Dos

5 0 0
                                    

Ylise'

"Lysee ang ganda ng mga crowns grabe hanga talaga ako sayo sobrang artistic, pulido ang pagkakagawa at talagang sobrang effort nung details" manghang puri ng kanyang matalik na kaibigan na si Angel.

Si Ylise ang naka assign na mag design at gumawa ng mga crowns para sa mga winners ng upcoming Gods and Goddesses. Ang crown ng mga mananalong Goddess with their respective category ay makakatanggap ng crown na yung pang pageant lang habang sa mga crowns ng Gods naman ay gawang kamay na may desinyong tugma sa kapangyarihang taglay nito.

Napangiti si Ylise sa kaloob-looban nya, kahit wala man siyang matanggap na kapalit sa paggawa ng mga crowns ay nilikha parin niya ito ng buong puso at talento. Ilang habi din siyang puyat sa paggawa nito, inisip niyang mabuti kung ano ang angkop na desinyo, kulay at materyales. Pagtingin mo sa kanyang mga gawa ay di mo aakalaing gawa iyong ng isang grade 10 student,Masyadang perpekto at detelyado. Hindi mo pagkaka-ilang binigyan siya ng Panginoon ng talento sa pagdedesinyo at kahit na mas mahusay pa ito sa mga propesyonal ay nanatili parin siyang papagkumbaba at Gina gawa ang trabaho ng may puso.

"Pag nakaroon ako ng oras ay gagawa ulit ako ng mga crowns ng Greek Gods at ilalagay ko sa kwarto, hmm pati narin kaya sa Norse Gods" masayang wika niya sa sa sarili.

"Hala di ko pa pala tapos ang isang painting, kailangan ko na yung matapos para masimulan ko na ang paggawa sa crowns, fighting!!!"

Pangiti-ngiting naglakad si Ylise para hanapin ang kanyang inspirasyon sa hindi matapos tapos na painting.

Alejandro Nicho asan ka na ba?

Pumasok si Ylise sa senior high buliding kung saan naroon ang mga Gods. Gods ang tawag sa isang groupo ng magkakaibigang senior high students na may mala dios na ka gwapohan. Ito sina Vander Homey, Mhelkyzedic Mortel, Lyod Saavedra, Alejandro Aguelles et al,

Hayon pala siya. OMG ayieee ang hot nila grabe.

Hindi lang si Alejandro ang kanyang nakita kundi ang buong magbabarkada na Gods. Nagbubungkal sila sa lawn malapit sa senior high building. Take note topless silang lahat dahil sa nasisinagan sila ng araw at naiinitan. Basa na ang kanilang uniporme kaya nagpapasyahan ng mga Dios na hubarin ang kanilang mga polo shirt at ipangalandakan sa buong campus ang kanilang abs, muscles at hotness.

What a sight. Bulalas ni Ylise sa kanyang isipan. Class hours ngayon at kaunti lang ang mga estudyante na napapadaan, actually very blessed siya na siya lang ang nakasaksi sa magandang tanawin. Pero yun ang akala niya.

"Ouh tubig mga magsasaka" napalingon siya sa pinanggalingan ng boses. Si Emerald, yung kaklase niyang may maladiyosa ding kagandahan. Ang mga Dios at Diyosa ay nararapat lang mag sama. Naiinggit siya kay Emerald, minsan hiniling niya na siya nalang si Emerald para makalapit siya sa mga Gods. Close si Emerald sa mga Gods at bukod pa sa kanila ay pinalilibutan siya ng mga naggagwapohan at nagkikisigang mga lalaki sa loob o labas ng campus. Si Emerald ay maihahambing mo sa dalawang pinagsamang diyosa, sina Aphrodite at Hera.

"Wag niya akong lapitan, kadiri kayo mga amoy pawis yaks" panay iwas ni Emerald sa mga Gods

Kung ako si Emerald hindi ko na tatanggihan ang grasya.

"May maganda akong na-isip guys" suhestyon ni Alejandro

"Tutal wala naman si Vander, i-group hug kaya natin si Emerald."

"Sige sige Kadiri pala ha? Hahaha" tawang demonyo ni Zed

"Wag nalang kaya natin ituloy, magagalit sa atin sina  Emerald at Vander" nag-aalalang na sabi ni Lyod

"Ano ka ba Lyod kaya ka napagsasabihang bakla eh. Let's go boys halinat sugurin ang reyna"

"Hahahahaha" sabay-sabay nilang tawa habang papalapit kay Emerald, maliban kay Lyod kase isa siyang Santo.

"Ayaw ko yang tingin niyong yan Alen, Zed, Andrian" naka kunot ang noo ni Emerald, mukhang may pinaplano ang mga Gods.

"Sugod" sigaw ni Zed

Sabay-sabya silang nanakbo papalapit kay Emerald.

"Wahhh mommy!!!!!!" Sigaw ni Emerald habang tumatakbo papalayo.Nakorner siya ng mga Gods at niyakap.

"Isusumbong ko kaya kay Vander!!!!!!"

A girl would do anything para lang mapunta sa pwesto ni Emerald. Nandoon lang si Ylise tahimik na nagmamatyag sa kanila.

Umiiyak na tumakbo paalis si Emerald matapos ang karumaldumal na dinanas mula sa kamay ng mga Diyos. Balik ulit sila sa pagbubungkal at nagmumura na naman ang kanilang kakisigan.

Natakpan ng isang bulto ng mataas na nilalang ang sikat ng araw.

He's blocking my sight grr. Nakaharang siya fully kaya diko na nakikita ang mga Gods mula sa pwesto ko.

"Enjoying the view huh? Pervert girl"

Unti-unting nag adjust ang mata ko at nisilayan ko ang lapastangang lalake na pumutol sa aking kaligayahan.

"Jaygo?"


🌙

Lunatic ArtistWhere stories live. Discover now