Hoy Mister Antipatiko!

20 4 0
                                    

Sa t'wing ikaw'y dumaraan
Hindi kita pinapansin
Ang iba'y nagtitilihan
'Di ka naman artistahin

Nang landas nati'y magtagpo
Hindi tayo magkasundo
Ikaw nga ay arogante
Habang ako'y ignorante

Kapag ikaw'y naiinip
Ako'y iyong kinukulit
Ako'y iyong iniinis
Nagpupuyos na sa galit

Isang araw may usapan
Bigla akong nakisawsaw
Nabanggit ang 'yong pangalan
Puso mo raw ay ninakaw

Sa usapan ay nadarang
Nasali aking pangalan
Ako raw 'yong kasintahan
Lahat nga ay nagulantang

Ayon pa nga sa iyo
Ikaw'y aking gustong gusto
Umaabot pa nga sa punto
Natutulala dahil sayo

Hoy mister antipatiko!
Payo ko lang naman sayo
Wag buhat sariling bangko
Yung tipo ko'y maginoo

Mapagpanggap ang salita
Kaya ako'y nangangamba
Kailangan kang iwasan
Takot na mapaglaruan

Ngunit 'di ko namalayan
Nahulog akong tuluyan
Sa katulad mong mayabang
Ako nga ba'y nahihibang

Sino nga ba naman ako?
Hamak at walang may gusto
Imposibleng magustuhan,
Lalo ng pagmumukhang 'yan

Tayo'y nagtagu-taguan
Ng ating nararamdaman
At baka di masuklian
Dahil takot mahusgahan

Salamat ikaw'y mayabang
Kaya mong ipagsigawan
Akalang sabi sabi lang
Sa huli'y nagka-aminan

Hindi MasabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon