Reading Her Letter

25 0 0
                                    

By tseskame

Baguhan lang po. Nagtry lang ^^V Pagbigyan nyo na. HAHA!
Masayahin akong tao kaya ewan ko ba bakit ito ang nagustuhan ko ishare na kwento :D

--------------------------------

Bagong lipat kami noon dito sa subdivision. Habang nakaupo sa labas ng bahay namin ay biglang may batang madungis ang lumapit sa akin. Natakot pa nga ako sa itsura nung bata kaya medyo nilayuan ko siya. Niyaya niya akong makipaglaro sa kanya. Kahit ganun ang itsura nung batang yun, kinalaro ko siya at naging magkaibigan kami.

At ang batang iyon ay IKAW..

Di nga nagtagal, lagi na tayo magkalaro, madalas pa tayong mag away dahil mas gusto kong laruin ang bahay bahayan kesa ang pagiging pirata na sinasabi mo kung saan ako ang utos utusan mo.

Hanggang sa unang pasok natin sa skwelahan magkasama parin tayo. Di man tayo magkaklase, sabay parin tayong napasok at nauwi. Madalas nga noon, ikaw pa ang prumorotekta sa akin tuwing binubully ako. At syempre dahil rin sa di ka ganun kasipag mag aral eh ako ang tutor mo. Lagi mo ako noong kinukulit para lang turuan ka. Dahil nga magkalapit lang tayo ng bahay eh lagi kang nasa bahay namin.

Mahilig kang tumambay sa bahay kasi laging may masarap na meryenda na niluluto si mama at ang takaw takaw mo. Minsan nga, biniro ka na amponin na lang ni mama pero sabi mo ayaw mo magkaroon ng iyaking kapatid. Sumama ang loob ko pero bigla kang may sinabi at doon nga tumatak sa isipan ko ang dahilan mo kung bakit ayaw mo akong maging kapatid, kasi gusto mo akong maging asawa. Natawa pa nga si mama ng sabihin mo yun. Pero kahit na ganun tumuloy tuloy parin yung maganda nating pagsasama.

Pero bakit ganun?

Bakasyon, nang magpaalam ka na aalis kayo. Nagkaroon ng problema sa kumpanya ng papa mo kaya kailangan niyong umalis muna ng bansa para asikasuhin. Naalala ko pa na sobra tayong nag iyakan dahil magkakahiwalay tayo. Binigyan mo pa ako ng kwintas para mapaalala sa akin na babalik ka at pakakasalan ako. Oo, alam ko bata pa tayo pero sabi mo hindi ka nagbibiro kaya sumang ayon na lang ako.

Isa yun sa pinakamalungkot na nangyare sa buhay ko. Simula nga noon, wala ng nagpoprotekta sa akin at palagi na rin akong mag isa. Alam ko pipitikin mo nanaman ang noo ko pag nalaman mong nagkakaganun ako. Kaya naman natauhan ako at natutong lumaban para sa sarili.

Kahit na magkalayo tayo, di mo parin nakakaligtaan tumawag o mag email sa akin. Minsan nga skype pa gamit natin. At masaya tayong nagkukulitan.

Highschool ako noon nang naabot ko ang katanyagan, sumali ako bilang isang varsity ng school at dahil doon nakilala at hinangaan ako. Hindi lang iyon, dahil naging isang valedictorian din ako ng grumaduate. Alam mo bang ikaw ang inspirasyon ko?

Sobra kang natutuwa noon para sa akin. At inasar mo ako na di na iyakin. Nagulat pa ako ng bigla ka naging sersyoso at inulit ang mga katagang babalik ka at pakakasalan ako. Sa panahong yun, naniwala ako dahil alam kong di na tayo bata para magpantasya pa. At sabi mo nga hangga't suot ko ang kwintas ay babalik ka.

Hindi naglaon, biglang di ka na lang nagparamdam sa akin. Nakailang send ako ng email at tawag pero di mo sinasagot. Sobra akong nalungkot. At para bang nawalan ng pag asa na magkita pa tayo.

Walang araw na hindi kita namimiss. Araw araw akong nakatayo sa harap ng bahay niyo at inaantay na baka dumating ka. Pero ilang taon pa ba? Hindi pa siguro sapat ang Anim na taon. Sabi mo babalik ka. Siguro matagal pa.

Sa bawat araw na nga iyon, araw araw akong naghahanap ng karamay at kausap sa pangungulila. Alam mo bang sa pagsisikap ni papa ay nakapagtayo na siya ng iba't ibang branch ng kumpanya sa iba't ibang bansa? Kaya ganun na rin ang madalas na pag alis niya ng bansa. Si mama, ayun nakapagtayo na ng isang succesfull pastry shop niya. Alam ko kung nandito ka ikaw ang number 1 customer niya.

Reading Her LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon