‘Please do pray for Luke this is his brother’
‘Not now please. God please gave him a spare of life. Not now please. He deserve to live than any bad guy who is living.’
‘Luke still in coma @laurine’
Lalo akong nag – alala sa last tweet ng kapatid nya
Lalong bumuhos ang luha ko sa tweet na yun.
Hindi ko napansin na nagsign of the cross na pala ko and say the name of God
“God please wag po muna ngayon. Hindi ko naman po to ginagawa dahil super crush ko si Luke. Ginagawa ko po ito para sa family nya. Na sana maka sama pa nya ng matagal. Hindi ko po sya kilala. Hindi ko alam ang ugali nya pero hindi naman po sya ganun ka sama na pumapatay ng tao at nanloloko. Kaya please po bigyan nyo pa po sya ng second chance. Please. Kahit dehado po ako sa Filipino sya na po muna ang unahin nyo dahil mas kelangan nya ang tulong nyo. Yun lang po sa ngayon. Madaming salamat po. Amen” nagdasal ako sa tapat ng laptop sabay patay nito.
Gabi na, bukas ko na lang i-kwekwento kay Arnie.
“Owie..” kumakaway sya sakin habang papasok sa gate namin.
Tumakbo ako at hinigit ko sya “Owie… Wait.. Wait lang” pinipilit nyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa braso nya pero hindi nya magawa dahil mabilis akong tumakbo.
“Anong ginagawa natin dito?” tanong nya habang nakatigil kami sa tapat ng chapel.
Kahit hingal na hingal na ko. Pinilit ko pa din syang higitin papasok ng chapel kaya lang tinanggal nya ang pagkakahawak ko.
“Hindi mo naman kelangan na higitin pa ko papasok dyan. Hindi naman ako aswang na takot sa krus kaya tara na kung magdadasal ka. Kaya lang bilisan natin baka magalit pa si Ms. Subong alam mo naman yun malapit na ang due date ng menstruation nya hahaha” pumasok kami sa loob ng chapel ng walang higitan at hindi pa din ako naimik sa kanya.
Lumuhod kami sa tapat ng altar
“Bes..” nakapikit na sabi ko sa kanya
“Oh ano yun? Wag ka lang hihiling sakin na ilibre kita wala akong pera umayos ka hindi pa ---”
////BOOOIINNK!!
Binatukan ko sya habang nakapikit at nagdadasal
“Tungeeeks.. favor na isama mo naman sa dasal mo si Luke yun lang kasi ang kelangan nya para magising sya.” Seryosong sabi ko sa kanya.
“bakit? Anong nangyari?”
“magdasal ka na lang mamaya ko na lang sayo I – eexplain kasi hindi ko pa din alam kung anong nang – yari sa kanya” tumahimik naman sya.
I only want na gumaling na sya yun lang kahit hindi ko alam kung anong nangyari I wish him for his good health.
May napanuod kasi ako hindi ko alam yung title pero ito yung spoiler
Yung nurse lage nyang kinakausap yung guy na comatose like a normal guy lang gising. Kaya nung nagising si guy hinahanap nya yung nurse and in the end sila yung nagkatuluyan.
Alam nyo ba yung title nung movie? Share your blessing naman.
Hindi man ako yung nurse sa movie gusto ko kahit sa pagdadasal nakatulong ako sa pagrecover nya.
Tahimik kaming lumabas ni Arnie ng chapel.
“Now explain mo na sakin kung bakit?” hinarangan ako ni Arnie sa paglalakad
“Later na malelate na tayo kay Subong” iwas ko sa kanya. Malelate na talaga kami kay Subong 5 mins na lang late na kami.
“Kung wag kaya tayo pumasok kay Subong. Minsan lang naman eh.” Hinila nya ko paubo sa isang bench malapit sa chapel “Dito muna tayo kwentuhan mo ko. Ano mamatay na ba?”