyang may extracurricular activities.
Nawala siya tuwing gabi at umaga na kung umuwi.
-Part-time call boy kaya siya? Vigilante? Escort Service?
Isang misteryo sa akin si Uncle Syl. May secret kuwarto pa siya na bawal pasukin. Siguro, playroom niya na parang kay Christian Grey.
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa
VampireThis is the first book of the Ang boyfriend kong trilogy (Sage and Rei story). First time ko pong gagawa ng vampire/romance story kaysa sana, magustuhan n'yo. Palagi na lang from Europe of from Egypt ang mga vampires kaya this time,from the Philippi...