Prologue

5 0 0
                                    

Disclaimer: This story contains a lot of cuss, strong and offensive words. Don't tell I didn't warn you, especially if you're the conservative type, then this story might be not for you.

"Girl, ano? Tutulala ka na lang, gano'n? Puntahan mo na." Sabi ni Darlene habang itinutulak ako. Sinulyapan ko si Kio na kasalukuyang kumakain kasama ang mga kaibigan sa isang table.

"Natatakot ako, gago! Mamaya itanggi ako eh." Alanganing sabi ko. Nginiwian niya lang ako at inirapan.

"Duh! Edi tanggihan! At least nalaman mo. Kaysa naman para kang tanga diyan na hintay ng hintay, shunga ka din eh."

Napasulyap ulit ako sa table nina Kio. Hindi ko alam kung paano kong siya lalapitan habang nakapalibot sa kaniya yung mga tropa niya. Nakaka-intimidate pa naman sila dahil mga sikat at may itsura. Samantalang ako, eto lang. Ito na 'yun, yung patatas na patay na patay kay Kio.

Kasalanan rin naman ito ni Kio! Kung hindi niya sana nireplyan yung hi thanks sa accept ko edi sana hindi ako na-fall. Kung hindi sana siya nagu-good night at good morning everyday, hindi sana ako mahuhulog. Pagkatapos namin mag-usap ng ilang linggo bigla niya lang akong iba-block. Kung kailan ang lalim na nitong nararamdaman ko tsaka niya naman ako igo-ghost!

Mamatay na lahat ng ghoster!

Joke.

Pero seryoso, nakakalungkot. Nasanay na akong kausap siya eh. Kahit chat lang 'yon, I treasured the memories we made together. Nasanay na akong may nag-aalala sa'kin.

But sadly,

We never actually talked in personal before.

Ewan ko. Sa chat naman parang mahal na mahal niya ako. Pero sa personal, parang hindi niya ako kilala. You know? Sakit eh. Parang saksak sa puso. Sa tuwing magkakasalubong kami sa personal, hindi niya ako pinapansin---para ngang hindi niya ako nakikita eh. Tumatagos ang paningin. Tusukin ko 'yan eh.

After namin magmahalan ng walang label bigla akong iniwan sa ere! Charot. Hindi ko nga alam kung mahal talaga ako eh.

Pero ngayon, gusto ko ng linawin ang lahat. Maglalakas na ako ng loob para tanungin kung bakit hindi na niya ako kinakausap, kung may nagawa ba akong mali, kung mahal niya ba ako at kung may pag-asang maging kami.

Oo na! Feelingera na kung feelingera!

Pero hindi naman ako aasa kung hindi siya nagbigay ng motibo. Nananahimik ako sa mala-tangina 'kong buhay tapos guguluhin niya. I need answers! He just can't left me hanging!

Bigla akong binatukan ni Darlene.

"Aray naman, tangina! Nag-iisip yung tao eh!" Inis na baling ko sa kaniya. Tinignan niya lang ako na parang natatawa.

"Ulol ka! Huwag ka mapagpanggap! Kailan ka ba nag-isip?" Inis na hinampas ko siya sa balikat. Ginantihan niya naman ako ng mas malakas.

"Huwag ka nga epal, Darlene! Pektusan kita sa pancreas eh"

"Para ka kasing tigang na naninigas diyan! Ano na?! Lalapitan mo ba o hindi?!"

I scoffed.

"Gustong gusto ko ng lumapit, okay?! Natatakot lang ako. Tsaka hindi ko alam kung paano." Sabi ko habang tinititigan pa rin si Kio. Nakikipagtawanan siya sa katabi niyang pogi den na si Bryan. Binalik ko ang tingin kay Kio.

Ang gwapo niya talaga. Sobrang ideal niyang lalaki. Sikat na sikat siya dahil halos nasa kaniya na lahat. Pinsan ata neto si Daniel Padilla eh. Rinig ko din ay dean's lister pa rin siya kahit captain ng Volleyball. Nice diba? Multi-tasking. Sobrang type ko pa ang physical appearance niya. Moreno pero halatang may halong ibang lahi. Medyo built din ang katawan dahil physically active. Siya yung tipo ng lalaking masarap kahit walang sauce. Napakaswerte ko dahil naka-MU ko siya. Lol.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BITTERellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon