Prologue

21 3 1
                                    

"Room service po ma'am!" ngiting bungad sa akin ni Lesly.  Sa isang linggong pananatili ko dito sa hotel ay laging siya ang nag-lilinis sa tinutuluyan ko. I rolled my eyes at her.

"Trish na lang kasi. Baliw ka talaga." nakangiti akong umiiling iling at  hinayaan na lang siyang maglinis.

Huminga ako ng malalim at naupo sa higaan habang nakatanaw sa labas. Nagiging kalmado ako kapag nakakita ako ng ganitong tanawin. Kay linis pa ng dagat at puting puti ang buhangin.

Ito ang gusto ko, katahimikan at kapayapaan.

I checked my phone. Binuksan ko ang wifi at pinipigilan ang sariling tingnan ang mga chat niya. Still the same.  Nagsimula na naman akong humikbi.

Huminga ako ng malalim at pumikit. Ngunit sa pagpikit ko, nakikita ko lang din ang mukha niya.

Kinagat ko ang aking labi at tuluyan na akong humagulhol. Napahiga ako sa kama at tinapik tapik ang puso nang maalala ang huling usapan namin. I dialed his number.

"Eric! Kausapin mo naman ako oh!"  nabuhayan ako ng loob nang sagutin niya ang tawag ko. Ilang linggo na rin kasing hindi niya ako tinatawagan.

"Ano, di ba sabi ko wag muna?" may gigil sa bawat sambit ni Eric.

Naputol ang linya at napatulala ako. I blinked my eyes.
Nakaramdam ako ng panghihina sa sarili. Napamura ako. I did everything. Tangina ang sakit.

Pagod na pagod na akong umiyak. Bakit ang manhid niya? Bakit ako lang nasasaktan? Hindi ako perpektong tao, nagkakamali din. At ngayon ko lang napagtanto na siguro hindi ako kamahal-mahal. Pero tangina ang sakit. Tangina, I gave up everything! Mas pinili ko siya! Yung oras ko, binigay ko sa kanya. Umikot ang mundo ko sa kanya. Ngayon ko lang napatunayan. Ako lang pala yung nagmamahal! Kaya takot na takot ako magmahal ng sobra eh. Sabi ko na nga ba. Sa kanya ko binuhos lahat pero binalewala niya lang ako.

Bakit pinatagal pa niya kung sa umpisa  pala, hindi niya talaga ako mahal. Tangina, alam ko na lahat. Bakit hindi pa niya sabihin. Why he's still doing this to me? Minahal niya ba talaga ako?

Ayoko na. Ang sakit ng puso ko! Napamura ako.

"Trish! Naku po!" nandidilim ang aking paningin nang pumasok si Lesly sa aking kwarto. Naabutan niya akong hawak-hawak ang gunting habang umiiyak. Kinuha niya ang gunting at nilayo ito sa akin.

"Maybe, I really deserve this kind of pain, lesly." blanko ang mga matang nakatitig kay Lesly. Naging kaibigan ko na rin ito dahil sa madalas namin na pag-uusap. Naikwento ko sa kanya lahat ng kagagahan ko sa buhay. Simula noon, lagi na niya ako binabantayan and I really appreciate her efforts.

I heard my phone beep  and  I know he sent me a message. Napatingin din si Lesly sa cellphone ko. "Wag mo na basahin. Pinapahirapan mo na naman sarili mo." umiiling itong pinatay ang cellphone ko.

"P-Pero baka magalit siya." nanghihina kong sambit.

"Hindi pwede." tinapik niya ako sa braso.

I'm doomed. Humagulhol ako lalo at napayakap kay Lesly.

"Siya lang ang minahal ko ng ganito, Lesly. Kahit alam kong nasasaktan na ako, gusto ko parin siya. Alam kong mali na siya ang pinili ko. Ito na ba yung parusa ko? Kaso naghihintay ako lagi sa kanya kahit sobrang sakit na. Kahit alam kong durog na durog ang puso ko, mas pipiliin ko pa rin na maging masaya siya." napahawak ako sa dibdib dahil sa sakit na nararamdaman nito.

"Iyon na nga Trish, kung mahal ka niya, hindi ka niya hahayaan na magkaganito.."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Villa San JulianWhere stories live. Discover now