Special Chapter

27 3 3
                                    

Dahil naaawa ako kay Ian dahil madaming galit sa kanya, gawan ko po sya ng POV. hehe

IAN'S POV

"Ian wala na si Izzy" unang text na bumungad sakin pagkagising. Is it a joke? Galit ako kay Izzy dahil niloko nya ako pero may parte parin sa puso ko na pagmamay-ari padin ni Izzy hindi ko alam pero she has a special part in my heart kahit pa kasal na ako. Kabado ako, hindi ko alam ang gagawin kaya tinawagan ko agad ang mama ni Izzy na nagtext sakin, gusto kong makibalita, gusto kong alamin ang totoo.

"Ian wala na si Izzy, iniwan na tayo ni Izzy, wala na sya patay na sya" sabi ni Tita Mona (mama ni Izzy) ng tumawag ako, ramdam kong yung sakit habang kausap ko si Tita, rinig na rinig din yung iyak at hinagpis nya habang kausap ko sya sa telepono. " Tita ano pong nangyari?", " Pumunta ka dito Ian kahit sa huling pagkakataon manlang". Naguguluhan ako, nasasaktan ako. Dali-dali akong naligo at nagbihis, pupuntahan kita Izzy. "Hon, saan ka pupunta? bakit nagmamadali ka?" " Hon, si Izzy kailangan ako ni Izzy". Hindi ko na narinig ang mga susunod na sinabi ni mitch (asawa ko) dahil mabilis kong pinaandar ang kotse.

Pagdating ko sa tapat ng bahay nyo, ramdam ko ang lungkot, pagpasok ko sa pintuan bumungad sakin ang puting kabaong, unti-unting tumulo ang luha ko "anong nangyari Izzy? Anong nangyari satin? Bakit sa lahat ng pagkikita sa gantong paraan pa?". Halos lahat ng malalapit sayo ay nandito ngayon pati si Tristan. Galit ako sayo, galit ako sa inyo, pero ayokong makita ka ng ganito Izzy. Nadudurog ang puso ko, walang tigil sa pagpatak ang luha ko.

Habang papalapit ako sayo unti-unting bumalik ang ala-ala ng nakaraan natin. Naalala ko pa summer nuon, as usual bored kaya I decided na tumambay ulit sa labas duon sa may puno ng duhat. Favorite spot ko iyon dahil malilim at nakakatugtog ako't nakakakanta ng walang umaabala sakin, sa bahay kase madalas maingay dahil sa mga kuya't ate ko na madalas akong tuksuhin lalo na't bored din sila ngayon. Madalas ako dito sa favorite spot ko kaya alam kong ako lang mag-isa ang tumatambay dito at pabor iyon sakin.

Hanggang isang araw habang tumutugtog ako't kumakanta biglang dumating ang isang babae, hindi ko sya kilala bagong lipat yata. Maganda sya, she has black hair , medyo chubby cheecks din sya pero hindi naman sya mataba, she also have pointed nose, kissable lips, at ang ganda ng mata nya, to sum it up maganda nga sya. Pansin ko din na siguro bored din sya at naghahanap ng mapaglilibangan kaya sya nandito, pero ang favorite spot ko ay dapat akin lang, bawal outsider dito. Pero dahil good mood ako ngayon hahayaan ko muna sya sigurado ako bukas hindi na sya babalik dito.

Ngunit sa paglipas ng mga araw na tumatambay ako dito sa ilalim ng puno ng duhat halos araw-araw ko din syang nakikita, andito sya araw-araw. Hindi ako komportableng nandito sya dahil bumibilis ang tibok ng puso ko pagnakikita ko syang nakatingin sakin, nakakabakla to, baka may sakit na ako sa puso tssss. Ayoko ng ganitong pakiramdam kaya nilapitan ko na sya, lalapitan ko sya dahil sasabihin ko na sa kanya na hindi ako komportableng andito sya kaya humanap nalang sya ng ibang spot wag sya dito tumambay sa favorite spot ko, but things happened habang papalapit ako sa kanya mas narerealize kong mas maganda pa pala sya sa malapit, mas bumibilis din ang tibok ng puso ko, tila may sariling buhay din ang mga labi ko at kumurba ng isang ngiti. Hanggang sa ang pagpapaalis ko sana sa iyo ay naging pagpapakilala " Hi anong pangalan mo? Ian nga pala" tila nagwawala ang puso ko ng ngumiti ka " ah eh Izzy, ako si Izzy" tila nauutal kapa ng sabihin mo yan pero ang cute mo. "Crush na kita Izzy" sabi ng puso ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang sa MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon