Video Log 368-428

215 13 6
                                    

Video Log 368:

March 31, 2011

10:10am

"Isang taon, dapat nakatwo-years na tayo. And guess what, tapos na ang first year! Good to know nga pala na nagustuhan mo na 'yang course mo, akala ko magshishift ka pa.

368th episode. I promised you. Tanda mo pa? Sana 318 na videos na 'yun, tingin mo may nagbago ba? 'Yung linaw lang siguro ng mata ko ang nagbago.

Tao lang ba talaga ang nagbabago? No,no...wala namang ibang permanente kundi pagbabago. It's what I've learn, what I've thought. Ang importante kasi, para saan ba ang pagbabago mo? Sa mabuti o sa masama? For the better. 'Yung ginawa ko, alam ko it's for the better.

Dear, miss na miss na kita. Isang taon. Naniniwala ka pa ba sakin?

Video Log 369:

April 13, 2010

9:31am

"Nakita ko siya. Tangkad, maputi. Ako, alam ko, hindi niyo ko nakita. Nakaupo ako, dumaan kayo, masayang-masaya sa mga udyok ng barkada. H-h-hindi ko talaga maintindihan. Naniwala ako sa'yo. Sobrang naniwala.

Nagbago na lahat. Hindi ko inaasahan na ako naman magsasabi nito sa'yo. Sino ka na ba? Sino ba talaga nagbago? Para saan pa 'yung mga ginawa ko?

Dear. Naniwala ako sa'yo. Sobrang naniwala.

Video Log 370:

September 10, 2011

12:49pm

"Hindi ko alam kung bakit ko pa ginagawa 'to. Ang weird nga eh, 'di ba kapag in love, lahat ng tao parang naghihiwalay? Tapos kapag hindi ka naman in love, lahat ng tao parang nagkakatuluyan? Bakit ako? Hindi naman ako in love, pero gusto ko lahat ng tao naghihiwalay?

Video Log 406:

November 11, 2011

9:50 am

"Walang hanggang...walang dulo...malalim ang pinaghuhugutan? Nakakatuwa na lang isipin na sinabi ko lahat sa'yo 'yun."

Video Log 425:

December 24, 2011

11:18 am

"NANIWALA AKO SA'YO TAPOS PINAGMUKHA MO KONG TANGA! NAGBAGO? EH PUCHA, IKAW NGA 'TONG-"

Video Log 428:

January 1, 2012

5:45 am

"Dear! Happy 3rd anniversary. Three years? Oha, ang galing natin no? Aminin ko, nagkamali tayo dun tungkol sa mga away. Nag-away tayo pero isang beses lang naman 'yun 'di ba? At 'yung pag-aaway na 'yun, binago ang lahat sa atin g dalawa. 'Yung kada lipas ng mga araw, pagdaan ng buwan, pagdating ng bagong taon, lalo pa rin tayong naghihiwalay. Alam kong masaya ka na sa kanya Dear, at ako naman? Nagbago na talaga, gawa mo!

Walang eksaktong pagbabago at pagbabalik. Kung may mababago man, bubuti lang 'to o sasama pa lalo. Ano sa tingin mo? Bumuti ba ko? O sumama ba?

Madami...madaming nangyari. 'Di ko nga alam kung bakit ginagawa ko pa 'to. Ito na lang kasi ang paraan para ibalik sa'yo ang lahat. Ang ibalik ka.

Pinagmukha mo talaga akong tanga. Tanga nga talaga ako.

H-h-hindi ko kayang magmahal ng iba. Hindi, hindi ko talaga magawa. Dear, ano pa bang gagawin ko para bumalik ka?"

DearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon