Frey Kristine Samonte ⬆️
FREY'S POV
MAAGA akong nagising kinabukasan dahil siguro mahaba din ang naitulog ko kagabi dahil sa pagod kaya naman minabuti kong mag handa na para sa pag pasok sa eskwela.
After maligo ay nagbihis na ko palabas na sana ako ng kwarto para mag breakfast. Nang mapansin ko ang cheek tint na binili namin kahapon ni olivia at ang bago kong salamin. Nilapitan ko ito at napaisip kung gagamitin ko na ba. Wala namang mawawala kung susubukan isa pa maaga pa para sa klase ko. Kaya naman naupo ako sa harap ng vanity mirror ko at nag apply ng cheek tint sa pisngi ko at konti sa labi ko. Natuwa naman ako sa kinalabasan dahil parang natural lang ito hindi katulad ng mga nakikita kong babae sa campus na nagkakapalan ang make up sa muka. Sinuklay ko ang buhok ko at nag apply na din ng powder sa muka saka isinuot ang headband kong pula na hindi ko madalas gamitin dati dahil mas gusto kong nakapony lagi pero dahil kakastraight lang ng buhok ko at kabilinbinilin sakin ni olivia na wag ko munang itatali ang buhok ko ay napagdesisyonan kong mag headband nalang para walang nakasagabal na buhok sa muka ko. Natuwa ako na bumagay naman sakin ang ayos ko ngayon mas nag muka na akong tao nagkakulay ang pisngi kong maputla dahil sa sobrang puti ko. Sinuot ko din ang hikaw na binigay sakin ni olivia nung nakaraang birthday ko na hindi ko pa nagagamit simula nung ibigay nya. Nang makuntento ako sa pagtingin sa itsura ko ay dinampot ko na ang salamin ko at inilagay yon sa bag saka ako lumabas ng kwarto ko.
Pagpasok ko sa kusina ay nagtaka ako sa gulat na tingin sakin ng mga magulang ko.
"Bakit po?" Tanong ko habang nakakunot ang noo.
"Ikaw ba eh may boyfriend na ha kristine?" Seryosong tanong sakin ni tatay.
"Po?" Gulat na tanong ko.
Hinampas naman ng marahan ni nanay si tatay.
"Ano ka ba naman tay kung ano anong tinatanong mo sa anak natin." Natatawang sabi pa ni nanay sakanya.
"Nay hindi ko maiiwasang magisip ng ganon lalo pa at nakikita kong nagaayos na tong anak natin."
"Eh ano namang masama kung mag ayos ang anak natin? Dalaga naman sya. Mainam nga yan at naisip nya ng maging conscious sa katawan nya." Marahang sagot ni nanay kay tatay na may ngiti sakanyang mga labi at kislap sa mga mata na para bang tuwang tuwa sya na nakaayos ako ngayon. Napasimangot naman si tatay sa sinabi ni nanay. Parang hindi nya gusto ang itsura ko. Kaya naman medyo napahiya ako na baka hindi bagay sakin.
"Mahalay po ba sakin tay? Hindi po ba bagay sakin nay?" Alanganing tanong ko na ikinatawa ni nanay at kinangiti naman ng aking ama.
"Hindi anak, masyado ngang lumabas ang ganda mo dahil naisip mong magsuklay." Kunwaring biro saakin ni tatay sabay haplos ng buhok ko.
"Maganda ka anak kahit hindi ka mag ayos. Aba kanino ka ba naman nag mana kung hindi sakin diba nakuha mo nga lang ang kutis ng iyong ina na kahit nasa biladan ay hindi nangingitim kung hindi namunula lang." Sabi pa nya sabay sulyap sa aking ina.
"Kaya nga habang lumalaki ka lumalaki din ang takot sa puso ko dahil alam kong lalaki kang isang napakagandang binibini katulad ng iyong ina. At hindi nga ako nagkamali." Tiningnan pa ako ni tatay ng mabuti na may pagmamalaki sa kanyang mga mata.
"Kaya nakahinga ako ng maluwag nung lumalaki ka dahil imbis na pag aayos sa sarili ang atupagin mo eh libro ang napagdiskitahan mo. Pero ngayon bumabalik ang kaba ko." Bahagya pa syang nailing at natawa sa sinabi nya.
"Hay nako tay ang oa mo late bloomer kasi itong anak natin kaya ngayon lang natutong mag ayos." Nakangiting sabi ni nanay. Nakapag pa gaan ng loob ko ang mga sinabi ng aking mga magulang sa tingin ko ay sadyang nagulat talaga sila sa ayos ko hindi kasi talga ako palaayos dahil mas gusto kong mag basa ng mga libro. Si Olivia lang naman ang pilit ng pilit sakin mag ayos. Isa pa naisip ko din mas iimprove ang sarili ko para mas tumaas naman ang confidence ko sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
My Possessive Best Friend
RomanceBest Friends Series 1 "I'm Frey Kristine Samonte and I'm the campus nerd and Drake Clyde Monteniego is one of the campus prince." And we are best friends..