Archer si Shin sa SFU (Saint Francis University). Nang mag CaU MEET (Catholic Universities Meet) kami ay nanonood kami ng Championship. SFU vs SAU.Btw ang SFU at SAU ang pinaka malaking university na under ng CaS dito sa Pampanga. Ang dalawang school na yan ang laging nagtatalo sa pagiging over all champion sa CaU MEET. Last school year ang SFU ang naka sungkit ng over all champion kaya hindi kami papayag na makuha ulit nila yon
We'll bring back the bacon
So ayun na nga kalaban ni Hana si Tzuyu, pinsan ko
Nasa left side ang team ng SFU at nasa right side naman ang SAU kami namang mga BBG (Basketball Girls) nasa pangalawang row sa pinaka harap. Syempre support ko yung pinsan ko kaya sinama ko na yung mga team mates ko
Mahigpit ang laban dahil 55 - 55 ang score
Nauna na ang dalawang team ng bawat panig. Ngayon ay ace vs ace na
Unang titira si Tzuyu kaya tumahimik ang lahat at inaabangan kung ano ang magiging score nya...
"WHHHOOOO NICE CHOU TZUYU!"
"BULLS EYE!"
"AKO ATA YUNG TARGET EH KASI TINAMAAN AKO SAYO!"
Nagsigawan ang SAU dahil naka 10 points si Tzuyu
Nagsigawan naman yung mga SFU nang si Shin na ang titira
"Grabe ang dami naman ng taga SFU parang dinala lahat ng estudyante eh" reklamo ni Jane
Para makapag concentrate si Shin ay tumahimik ang mga taga SFU
Kasalukuyang naka postura na si Shin nang biglang may sumigaw
"GO SHIN! I BULLS EYE MO RIN! WWWHHHOOOO!!!"
Nabigla din ako nung sinigaw ni Lisa yon pero half of it ay hindi kasi kilala ko na to napaka babaero
Nagtago si Lisa sa likod ko kaya pagkatingin nung iba kung sino yung sumigaw lahat sila nakatingin sakin
Napansin ko rin na napatingin si Shin sakin saka sya nag smile
Dahil sa paglingon nyang yon ay nawala ang arrow sa bow at kinailangan nyang magmadali upang asintahin ito ngunit ilang segundo nalang ay matatapos na ang oras nya sa pag tira
3...
2...
1...
*shoop!* (tunog po yan nung pag tira nya HAHAHA)
*EEENNNG!* (buzzer naman yan)
"NAKU PO 7 POINTS LANG!"
"AYAN ANG PINAKA MABABANG SCORE NA NAKUHA NI HANA"
"KASALANAN NUNG LEE SA BASKETBALL NG SAU YAN EH!"
"PAPANSIN KASE!"
"MADUMI MAGLARO ANG SAU!"
65 - 62
Halos lalaki ang nagrereklamo sa pagtira ng SFU ang mga babae naman ay chinicheer nalang si Shin na bumawi sa susunod dahil lamang na ng 3 points si Tzuyu
Napatingin naman ako ng masama kay Lisa dahil akala ng mga taga SFU ako yung sumigaw
"Libre kitang tsikin mamaya hehe" sabi nya habang yakap ako at nagpacute
"Pasalamat ka talaga nagccrave ako sa tsikin ngayon"
"Araw araw ka naman nagccrave sa tsikin eh" inirapan ko nalang ito at nag focus sa laban
Si Tzuyu na ulit ang titira at naka 9 points sya
Nang si Shin naman ang tumira ay naka 10 points sya
74 - 72
"Ano ba yan matatalo pa ata tayo!" Sigaw ng coach nila
Tumira ulit si Tzuyu at naka 8 points lang sya
Naka 10 points naman din ulit si Shin
82 - 82
Mahusay naman pala tong Shin na to eh akala ko ganda lang
Last shot na to ng bawat team kaya napakalakas ng sigawan ng mga tao na halos gumuho na ang gym. Isa din kasi ang archery sa mga pinaka sikat na laro sa CaU MEET kaya talagang inaabangan nila to
Titira na si Tzuyu ngunit may mga sumisigaw sa mga taga SFU para i distract sya ngunit hindi nagpatinag si Tzuyu at naka bulls eye nanaman
Nang si Shin na ang titira ay napakatahimik ng lahat. Hindi makapag ingay ang mga taga SAU dahil binawalan sila ng mga teachers na nanonood din
"Walang choice si Shin Hana kung hindi patamaan ang pinaka gitna ng target dahil kapag 9 pababa ang nakuha nya ah matatalo ang SFU at kung mapatama naman nya ang bulls eye ay magkakaroon ulit sila ng isa pang shot" sabi ng commentator
Makabasag pinggan ang katahimikan ng buong gym dahil sa napaka intense na laban ng dalawang panig
Naka ready na sa pagtira si Shin at inaasinta na lang ang kanyang target
5...
4...
3...
2...
*shugg!*
*achoo!*
Nagsigawan kaming mga taga SAU. Nakakabingi ang tili namin habang si Lisa naman ay naka yuko at kinakato ang ilong
"Anong nangyari? Sinong nanalo? Ilang points nakuha ng bebe ko?" Tadtad na tanong ni Lisa
"Naka 9 points lang sya YES HAHA PANALO TAYO!"
"Aww talo ang bebe ko"
Hi guys! Let me know what you think sa chapter na to and kung may suggestions kayo about sa story or kung may grammatical, typographical or something kayong napansin don't hesitate to hit me up
PS: Hindi pa po tapos yung throwback gusto ko lang talaga mag update kaya pinublish ko na yung nasulat ko na
Enjoy reading mga malalago!♥
YOU ARE READING
She Loves Me... She Loves Me Not
FanfictionThere are times that she likes me and there are times that she don't Hi danjjaks/DearFriends and Merries/MerryGoRound this is my first time writing a story I hope you like it! If you are not comfortable reading this kind of story I am not forcing yo...