Hanggang sa Muli

43 4 15
                                    


Unang beses tayong nagtagpo sa ilalim ng puno ng duhat. Naalala ko pa summer din yon. Mainit kase sa loob ng bahay kaya naisipan kong lumabas. Andun ka din sa ilalim ng puno ng duhat may bitbit na gitara at kumakanta. Hindi naman talaga kita sana mapapansin pero ang astig ng boses mo at yung ngiti mo nakakahawa.

Naging madalas yung pagpunta ko sa lugar na yon Hindi lang dahil sa mainit sa loob ng bahay kundi dahil gusto kong marinig uli yung boses mo at makita ka sana. Hanggang sa kausapin mo ko "Hi, anong pangalan mo?, Ian nga pala", I felt woooh kinausap nya ko, sobrang nakakakaba, nauutal tuloy ako "ah eh Izzy, ako si Izzy". Mabait ka din pala. Hanggang sa naging close tayo.
Madalas na tayo ang magkasama sa kulitan. Madalas mo din akong kantahan. Masaya ako pag kasama ka at ramdam kong ganun ka din. Dumating sa point na Mahal na kita at masaya ako dahil parehas pala tayo. We became couple at parehong masaya ang pamilya natin for the both of us.

We also entered the same University nung college tayo pero magkaiba ang course you took up architecture at ako naman ay tourism. We survived the two years being in a relationship habang nag-aaral.

Masaya akong nakikitang malapit na matupad ang mga pangarap mo. But things happened, madalas masakit yung ulo ko kasabay noon lagi din akong nahihilo, kala ko okay lang baka dahil sa stressed Lang sa mga activities ko sa school kaya di ko muna sayo sinabi.
Until halos araw araw na ganon ang sitwasyon ko kaya my parents decided na ipacheck ako sa doctor. Hindi rin kita madalas mareplyan sa mga messages mo sakin kase nanlalabo yung paningin ko, hanggang sa nalaman mo yung kundisyon ko nagalit ka sakin kase hindi ko sayo sinabing may sakit ako.

Halos araw-araw ka sa bahay para alagaan ako, lagi kitang tinatanong kung may klase ka pa ba, pero lagi mong iniiba ang topic.

Nabalitaan ko ang pagbaba ng grades mo at may subjects ka daw na malapit kana idrop. Ayokong mapabayaan mo yung pag-aaral mo, ayokong maging hadlang sa pangarap mo, nahihiya nadin ako sa pamilya mo kase dahil sakin nahihirapan ka. So I decided to let you go, nalaman ko na din na I have brain tumor.

Pumupunta ka padin sa bahay pero hindi na kita kinakausap ng maayos, sinabi ko narin kila mama na wag sabihin sayo ang sakit ko instead nagpanggap akong okay ako at magaling nako.

Palala na ng palala yung sakit ko kaya nagdecide sila mama na kuhaan ako ng personal nurse which is kuya Tristan pinsan ko. Madalas sya yung kasama ko sa hospital.

Hanggang sa nakita mo kaming magkasama, nakita mong nakahawak sa braso ko si kuya Tristan, I pretended again na okay lang ako kahit sobrang sakit ng ulo ko at hinang-hina na ako, nagalit ka dahil akala mo niloloko kita, akala mo kaya ayaw kitang kausapin because I cheated on you. "Bakit mo nagawa sakin to Izzy?, Hindi ba ako sapat? " I want to hug you and say "you will always be enough for me" pero masisira ang lahat pag ginawa ko yon, Kaya sinabi ko " oo, may bago nako Ian, ayoko na sayo, Hindi mo ba nakita na certified nurse na si Tristan eh ikaw 3rd year architecture palang muka pang Hindi makakatapos, walang-wala ka kay Tristan".

Kitang-kita ko kung paano ka nasaktan pero I ignored it para din sayo to. Kilala kita na pag dinadown ka ng isang tao mas nagpupursige ka kaya Tama lang tong ginawa ko. Bago ka tumalikod you said "magiging architect ako Izzy, salamat sa lahat". Sa pagtalikod mo sakin alam kong wala na talaga tayo , lumabas lahat ng pinipigilan kong luha at naramdaman ko ang panghihina until everything went black.

Nagising ako sa loob ng puting kwarto, narinig kong nag-uusap sina mama , kuya John at yung doctor ko, narinig kong lumala na yung brain tumor ko at kailangan ko nang operahan. Pinaschedule na agad ni mama ang operation ko kahit di pa nila tinatanong kung payag ba ako. The operation is in America so kailangan naming umalis ng bansa.

Halos limang taon kami sa America dahil hindi padin ako gumagaling, unsuccessful ang operation ko. Sa loob ng limang taon nabalitaan ko kung paano ka naging successful kaya hindi ako nagsisi sa desisyon ko. Siguro kaya ako nakasurvive dahil gusto kong makita na successful ka at masaya. Gusto pa sana ulit nila mama ng another operation pero sabi ko tama na, tanggap kona ang kundisyon ko. Alam kong hanggang dito nalang ako.
Kaya hiniling ko sa kanila na iuwe ako sa Pilipinas dahil ikakasal kana, you send me your wedding invitation siguro para din ipakita sakin na masaya ka at successful ka na, malungkot ako pero mas nangingibabaw yung saya dahil natupad mo yung pangarap mo kahit iba yung babaeng kasama mo.

Ayaw man nila mama pero wala silang nagawa because it's my last wish. Gusto kong sa Pilipinas ilabi ang natitira ko pang buhay.

As I went home kitang kita ang engradeng design sa bahay nyo dahil dun pala ang reception ng kasal, madaming nagbago lalo na yung bahay nyo mas gumanda pa. Hindi nako nakapunta sa kasal nyo dahil mahina nako sa dahil sa sakit ko pero kita ko nung dumating kayo sa reception nung bride mo, kita ko yung ngiti mong nakakahawa, kita ko mula dito sa bintana ng kwarto ko na sobrang masaya ka at Mahal na mahal mo yung bride mo. Hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko. Nakita ko rin kung paano mo dalhin duon sa ilalim ng puno ng duhat at kantahan,tugtugan ng gitara ang asawa mo na dati mong ginawa sakin .
Masaya ako dahil masaya ka na.

Pede nakong magpahinga. Hanggang sa muli Ian. Hanggang sa muli mahal ko.

Hanggang sa MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon