Which is Which? (One Shot)

656 22 23
                                    

Another one shot. :)) Inspired by the Jo Twins. <3 <3 <3

Dedicated to her! Hope you'll like it.

♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡ ♡

"Wag mo akong kakalimutan ah!" Sabi niya sa'kin..

"Makakalimutan pa ba kita?" nakangiti kong sabi sa kanya..

Pero deep inside, nasasaktan ako. Ayoko siyang umalis. Gusto ko lagi siyang nasa tabi ko..

Siya lang naman si Kenneth De Guzman..

I met him dito sa mismong place na ito.

Narinig ko kasi siyang umiiyak dito sa mga damuhan habang ako ay namamasyal dito.

Paborito ko kasi ang lugar na ito lalo na't nalulungkot ako or may bumabagabag sa isip ko..

Ngayon, hindi ako magisa.

Sinamahan ko si Kenneth dito.

"Bakit ka ba umiiyak?" Tanong ko sa kanya. Madilim na kasi kaya di ko masyadong makita ang mukha niya.. Ang natitirang ilaw lang namin ay ang mga streetlights sa daan..

"Aalis na kasi kami eh." Sagot niya habang humahagulgol sa iyak..

Niyakap ko siya for comfort.

"Ssh. Tahan na. Bakit ba kayo aalis?"

"Ipapagamot na kasi namin ang may sakit kong kakambal sa America. Ayokong umalis. Wala pa akong nagiging kaibigan dito sa lugar na ito.." Hanggang ngayon ay umiiyak pa rin siya sa balikat ko.

"Ako! Kaibigan mo ako. At forever magiging friend mo ako!" Maligayang sabi ko sa kanya.

Hindi ko alam pero ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. Nawala na rin ang lungkot na nararamdaman ko kanina..

"Talaga? Promise?" Nakangiti siya habang pinapahiran ang mga luha niya..

"Oo. Promise."

Ang laki nang ngiti niya. Parang ito talaga ang unang beses na nagkaroon siya ng kaibigan dito. At isa pa, first time nangyari na may napasaya akong kapwa..

"Anaaaak!! Umuwi ka na. Baka kung mapano ka jan sa labas!!"

Napatingin kami sa isang babae sa kanto..

"Nako, si mommy! Uhm.." May tinanggal siya sa braso niya at isinuot sa'kin.. "Eto oh! Isusuot ko sa'yo itong bracelet ko. Remebrance. Aalis na ako. Thank you.....

Napahinto siya sa pagsasalita. Tila may tinatanong ang kanyang mga mata sa'kin..

Nang magets ko ang ibig sabihin niya.. ngumiti ako..

"Ah! Yssa. Alyssa Ramos."

"Sige, bye and thank you, Yssa. Di talaga kita makakalimutan. Sana, di mo rin ako makalimutan. Mahal na kita! hahahaha byeee!!" Tumakbo na siya palayo habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Bago ko makalimutan, sumigaw ako.. "TEKA! ANONG PANGALAN MO?!"

Huminto siya sa pagtakbo at lumingon sa'kin..

Kahit sa malayo, kitang kita kong ngumiti siya sa'kin.. "Kenneth! Kenneth De Guzman." Tumalikod na siya sabay kaway sa'kin..

Tinignan ko yung bracelet na bigay niya. Para siyang rosary na bracelet pero may "K" na nakalagay. Napangiti ako muli..

Kenneth De Guzman..

***

7 years after

Which is Which? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon