Chapter 14
SHINAE
ARAW ng linggo ngayon at masaya ako dahil kahapon, pakiramdam ko ay is akaming pamilya. Namasyal at nagshopping sa mall, kumain sa labas at nanood pa kami ng sine. Hindi ko naramdaman na yaya lamang ako ng anak ko.
"Yaya Naenae! Wala pa po ba sina Drake at Duke?" Tanong ni shinshin.
Excited na siyang naka-bonding ang mga kaibigan niya. Halos araw araw naman silang magkakasama pero kapag linggo, mas nageenjoy sila dahil halos maghapon silang magkakasama.
"Wala pa, shinshin."
"Pwede ko po bang tawagan sila?"
Tumango ako saka ngumiti. "Oo naman."
Tuwang tuwa siyang tumakbo sa salas. Ginampot agad niya ang cordless landline phone saka nag-dial. Mukhang memorize niya ang number ng mga kaibigan niya.
Napailing na lamang ako habang abala sa ginagawa ko. Naisipan kong ipag-bake sila ng cookies. I'm sure, matutuwa sila mamaya.
Bukod kasi sa paglalaro ay napansin kong hilig na nilang kumain lalo na kapag nanonood na sila ng cartoons.
"Duke, hindi ka pa ba pupunta dito? Naiinip na ako." Narinig kong sabi ni shinshin sa kausap niya sa phone.
"Talaga? Sige. Sabihin mo sa Mom mo bilisan ha? Kasi ang bagal bagal niya."
Nakakatuwa lang talaga si shinshin. Marami siyang kalokohan siya pero mabuting kaibigan siya.
"Drake? Tulog ka pa ba ang batugan mo naman. Magpahatid ka na sa Dad mo."
Ibinaba na ni shinshin ang phone saka muling tumakbo papalapit sa akin. Umupo siya sa stool dito sa kitchen counter kung saan ako nagmi-mix ng ingrediets para sa cookies na gagawin ko.
"Yaya naenae, ihahatid daw po si Duke ng Mom niya. Tapos si Drake kakagising lang."
I appreciate him for being close to me. Parang normal lang siyang nagkukwento sa akin.
"Hintayin mo nalang sila shinshin. Gutom ka na ba?" Tanong ko.
Ayaw niya kasing mag-breakfast ng hindi niya kasabay ang mga kaibigan niya. Dito sila mag-aalmusal.
"Hindi pa, Yaya naenae. Ano po bang ulam namin."
"Nagluto ako ng mushroom soup saka fish fillet."
Namilog ang mga mata niya. Para bang puno ng paghanga ang mukha niya.
"Ano 'yun, Yaya shinae? Masarap po ba 'yun? Fish po ba ang fish fillet? Hindi po ba iyon animal cruelty?"
Ngumiti ako. "Hindi iyon animal cruelty. At oo, syempre masarap iyon."
"Wow! Excited na po akong kumain. Thank you po, Yaya naenae kasi natitikman ko po ang ibang ulam. Hindi nalang itlog ang alam ko. Masaya po ako kasi para na rin akomg may Mom."
Parang hinaplos ang puso ko dahil sas inabi niya. How I wish I can live longer. Sa paraang iyon, magkaroon ako ng lakas ng loob na ipakilala ang sarili ko sa kaniya bilang nanay niya pero hindi, hindi na ako magtatagal at mali kung ipapakilala ko ang sarili ko. Ayokong masaktan siya kapag nawala ako bigla.
Tumunog ang doorbell. Mukhang ang kaibigan na iyon ni shinshin.
"Yaya naenae! May tao!"
Iniwan ko muna ang ginagawa ko saka pumunta sa pinti para buksan iyon.
"Duke!" Sigaw ni shinshin.
Ngumiti sa akin ang babaeng kasama ni Duke. Sa tingin ko, ito ang nanay niya.