"Two"
SA ISANG kisap-mata, nag-swirl ang surroundings ko na para akong pumasok sa isang warp portal. Inilibot ko ang tingin at para akong na-transport sa isang gubat na may nagtataasang puno. Wala na si Sage sa harap ko. Wala na rin ang Olympic-size swimming pool.
Kakaiba ang hitsura ng paligid, pero may puno ng saging, niyog, acacia, talisay, at puno ng mangga. Kung nasaan man ako, I'm sure na nasa Pilipinas pa rin ako.
-Nasaan ako? Bakit nasa gitna yata ako ng kalawakan?
Bigla akong may narinig na ingay, mga sigawan ng panaghoy at takot. Dahil tsismosa ako, hinanap ko ang source ng kaguluhan.
Isa, dalawa, tatlo. Hindi. Sampung mga lalaki na nakasuot ng weird, colorful clothing ang duguan at nakahandusay sa harap ng isang malaking nipa hut. Hindi maikakaila na literal na dumanak ang dugo sa lugar na ito. Parang crime scene, kulang na lang ang yellow barricade tape.
Ang ibang tao naman, tumakbo papalayo sa bloody scene. Dahil matapang ako, tiningnan kong mabuti ang mga walang malay na lalaki. Lahat sila ay may hiwa sa leeg na possible cause of their death. Para silang mga sinaunang tao, pero base sa pananamit nila, para silang mga maharlika o mga pinuno ng isang ancient Filipino tribe.
"Ama, Ama! Gumising ka, Ama!" sigaw ng isang binata na umiiyak habang hawak ang bangkay ng kanyang ama.
Para siyang isang ancient version ni Sage. Identical sa lahat ng bagay, except sa pananamit at sa accent. Walang traces ng British accent sa lalaking ito.
"Nararapat lang na sila ay mamatay dahil sa pagtaboy nila sa akin! wala silang puwang sa mundong ibabaw!" sigaw ng isang babae nakadamit ng itim.
Scary looking ang babae at napapalibutan ng black aura. Para siyang si Maleficent na walang horn. Siya malamang ang pumaslang sa sampung lalaki.
"Miraya! Puno ng kasakiman at kadiliman ang puso mo! Magbabayad ka!" sigaw ng binata.
Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Mabilis na nakatayo ang binata na parang may superhuman speed. Sa isang kisap-mata, mabilis siyang nakalapit kay Miraya at bigla itong sinaksak sa dibdib gamit ang puting punyal
Imbes na dugo, black gooey stuff ang lumabas sa dibdib ni Miraya. Weird dahil biglang umusok ang katawan ni Miraya na para bang weakness niya ang white na blade.
"Isagani. . . Bago ako pumanaw, isinusumpa ko na magiging isa kang kampon ni Kadiliman, isang halimaw pagsapit ng dilim," sabi ni Miaraya.
Apparently, may superhuman speed din si Miraya at nakalayo kay Isagani. Kahit duguan, nagawang makatakas ni Miraya at nawala in a blink of an eye.
"FRIENDS, Miss beautiful," sabi ni Sage, sabay kindat sa akin.
Sa isang iglap, nagbalik ako sa real life. Nandito na uli ako sa harap ni Sage. Nandito na uli ang dambuhalang swimming pool. Wala na ako sa fantasy world.
-Ano'ng nangyari? Bakit may vision na naganap?
"Are you okay?" tanong niya nang matulala ako nang ilang segundo.
"Sage, do you know who is Isagani?" naguguluhan kong tanong.
Kitang-kita ko na namutla si Sage sa tanong ko as if forbidden word ang pangalan na Isagani. Kung sino man si Isagani, I was sre na related siya kay Sage dahil magkamukha sila.
"Isagani? tanong niya na parang parot.
"Yeah, do you know anyone named Isagani? You look exactly like him. Like twins, like pinagbiyak na bayabas, ganern."
YOU ARE READING
Ang Boyfriend Kong Mummy Na, Vampire Pa
VampireThis is the first book of the Ang boyfriend kong trilogy (Sage and Rei story). First time ko pong gagawa ng vampire/romance story kaysa sana, magustuhan n'yo. Palagi na lang from Europe of from Egypt ang mga vampires kaya this time,from the Philippi...