Mausok, mainit, maraming tao. Nandito na talaga ako sa lungsod ng Maynila.
"Ganda!" Sari-saring boses ang naririnig ko. Dumiretso lang ako ng lakad pero napahinto ako nang may kumalabit sa akin.
"Ganda---ay Chaka." Tumaas nang bahagya ang kanang kilay ko.
"May kailangan po kayo?" Umiling ito kaya nag-patuloy na ako sa paglalakad.
"Sandali!" Muli akong huminto at walang emosyon na tumingin sa kanya. Pinag-aralan ko ang itsura nito. Malaki ang tiyan, maliit, at medyo maputi ang kulay ng balat.
"Kailangan mo ba ng trabaho?" Tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. Pumitik-pitik pa ito sa hangin. Bakla.
"Anong trabaho?" Nabuhayan ako ng loob. Siguro ito na ang simula ng panibago kong buhay.
"Maid." Nanlaki ang mata ko at natabangan muli.
"No, thanks." Aalis na sana ako kaso nag-salita ulit siya.
"Ano?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. Grabe.
"Sumama ka na lang sa akin at ipapakilala kita sa agency." Tulad ng sabi niya ay sumama ako. Nangangalay na ang mga kamay ko. Dahil siguro palipat-lipat ang pag-guyod ko sa maleta. At isa pa mabigat ang mga bag.
"Andito na tayo." Nanguna siya sa pag-pasok sa may kataasang building.
"Maupo ka muna diyan, may tatawagin lang ako." Naupo ako at pinag-masdan ang paligid. Iba-iba ang pinag-kakaabalahan ng mga tao pero isa lang ang naka-pukaw sa atensiyon ko. May mga nag-wawalang ginang at meron ding umiiyak.
"Siya po." Tinapik ako ng bakla kanina. May kasama na itong may edad na lalaki. Kunti na lang ang buhok, pero kung titignan ay malakas pa ito.
"Ilang taon ka na ija?" Tumayo ako at ngumiti.
"Nineteen po." May dumating na babae at may ibinulong sa matandang ginoo.
"Sige, tanggap ka na." Napamaang ako saglit at hindi na napigilan ang pag-alis ng matandang ginoo.
"Eh?" Ganun na yun? Wala ng tanong-tanong?
"Ayy, bongga ka day!" Bumalik ako sa wisyo nang hawakan ng bakla ang magkabilang balikat ko.
"Anong nangyayare?" Nagtataka pa rin na tanong ko.
"Huwag nang maraming tanong. Maswerte ka nga, e. Napaka-papables ng aalagaan mo, e." Kinikilig ito na kung umere pa ay parang manganganak na.
"Mag-hintay ka lang dito, okay?" Kahit naguguluhan pa rin ay tumango na lang ako.
"Napaka-sutil ng batang yun! Biruin niyo sa tanda kong ito ay nagawa niya pa akong takutin?" Napatingin ako sa direksiyon ng mga papaalis na ginang.
"Eh, ako nga mas grabe pa diyan---"
"Hey, ayos ka lang?" Napa-ayos ako ng upo at nagtatakang tumingin sa nag-salita.
"Oo, ayos lang." Tipid akong ngumiti.
"Hindi ba't ikaw rin yung kanina?" Tinignan ko siya ulit pero mukhang ngayon ko lang siya nakita.
"Anong pinag-sasabi mo?"
"Yung sa bus." Ngumiti ito. Wala talaga akong maalala.
"Ako yung lalaki na napa-sandal sa balikat mo." May kinuha siya sa isang bag. Isinuot niya ang sombrero at salamin.
"Ahhh. Eh, ano ngayon?" Nawala sandali ang ngiti nito at napakamot sa ulo.
"Ahh, wala naman. Sige una na ako." Tumango lang ako at umalis na nga siya.
"Day, sino yun?" Naka-balik na pala yung bakla. Kanina ko pa siya nakilala pero hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.
"Hindi ko alam. Nagtanong lang." Umupo ito sa kaharap kong upuan at may inilabas sa isang envelope. Pinasadahan niya ito ng tingin at muling isiniksik.
"Nandiyan na ang address." Ibinigay niya sa akin ang envelope at tumayo na.
"By the way, Ako si Jake, pero sa gabi ako si Jade." Malanding sabi nito. Bumuntong hininga ako, ito na talaga.
"Sige na, good luck." May naalala ako at napa-isip.
"Teka, ano ba talagang trabaho ko? Baby sitter o Maid?" Napatawa ito at pumitik-pitik sa hangin.
"Both, kaya nga malaki ang bayad. Sige na, mahaba pa ang biyahe mo."
BINABASA MO ANG
Scarlet, nobody's girl
Teen Fiction"Be somebody.." That was the last uttered by my dear friend who died a year ago. But being "SOMEBODY" doesn't suit me. This is me, a "NOBODY". What's wrong for being nobody? There's no wrong! It's perfectly okay to be one. No need to be frightened...