"Hoy! Anong ginagawa niyo?!"
"H-Hanz.." bulong ko.
"At sino ka naman?" the dog asked.
"Fuck! What did you do to Jerel?!" galit niyang singhal paglapit niya sa amin. Kung ako man ang nasa sitwasyon niya ay magagalit din ako kung ang kapatid ko ay maaabutan kong putok ang labi habang hawak ng mga lalaki.
Time seemed to speed up and I noticed that no one was holding us dahil pinagtutulungan na nila si Hanz.
"Hanz!" sigaw ni Jerel at pilit na tinutulak ang lalaki na nakadagan sa kapatid niya.
Parang natulos ako sa kinatatayuan ko at napatitig sa kanila. They are beating Hanz at damay si Jerel dahil yakap yakap niya ang kapatid.
Fuck!
Tumakbo ako papasok sa loob para makahingi ng tulong. Lumapit ako sa kumpulan ng mga nag uusap na lalaki.
"K-Kuya," hinila ko ang laylayan ng damit niya. Napatigil sila at napatingin sa akin. Their eyes widened when they saw me.
"What happened?" nag aalala niyang tanong.
"T-Tulungan niyo po kami, please. Pinagtutulungan nila ang kaibigan ko," umiiyak kong sabi.
They wasted no time and immediately followed me out.
"Take the girl, Carl!" sigaw nito.
Sa mga sumunod na minuto ay nabaligtad ang sitwasyon dahil mas marami sila kumpara sa mga lalaking nang agrabyado sa amin.
"J-Jerel.." umiiyak kong tawag sa kaibigan ko. Puro galos siya at sobrang gulo ng buhok niya. Niyakap ko siya dahil ramdam ko ang panginginig niya. Si Hanz naman ay pinagtulungan nilang buhatin para isakay sa ambulansya. He passed out at mabuti na lamang ay hindi malala ang tinamo niya.
Pinasakay din nila si Jerel para gamutin ang mga sugat niya.
"Put them in the Jail, Sir."
"I will call my lawyer, make sure na hindi sila makakalabas."
"That fucking Gio, hindi na nadala."
Kausap ng mga lalaki 'yung pulis na dumampot sa grupo ni aso. Napansin ko lang na lahat pala sila ay sumisigaw ng kagwapuhan. Matitipuno rin ang mga katawan nila kaya nagawa nilang bugbugin ang mga lalaki kanina ng walang kahirap hirap.
"Are you okay? Bakit hindi ka sumama sa mga kaibigan mo?" tanong ng isang lalaki sa akin. Siya 'yung hiningian ko ng tulong kanina. Ngayon ko lang napagmasdan na kulay gray pala ang buhok niya. He has fair white skin na mas lumitaw pa dahil sa suot niyang black shirt.
He looked down at my wrist and his jaw tightened na para bang hindi nasiyahan sa nakita. Pagtingin ko doon ay nakita kong may pasa pala ang magkabila kong pulsuhan.
"A-Ayos lang ako.." mahina kong sabi.
"How could they do that to my children?! Ni hindi ko nga pinapadapuan ng lamok 'yan tapos bubugbugin niyo!" Tita Jezrel screamed furiously.
"Make sure they can't bail!" Tito Martin said.
Galit na galit ang mga parents nila Jerel habang dinuduro ang mga lalaki kanina. Hindi rin sila pinalampas ng parents ko. Herrera ranks 1st as the most wealth family in the country while Mendoza is in 5th position. They will regret that they bumped into those families.
"Do you want to go home, honey?" nag aalalang tanong ni mom.
"O-Oh my god. Look at her wrist, mahal," naiiyak na sabi ni mom kay dad.
"Does it hurt, hmm?" lumuhod si dad para magkapantay kami.
Umiling ako pero ramdam ko ang pagtulo ng luha ko dahil sa pagtatanong nila.

BINABASA MO ANG
When All Is Said And Done
RomantikAfter breaking up with her long-term boyfriend. Dream does everything to forget, ang akala niya ay tuluyan na siyang lalamunin ng sakit ng nakaraan but Dream finds Meirco, the walking 'green flag', who is also crestfallen like her. Dream and Mierco...