Chapter 3 - Training and Surprise

2 0 0
                                    

Jen's P.O.V.

"Arghh," ungol ko nang matamaan ako

"Focus Jen, nalulusutan ka," sabi ni Gaia na ka sparring ko ngayon.

2 years na akong nagtetraining at masasabi kong naging macho ako dito dahil sa mga excercises namin, alam nyo na. The usual push-ups, curl ups, jogging. Gumawa pa nga ako ng Gym, Obstacle Course at Battle Ground para lang sa training na ito at well talagang nagbunga rin naman, naging confident na ako sa paggamit ko sa kapangyarihan ko. Ngayon ay inaassess na ako ni Gaia bago nya ako ipasa kay Sol for level 2 training.

"Ice shards, Wind needles, SharpStones, Fire Arrows," sabi ni Gaia at sabay sabay nyang pinaulan yun sakin

"Absorb." bulong ko at sinalubong lahat ng atake nya.

"Amplify 35 times."

"Release."

Sunod sunod kong sabi at agad namang lumabas at rumami ang atake ni Gaia sakin kanina na ngayon ay sya na ang inaatake.

"Cancel," sabi ni Gaia bilang pagsuko. Nagkasundo kasi kami na hindi sila gagamit ng Abstract magic sa training nila sakin at gagamitin lang nila yun to accept defeat

"Very well. You Reached 140% of my expectation?" sabi nya

"Hmm? 140%?"

"Yeah. 3500% amplification is no joke for a beginner. Yung nagmamay-ari ng Amplification spell ehh tamang 2500% lang sya."

"Body supported naman ako ni Astro ehh,"

"Body supported ko rin naman sya. Halos himatayin na nga sya sa 2500% ehh. Limit nya na yun.. Ehh ikaw parang di ka pa nga nasagad ehh."

"Very well magpahinga ka na Jen. Tayo na ang magtetraining bukas," sabat naman ni Sol nang makalapit sila ni Astro sa amin

"Heal," sabi ko. At ilang saglit lang ay nawala na ang pagod ko, "Astro. Pwede mo nang tanggalin ang Body support mo sakin. Ok na ako."

Tumango naman sya at naramdaman ko ang pagkawala ng malakas na kapangyarihan kasunod ang pagod.

Naka body support kasi ako para magamit ko lahat ng Thidal ko nang hindi bumibigay ang katawan ko

"Magpahinga na tayo. Late na," sabi ni Sol at naglakad na kami papasok sa bahay.

-----

Nagising ako nang makaramdam ako ng uhaw, bumaba ako para kumuha ng tubig pagkatapos ay sinulyapan ko ang orasan.

731 Days 0211 hrs

Hindi naman mag-aalala si mama dahil naka timelapse ang dimensyong ito, isang taon dito ay isang segundo lang sa labas kaya hindi magiging kapansin-pansin ang pagkawala ko.

"Jen," naputol ang pag-mumuni muni ko ng marinig ko ang tawag ni Astro, "Can we talk?"

"Bakit Astro?"

"Doon tayo sa park," sabi ni Astro at sinundan ko sya. Naupo sya sa isang park bemch at tinabihan ko naman sya.

"Alam mo ba kung ano ka, Jen?" simula nya.

His Falling UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon