Nagpasya ko na tulungan sya at nalaman ko na hindi talaga sya ang pakay ng mga taong
gustong pumatay sa kanya kundi ang kanyang panganay na kapatid.
dahil magkamukha silang dalawa akala ng mga taong yon ay iisa sila.
nag-umpisa na kaming mag profile ng mga taong alam nyang may kinalaman sa kanyang kapatid.
" sigurado ka ba na dito sila nakabase?"
" Oo sa tokyo ang alam kong kuta nila."
" ano yan triad?" napapangiti kong tanong sa kanya.
hindi ko maintindihan ang reaksyon nyang yon natawa ko sa kanya para kasi syang naiinis
na naaliw sa tanong ko.
"bakit ka tumatawa?"
" natutuwa kasi ko sayo. ha ha ha." walang tigil kong hagikgik.
" siguro nga natatawa ka kasi hindi buhay mo ang nanganganib kundi sakin."
padabog syang tumayo at iniwan ako.
yon ang pagkakataong hinihintay ko mahirap kasing mangalap ng impormasyon kung
nasa tabi mo lang ang taong pakay mo.